Denesis Point of View
Ilang ulit kong pinagmasdan ang isang blangkong papel sa mismong harapan ko. At makailang ulit ko ng pinaikot ikot ang hawak kong lapis. Kasabay non ang malalim na buntong hininga na aking pinakawalan.
Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mababago kung anong nararamdaman ko. Gusto ko nga ang pagguhit dahil alam kong naeenjoy at narerelax ako kapag ginagawa ko ito. Pero bakit ngayon? Parang gusto ko na lang umiyak kesa gumuhit.
"Den" tawag ng kaibigan kong si Mandy. Alam kong nag-aalala sya sa akin.
"Don't worry ayos lang ako" saka ko sya nginitian. Pinipilit kong hindi ipahalata na hindi ako nasasaktan. Pero hindi talaga ako magaling magpanggap.
Bigla namang bumukas ang pinto. At iniluwa nito ang bandang KINGS, halos magkakasunod na pumasok sina Landon. Lahat sila nakangiti at parang may nakakatawang pinag-uusapan.
Pero hindi ko pa rin maiwasang tingnan sya. Si JK, halos nakikipagtawanan ito kasama ang mga fans nito. Hindi ko maiwasang masaktan sa mga pinapakita nya.
"Oh nandito pala si Ate Denesis. Di ba girlfriend mo sya Kuya JK?" tanong nong babaeng kasama mismo sa Fans ng Kings. Siguro isa sa sya sa mga Freshman na humahanga sa Kings
Kita ko kung pano bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ulit ang mga mata namin.
"Tss hindi ko sya girlfriend. Hindi naman naging kami" malamig nyang sagot.
Halos naestatwa ako at di makakilos sa sinabi nya. Parang ilang balde ng yelo ang ibinuhos sa akin at nanuot sa katawan ko.
"Den tara na" yaya naman ni Mandy. Alam kong gusto na nya ako iiwas sa eksenang ito. Alam kong awang-awa na sya sa akin, pero bakit ganon? Tinatraydor ako ng katawan ko, ni hindi ko magawang tumayo.
Tanging yuko lang ang nagawa ko. Halos nahihinat na ng todo ang palda ko dahil pinipigilan kong huwag umiyak. Ayokong umiyak sa harapan ni JK.
"Ah nga pala maraming salamat sa suportang pinapakita nyo sa amin" wika ni JP sa mga fans nila para maiwasan siguro ang topic tungkol sa amin ni JK.
"Den please labas na tayo" yaya ulit ni Mandy na muntik pang hilahin ang braso ko. Ayokong gumawa ng eksena kaya agad din naman akong tumayo saka ko linigpit ang sketch pad at lapis.
Rinig kong nagsitilian ang mga fans nila habang papalabas na kami ni Mandy. Halos nakasunod lang ako sa kanya, ni hindi ko magawang umimik.
Alam kong kapag tinangka kung magsalita baka umiyak na lang ako bigla at humagulhol dito mismo sa hallway.
Nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Mandy papunta sa likod ng School Garden. Don napansin ko na walang tao, walang estudyante at walang teachers na dumadaan.
"Den umimik ka naman. Ayokong nakikita kang ganyan" wika ni Mandy. Awang-awa na nga sya sa akin, pero hindi dapat. Ako naman ang may kasalanan kaya bakit nya ako kinakaawaan?
Nginitian ko lang sya.
"A-ano ka ba ok lang ako Mandy. K-kaya ko toh" nagulat na lang ako ng may luhang kusang pumatak sa pisngi ko.
YOU ARE READING
Fall Hard
RomancePapano ka makakamove on? Papano ka ulit babangon kung nasaktan ka na naman ulit? Gugustuhin mo pa bang ibalik ang dating ikaw? O hayaan na lang na tangayin ng sakit ang tunay ikaw? Magmamahal ka pa ba? O kakalimutan mo na lang na nagmahal ka? Are y...
