CHAPTER TWENTY-FIVE

Start from the beginning
                                    

"Kararating mo lang. Saan ka na naman pupunta?"

Nilampasan ko lang si Amane. Dali-dali akong bumalik sa kotse ko at pinaharurot ito palayo. Pagdating ko sa isang maliit na Japanese restaurant sa Kitaku Umeda, nandoon na ang kausap kong imbestigador. Pinatong ko sa mesa ang attache case at tinulak ito palapit sa harapan niya.

"Kompleto ba ito, boss?" tanong niya sa akin. Pinagkiskis pa ang dalawang palad. Gigil na gigil sa laman ng attache case. Sino ba naman ang hindi? Mahigit kumulang kalahating milyong dolyar iyon.

"Walang labis, walang kulang. Siguraduhin mo lang na may maganda ka nang balita sa susunod nating pagkikita or else alam mo na ang mangyayari sa iyo."

Ngumisi ito. Nagsilabasan ang yellowish niyang bungi-bunging ngipin. Binigyan ko siya ng tiger's look. Sumeryoso naman ang hunghang.

Katatapos lang naming mag-usap nang tumawag si Papa. Pinapapunta niya ako sa upisina niya. Ayaw ko mang dumaan doon ngayon, napilitan din ako dahil mukhang susunugin niya ang buong karagatan sa galit. Naisipi ko tuloy, ano na naman kaya ang sinumbong sa kanya ng bwisit na babaeng iyon?

"Gusto kong linisin mo ang iyong koseki (family registry) sa lalong madaling panahon! Nakakahiya kina Arakawa-san! Ano na lang ang sasabihin nila sa atin?"

Hindi ako kumibo. Mayamaya pa'y dahan-dahan itong ngumiti.

"Kailan mo kami sasabihan ng iyong ina? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Arakawa-san ay hindi ko malalamang magkakaapo na pala kami sa iyo."

Napamulagat ako.

"O, hindi ba sinabi sa iyo ng asawa mo?"

Tumawa na ito.

"Hindi ko pala dapat sinabi sa iyo ito. Mukhang gusto ka sana niyang sorpresahin."

Hindi kaagad ako nakahuma. Nang mag-sink in ang balita'y napangiti ako. Sa wakas mayroon na akong matibay na rason kung bakit hindi ko siya maaring maging asawa.

**********

Inaayos ko ang mga nalabhan na lampin sa sampayan nang mapansin kong may humintong sasakyan sa harap ng bahay ni Tita Mira. Nang bumaba ang sakay nito, nanlaki ang mga mata ko. Tumakbo pa sana ako papasok sa loob ng bahay, pero naabutan niya ako. Hinuli niya ang isa kong braso't hinila ako. Napasubsob ako sa dibdib niya. Tinulak ko pa sana siya palayo, pero mahigpit niya akong niyakap. Hinagud-hagod niya ang buhok ko habang hinahagkan ang sentido ko.

"I missed you! I missed you so much!"

"Kaito, ano ba!"

Paano kaya ako natunton ng damuhong ito?

"Kailangan mong sumama sa akin. Hindi na ako papayag na mawala pa kayo ni beybi sa piling ko!"

Nagpumiglas ako at tinulak ko siya uli. Pinakawalan naman niya ako this time.

"Bumalik ka na sa inyo! Hindi ka dapat pumarito! Ang sabi sa akin ni Tita Chayong, nag-asawa ka na---pinakasalan mo na si Amane, kaya bakit gusto mo pa akong makasama? Ang swapang mo naman!"

Ngumiti siya nang may lungkot sa kanyang mga mata.

"Ang alam ko, kasal ako sa iyo. Wala akong ibang asawa kundi ikaw lang."

"Talaga? Kaya ba pinakasalan mo si Amane? Kaya ba binuntis mo rin siya? Kaya ba magkakaanak ka na rin sa kanya?" Humihingal na ako sa sobrang galit.

"The marriage is null and void---dahil nauna akong magpakasal sa iyo. Ginawa ko lang naman iyon dahil pinilit nila ako. At wala akong kawala nang gabing iyon. Pero kailanman ay hindi ko siya sinulat sa koseki ko. Kahit itanong mo pa kay Akio."

SUKIYAKI (COMPLETED)Where stories live. Discover now