CHAPTER TWENTY-FIVE

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako nakasagot agad. Sinipat ko ang kanyang mukha kong nagsasabi siya ng totoo. Mukha namang hindi nagsisinungaling. Pero ang sabi ni Tita Chayong nagsasama na sila sa iisang bubong ni Amane kaya nga sinabihan akong huwag ko nang asahan na balikan pa niya ako.

"Siyempre naman, kaibigan mo ang Akio na iyon. Kanino pa ba siya kakampi?"

Bago siya makasagot, lumabas si Tita Mira kalung-kalong si beybi. Isang tingin lang niya kay Kaito, nahulaan niya agad na ito ang ama ng anak ko. Halos napatili ito sa katuwaan.

"Ang pogi pala nitong asawa mo, Pipay! At mukhang ubod ng yaman!" Nagkandahaba ang leeg nito sa kakatiningin sa nakaparadang BMW sa tapat ng bahay niya.

Napatingin si Kaito kay Tita Mira na tila nagtatanong ang mga mata. Nagpakilala naman agad ang tiyahin ko sa kanya sabay pakita sa mukha ng beybi. Magkamukha raw talaga silang mag-ama.

Dahil sa kadaldalan ni Tita Mira, napag-alaman kong natunton kami sa Benguet nang dahil sa kadaldalan ng kapitbahay naming si Aling Delia. Ito raw ang napagtanungan ng private investigator na inutusan ni Kaito na maghanap sa amin. Naitsika daw ng matanda na baka nagtago ako sa bahay ng isa pang kapatid ng nanay ko. Pambihira!

Ora-orada'y pinaimpake kaming mag-ina ni Kaito. Binigyan niya ng pera ang Tita Mira ko't nagpasalamat sa pagkupkop sa amin. Sinabihan din akong dadaan lang daw kami sa amin sa Pampanga at tutuloy na rin daw agad sa Japan nang araw ding iyon. Kailangan daw maparehistro na namin ang bata sa family registry niya sa lalong madaling panahon dahil kinakapos na kami sa oras. Tatlong buwan lang daw kasi ang binibigay na panahon para doon at magte-three months na si beybi sa susunod na linggo.

"Ano ka sinuswerte? Akala mo ganoon lang kadali ang lahat? Malay ko ba kung niloloko mo lang ako? Baka balak mo lang akong gawing mistress mo! Hindi ba't gano'n din ang ginawa ng papa mo sa isang alaga ni Tita Chayong noon?"

Hinila niya ako ulit at hinawakan sa magkabilang pisngi. Sa harap ni Tita Mira ay binigyan niya ako ng isang mainit na halik. Nanlambot ang mga tuhod ko't napakapit pa sa batok niya.

"Does it feel like I want you to be my mistress?" anas niya sa akin bago niya halikan ang tungki ng ilong ko. Napanganga lang ako sa kanya.

**********

Medyo takot na takot si Akio nang salubungin niya kami sa Chubu Airport sa Nagoya. Panay ang tingin nito sa likuran niya. Nang nasa loob na kami ng limousine saka niya ako binulungan na dinaanan daw siya ng papa ko sa Banzai Studio nang araw na iyon at binantaan na oras na may kinalaman daw siya sa pagtatago sa akin ay makakatikim daw siya ng bagsik nito.

"Bakit hindi mo nilagay ang pangalan ni Amane sa koseki mo? Tuloy ay napag-alaman ng Papa't Mama mo na may tinatago ka nga!" anas nito sa akin. Sumulyap-sulyap siya kay Filipa at ngumiti-ngiti na para bang ina-assure ito na wala lang ang pinag-uusapan namin.

"Why would I do it? She's not my wife," kalmado kong sagot. "Naayos mo ba ang pinapaayos ko sa iyo?" Ang ibig kong sabihin ay ang bahay na patitirhan ko sa aking mag-ina.

"Oo naman."

No'n lang niya parang napansin ang beybi na kalung-kalong ni Filipa. Sinilip niya ito at napangisi. Kamukhang-kamukha ko raw ang bata. Bakit hindi ko na lang daw harapin ang mga magulang ko't ipakilala ang apo nila? Sigurado raw na magbabago ang isip nila tungkol sa amin ni Filipa.

"You don't know them," malungkot kong sagot.

**********

Pagdating namin sa isang magarang tenth-story building, pumasok na sa basement ang limousine kung saan ang parking lot ng mga residents ng naturang gusali. Kinuha ni Kaito sa akin si beybi at magkahawak-kamay kaming pumasok sa elevator. Hindi na sumama sa amin si Akio.

Tatlo ang kuwarto sa unit na kinuha niya para sa amin ng bata. Maluwang ang bawat silid nito, mas maluwang nang di hamak kaysa sa condo na binili niya para sa amin sa Maynila. Nalula nga ako. Bihira naman kasi ang ganoon ka lawak na tirahan para sa mga Hapon.

"This is our room," sabi niya nang pumasok kami sa master's bedroom. Bahagyang nag-init ang pisngi ko. May kung anu-ano na naman akong naisip. Kaagad ko ngang inagtabuyan iyon sa utak ko bago pa kung saan iyon humantong. Nakakahiya. Baka akala niya'y gano'n ako ka sabik sa kanya.

Hiniga niya si beybi sa nag-aantay na crib roon at hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil-pisil niya iyon at hinagkan. Napalunok ako nang ilang beses. Parang hindi ako sanay sa isang masuyong Kaito. Balasubas kasi ang Kaito na nakasanayan ko.

Nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi ay napasinghap ako. Awtomatikong napapikit pa ang aking mga mata. Inasahan ko nang hahalikan niya ako, pero hindi iyon nangyari. Pagdilat ko, nakatitig pa rin siya sa akin. Napalunok ako. Hindi ko nakayanan ang intensity ng tingin niya kung kaya iniwas ko ang mga mata. Bahagya akong nagulat nang bumaba ang kanyang mukha at halikan ang isa kong mata. Nang balingan ko siya'y saka lang ako siniil ng halik sa labi. Nang akayin niya ako patungo sa king size bed sa gitna ng silid, hindi na ako nag-inarte pa.

We were almost there when his phone rang. Base sa reaksiyon niya, napagtanto kong kung sino man ang tumawag ay isa iyong importanteng nilalang dahil bigla siyang napatayo at napalabas ng kuwarto kahit naghuhumagsik pa ang kanyang anaconda. It made me worry much. Natanong ko tuloy ang sarili kung tama ba ang desisyon kong sumama sa kanya at suwayin ang payo ni Tita Chayong na huwag nang bumalik ng Japan.

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon