"KAIBIGAN?! BULLSHIT ALEX!! BA'T HINDI MO SIYA KAYANG IWASAN?! DI BA ALAM MO NAMAN NA AYAW KONG NANDITO SIYA KASAMA MO! PERO ANO?! NAWALA LANG AKO NANDITO NA AGAD SIYA?! WHAT THE FUCK ALEX!!" Galit pa rin ang boses ng pananalita ni Lac saakin habang kinakabog nito ang pintuang sinasandalan ko.

Hindi ko na kaya! Tinulak ko siya para makadaan ako. Tumakbo ako papasok ng kwarto. Naaalala ko lang yung mga panahong sinasaktan ako ng step-father ko. Kung yung mga akit na nakuha ko sakanya kinaya ko pwes yung kay Lac hindi! Hindi ko kaya!

"Alex wait!" Hinabol ako ni Lac.

Kaso sinara ko na agad yung pintuan ng kwarto atsaka ko linock. Tinulak ko yung durabox para gawing pangharang sa pintuan dahil alam kong mabubuksan niya iyon.Hanggang sa unti-unti nang namuo ang mga luha sa aking mata. Hindi ko kinaya lahat ng sinabi saakin ni Lac. Uma-agulgol ako sa sobrang lakas ng pagiyak ko. NakaDapa ako nagyon habang nakaBagsak yung buong mukha ko sa unan.

Kumakatok si Lac sa kwarto  pero hindi ko siya pinapansin. "Alex, Buksan mo na yung pinto." Mababa na ang boses nito kunpara sa kanina.

"P-Para ano?! P-Para pagalitan mo ulit ako?!" Hiyaw ko habang tuloy-tuloy lang sa pagIyak.

"Magusap tayo ng maayos Alex." ani ni Lac

"Anong maayos? Hinihiyawan moko kanina! Kulang na lang saktan moko." Umiiyak pa rin ako. Pwede naman kasi nya'ko kausapin ng hindi umaabot sa point na'to e!

"Kaya nga sorry na, Lumabas ka na para maayos na natin to." Pagpipilit nito sakin.

"Sus! Hinintay mo pang mapunta tayo sa point na'to bago ka kumalma? Sana inisip mo muna kase bago mo'ko pinagalitan at hiniyawan ng hiniyawa kanina!" Tama naman ako di ba? Think before you act .Dahil nasa huli ang pagsisisi! Hindi mo na maibabalik ang nakaraan pag nangyari na.

"Oo na, Sorry na, Buksan mo na yung pinto,Please." Pangungulit nito sakin.

Hindi nako sumagot para hindi na humaba ang usapan namin. Bahala siya sa buhay niya! Pinunasan ko yung luha gamit ang kumot ko. Mabuti pa itulog ko na lang to. Lilipas din to.

Huminga ako ng malalim bago umpisahang matulog. Ang sikip kasi ng dibdib ko. Hindi ko pa rin tanggap yung nangyari. Sana paggising ko mawala na tong nararamdaman ko.

......

Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom. 3:00pm na. Hindi ako nakapag lunch kaya nagugutom nako. Linibot ko yung paningin ko. Nasa kwarto pa rin ako. Wala si Lac sa loob at Tahimik din sa labas. Siguro umalis na siya.

Tumayo ako ng kama. Nanlalambot ang mga paa ko. Pinilit kong itulak yung durabox para mabuksan ang pinto. Hindi ko muna ito inayos sa dating ayos. Mamaya ko na lang aayusin pag may lakas nako. Kailangan ko munang kumain. Gutom na gutom na talaga ako. NapaTingin ako sa salamin. Nakita ko ang namamaga at apupula kong mata dahil sa kakaiyak kanina.

Pagbukas ng pinto ay wala akong nakita. So, Lumabas nako para pumunta sa kusina. Titignan ko kung anong makakain ko.

Hindi pa man ako tuluyang nakaLabas ng kwarto ay may biglang yumakap galing sa likuran ko.

"L-Lac? Hindi ka pa umuwi?" Akala ko wala na siya.

"Hey Alex, Im so sorry, Sorry kung nasaktan kita sa mga sinabi o kung natakot kita. Wag ka na ulit magkukulong nang ganon katagal ah? Nagalala ako. Akala ko may nangyari ng masama sayo sa loob, Hindi ko pa mabuksan yung pintuan ng kwarto mo. Tapos hindi ka rin nagsasalita sa tawag ko. PinagAlala moko ng todo." Parang asong maliit si Lac magSalita. Halata din sa boses nito ang pagaalala.

