“Tss. Sauce, siya nanaman pinagpapantsyahan mo? Eh alam mo naman waley ka nang pag-asa dun noh. may Princess na yun!” sige. Ipamukha pa. kutusan kita eh. Makita mo. Hmp.

 

“Eh ano ngayon? Eh crush ko lang naman siya ah. Di ko naman siya gusto or mahal. Pft” sabi ko sabay lakad na papuntang baggage room, dun nilalagay mga bags namin, bawal kasi magdala ng bag sa loob eh baka daw may ipuslit na libro. Pft. Daming arte.

 

“Suuuss.. crush daw.. eh halos, ubusin mo na nga yung stock niyong tissue nung nalaman mong may napupusuan na yang Stephen na yan eh! naku, huwag mo na ako lokohin.” Sabi niya tapos sabay na kaming lumabas ng library. Pft. Ipaalala daw ba?

 

“Heh! Tsaka, ano ba. Kahit naman crush ko lang siya syempre it hurts pa rin noh, kasi wala na akong pag-asa sa kanya pag nagkataon” sabi ko na lang.

 

“Ayown! Edi ikaw na mismo umamin na wala ka ngang pag-asa. Hay nako Skye Avryl Samonte! Ewan ko sayo ba’t baliw na baliw ka dun. Basta eto lang mapapayo ko sa’yo ha, tigilan mo na yang pagpapantasya mo sa kanya, kasi kahit naman di mo sabihin sa akin, alam kong mahal mo na yang ugok na yan. Masasaktan ka ba kung hindi? Kaya, tama na sis. Hangga’t di pa nadadamage ang heartlalu mo. Mahirap na yan tapalan pag-over damage na” haba ng litanya niya hah. Pero natigilan naman ako sa sinabi niya..

 

Mahal ko na nga ba siya?  Pero, imposible naman yun diba? Ni di nga kami nag-uusap o nakapag-usap eh. haaayy.

 

Ewan. Basta isa lang alam ko. Crush ko siya. Period.

 

***

The next day..

 

Ganun pa rin , nandito ako sa library.. sinusulyapan siya..

 

Ang gwapo niya talaga..

 

Haaaay..

 

Pero napawi yung ngiti ko nung may lumapit na isang mala-anghel ang beautylalu..

 

Aray.

 

Nandiyan na pala yung bida. Pft.

 

Extra lang pala ako. Nakalimutan ko.

 

Ewan.. pero nung nakita ko yung ngiti niya, lalo na at dahil yun sa babaeng dumating, parang may kumirot somewhere down the road, de joke, parang kumirot yung sa bandang dibdib ko.

 

Siguro nga.. tama nga si Kylie. Mahal ko na siya. Di ko lang maamin sa sarili ko kasi alam kong wala na.. na hindi na pwede. Kaya isinisik-sik ko sa isipan ko na CRUSH ko lang siya pero I know in me, MAHAL ko na siya.

 

Di ko namalayan na may likido na palang pumapatak galing sa magaganda kong mata. Anubayan. Nagdadrama na nga, nagloloko pa ako.

 

Shet. Better escape na. baka Makita niya akong umiiyak. Wapoise. Pero ano nga naman pakialam niya sa akin diba? Wala lang naman ako sa kanya, kasi di kami magkalevel.

Hi Crush!On viuen les histories. Descobreix ara