PROLOGO

12.6K 300 8
                                    


Prologue


Paos na ang boses ko kakaiyak sa pagmamakaawang pakawalan nila ang tatay ko. Duguan siya habang hawak-hawak ng isang lalaking may malaking katawan. Bigla nalang kaming pinasok ng sampung mga lalaki dito habang naghahapunan at pinagtulungang bugbugin ang papa ko. Gusto ko mang tulungan si papa ay di ko magawa dahil sa mga malalakas at mahihigpit na mga kamay na nakahawak naman din sa akin. Wala akong magawa kundi panooring sinasaktan ang aking papa, ang nag-iisang pamilya ko. Walang tigil ang aking pag-iyak at pakikiusap na itigil na nila iyon at baka ikamatay pa ng papa ko.



"KUNG MARUNONG MANGUTANG DAPAT MARUNONG DING BUMAYAD! " Binulyawan siya ng isang lalaking mahigpit na hinahawakan pataas ang kanyang buhok. Ang papa ko ay umuungol na sa sakit.


"Tama na po!" Nanghihina kong sambit ng makitang sinuntok muli ng lalaki ang duguang mukha ni papa. Napataob siya sa sahig at di agad nakagalaw. "Papa!" Nagtangka akong lumapit kaya isang malakas na sampal ang natanggap ko.


Sila ay pinagtatawanan lamang kami.

Dahil sa pagkalulong ni papa sa sugal kaya nagkaroon siya ng malaking pagkakautang sa leader ng isang sindikato. Hirap na hirap na kami sa buhay dahil natanggal siya sa trabaho, malaki rin ang pataw sa kanya ng interes kaya naman di na namin iyon kayang bayaran.

Di pa sila nakuntento at pinagtatadyakan nila ang papa ko. Mas lalo akong umiyak nung makita ko siyang sumusuka ng dugo. Mataimtim akong nagdasal na sana ay matigil na iyon.

Napapikit ako ng makarinig ng malakas na kalabog mula sa pinto namin at pumasok ang isang taong kinakatakutan ko. Ang leader ng sindikatong pinagkakautangan namin,


Si Ziro Villaver.



Nakaramdam ako ng matinding pagkamuhi sa kanya nung makita ko siya pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat ako dahil natigil ang pagpadyak nila sa kawawang katawan ng papa ko. Nagsiayos at nagsiyuko ang mga tauhan niya sa kanyang pagdating. Tahimik ang buong paligid.


Matalim kong tinitigan ang blankong mukha ng lalaki habang nakatingin sa papa kong gumagapang patungo sa kanya. Sobrang sakit para sa isang anak ang makita ang ama sa ganoong kalagayan. Nanginginig ang katawan ko sa magkahalong takot at galit na nararamdaman.



Hinawakan ni papa ang paanan ni Mr. Villaver at sinimulang magmakaawa sa kabila ng hirap sa pagsasalita.
"Patawarin mo ko boss. Pakiusap, wag mo kong papatayin. Gagawin ko lahat. Wag mo lang akong papatayin." Umiyak si papa sa paanan niya. Wala akong magawa kundi ang idaan sa pagkuyom ng kamao ang aking galit.

Kahit kailan. Hinding-hindi ako magmamakaawa sa isang demonyo!


Hindi nagsalita si Mr. Villaver at may hinugot na baril mula sa kanyang likuran na nagpalaki ng aking mata. Si papa naman ay nasindak at nataranta. Di alam ang gagawin.


"Pakiusap wag! Wag mo kong papatayin! Nagmamakaawa ako sayo boss! Gagawin ko lahat lahat! Pangako!" Isang ngisi ang gumuhit sa mga labi ng demonyong lalaki sa harapan ko. "Nasa akin na lahat. Ano pang maibibigay mo? Nagpapatawa kaba?"


Nasa kanya naman pala lahat, bakit kailangan niya pa kaming singilin kung ganon? Sa dami ng pera niya, barya lang iyong makukuha niya sa amin.


"Yung anak ko! Yung anak ko!" Nagsisisigaw si papa saka naramdaman ko ang paghila niya sa paanan ko. "Siya! Siya ang ibibigay ko sayo boss! Sayong-sayo na siya, pakawalan mo lang ako at sayong sayo na siya!" Ani niya at parang nababaliw.


Napaluha ako habang nakatingin sa mga mata ni papa. Nakita ko ang takot niya at sa likod nito ay ang nangungusap niyang mata.


Gumuho ang mundo ko sa narinig ko mula sa ama ko. Bumuhos ang mga luha ko. Di ko inakala na masasabi niya iyon. Parang hindi na siya ang tatay ko. "Patawad anak." Bulong niya sa hangin bago nag-iwas ng tingin at umiyak.


Nakita kong napalingon sa gawi ko si Villaver at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Lumapit siya sakin at tinitigan ng malapitan ang aking mukha. Diring-diri ako sa kanya.

Napansin niya atang masama ang tingin ko sa kanya dahilan para makita ko na naman ang nakakatakot niyang ngisi.

"Deal."





VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED :)



Owned by a Ruthless Beast Where stories live. Discover now