B

315 30 17
                                    

Bakas sa mukha ni Yael ang pagkagulat ng muntikan na siyang matisod sa nakausling bato sa kabilang daanan. Ganoon pa rin ang ginagawa ko, maghihintay sakaniya, sasabayan ko siya at panaka-nakang papanoorin ang bawat galaw niya, tatanawin ang likuran niya papasok sakanilang building hanggang mawala siya sa aking paningin.

Nang makapasok na siya ay napalingon ako sa aking likuran. Nakakapagtakang may kung anong bumabagabag sa aking damdamin na hindi ko mapangalanan.

Pagkatapos ng unang klase ay sabay kaming nagtungo ni Olivia sa Computer Room. Kumunot ang noo ko ng halos lahat ng aming kaklase ay iba na ang tingin sa akin pagkapasok pa lang namin ni Olivia sa silid, ang iba ay nagbubulungan pa at patawa-tawa.

"Bes, tignan mo!" Natatawang itinuro sa akin ni Olivia ang screen ng mga computers. Biglang uminit ang pisngi ko ng makitang naka-display bilang background ang isang litrato ko na hindi ko alam kung sino ang kumuha. Hindi ko maaaring makalimutan ang araw na nasa litrato. Sa litrato ay nakasimangot akong sinipa ang isang maliit na bato, iyon ang araw kung kailan nakarating ang tsismis kay ermats na nagkakagusto ako sa isang binata. Katakot-takot na sermon ang nakuha ko sakaniya bago niya ako pinapasok.

Nasa singkwenta ang bilang ng computers, bago pa man dumating ang aming guro ay inisa-isa ko na ang mga ito para burahin ang aking litrato. Patawa-tawa naman si Olivia, hindi man lang niya ako tulungan. Malaman ko lang kung sino ang may kagagawan nito ay malalagot sa akin.

May isang taong pumasok sa aking isipan. Kung iisipin ay siya lamang ang baliw na gagawa sa akin nito.

Nang tumunog ang batingaw ay nagpupuyos ang aking galit na nagtungo sa building ng mga seniors.

"Nakita mo ba si Kulafu?" Tanong ko kay Kokoy na isa sa tropa ni Sibaz. Tanging kibit-balikat naman ang isinagot niya sa akin kaya agad ko siyang tinalikuran.

"Si Kulafu ba ang hinahanap mo? May binubugbog na naman siya sa likuran ng lumang silid." ani ng isang lalaking may suot na makapal na salamin sa mata. Tinanguan ko siya at nagpasalamat. Agad kong tinakbo ang distansiya patungo sa abandonadong silid.

Tahimik ang lugar na iyon at kung hindi lamang sa pagkakataong ito ay kikilabutan ako sa pagpunta sa lugar dahil nababalitang may mga ligaw na kaluluwa raw doon na nagpapakita.

Nakarinig ako ng mga kaluskos. Nang makita ko kung saan nanggagaling iyon ay agad kong sinigawan si Kulafu na natigilan sa pagsuntok sana sa isang lalaki na kilala ko lamang sa mukha ngunit hindi sa pangalan.

"Kulafu!"

Napalingon siya sa akin. Bago pa man ako mawalan ng lakas ng loob ay agad ko siyang sinugod at isang sipa sa gitna ng kaniyang dalawang hita ang aking ibinato sakaniya, pagkatapos ay kumaripas ako ng takbo palayo sa lugar. Narinig ko pa ang malakas na mura ni Sibaz bago ako lumiko sa isang pasilyo.

--

Obscured ValentineWhere stories live. Discover now