May namuo nanamang luha sa mga mata ko at dahan-dahang bumagsak papunta sa aking pisngi.

"E ikaw kasi e! Minsan na nga lang ako magkausap sa bahay nato nagagalit ka pa tapos ano anong Iniisip mo saakin." Umiiyak ako habang yung ulo niya ay nasa balikat ko. Nararamdaman ko ang paghinga nito. At mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya saakin matapos kong magsalita.

"Sorry na, Sige hindi na kita babawalin makipagUsap sakanya, pati sa iba. Basta dumistansya ka lang. Nasasaktan kasi ako." Naramdaman kong hinalikan nito ang leeg ko. "Ayoko naman makita kang malungkot dahil masyado na ata kitang sinasakal." Dahan dahan itong nagsasalita. Pabulong ang salita nito kaya nagmumukhang sweet sa pandinig ko.

"Sure ka?" Pinunasan ko yung mga luha sa mata ko gamit ang mga kamay ko.

"Bati na tayo?" Tanong nito saakin.

Tumango naman ako bilang sagot. Pinunasan ko din yung ilong ko kasi sinipon ako kakaIyak.

Bumitaw ito sa pagkakayakap at pumunta sa harap ko. NakaYuko ako kasi inaayos ko yung mukha ko.

Hinawakan niya'ko sa Baba atsaka Inangat ang ulo ko. "Tignan mo yung mukha mo, Nagmukha ka tuloy losyang."

Natawa naman ako sa sinabi niya kaya tinapik ko ito sa balikat "Baliw!"

"Tara kain na tayo, pinagLuto kita ng tinola." Hinawakan ako sa kamay ni Lac. Pumunta kami sa lamesa. PinaUpo ako nito at nakita ko din yung tinolang sinasabi niya sa malaking bowl.

Naglagay siya ng kanin sa pinggan ko at ng sabaw. Isa lang yung pinggan sa harap namin ag katabi ko naman siya. Pagkatapos hipan ni Lac yung nasa kutsara ay inabot niya ito sa bibig ko.

"Kaya ko naman ako na." Aagawin ko sana yung kutsara sakanya.

"Hindi! Ako na!" Ilinayo nito yung kutsara atsaka pilit sinusubo sa bibig ko.

Sinubo ko na ito para wala ng Aaway. Masama kasing pinaghihintay ang pagkain. May inabot itong tasa saakin.

"Higupin mo yang sabaw ng tinola." Utos nito saakin.

Sakto yung linuto ni Lac. Pagkatapos kong umiyak. Sabaw ng Ttnola ang kinakain ko. Unti unti na din akong tumatawa. Medyo mainit pa yung sabaw kaya hinihipan ko muna bago ko higupin.

.....

Katapos namin kumain ay nagpahinga ako. Grabe! Busog na busog ako. Naglilinis ng Plato si Lac sa kusina. Kaya naiwan ako magisa sa lamesa.

Ang dilim sa loob. Nakasara pa  kasi yung pintuan ng bahay. Kaya tumayo ako para buksan iyon. Kabukas ko ay napaPikit ako sa liwanag na pumasok sa bahay.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata para makita amg labas ng bahay.

"Nandyan si Lac?"

Nagulat ako nang may babaeng nakatayo sa labas ng gate. Sexy din ito, Na may malaking pwit, Malaking dibdib at short hair. Pinsan niya kaya to?

"Oo nandito siya pasok ka." Lumabas ako at pinagBuksan ko siya ng gate. Kabukas ko ay tuloy tuloy lang siyang pumasok. Hindi man lang ito nagThankyou or kinausap man lang ako.

Nang makaPasok siya ay linibot niya yung tingin sa bahay. Siguro si Lac ang hinahanap nitk. Humarap ito ulit saakin at nagTaas ng kilay. "Where is Lac?" NakaTaas pa din ang isa nitong kilay.

"Uhmm, Nasa loob ng kusina, Ano ka niya?" NakaNgiti sakanya para makaClose ko siya.

"Okay." Iyon lang ang sinagot niya saakin. Bago siya tumalikod ay inirapan ako nito.

Aba!

***

-Kasama talaga sa isang Relasyon ang magAway :)
-Alex

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now