So hello hello kim! Unang story ko ito. Sana magustuhan niyo po ang takbo ng story. Basta kung may gusto kayo -suggest sa story feel free to comment and vote niyo please . thank you
Have a great day . #eckalvush free po ako sa mga ideas niyo hahahaha bigay na din kayo ng ibang name ng character salamat. 👌
Ako! Ako na hindi pinagpala sa lahat! Namumukod tanging tao, oo tao ako pero para akong mangga na tinubuan ng mukha! Juskoolord, bakit ganito ako! Hindi naman sa reklamadora ako pero sana kahit kaunti binawasan niyo itong baba ko!
Hays-- maganda naman ang nanay ko , si tatay lang ang may diperensiya pero mahal ko tatay ko kahit na ganito pa ang hitsura ko.
Naiinis pa din ako dahil ilang taon na ba ako binu-bully ng mga walanghiya taong nakapaligid sakin, walang araw na hindi ako kinukutsiya ng mga mahaderang palaka sa t'wing lalabas ako ng pamamahay namin.
Matangkad ako na medyo firm ang kulay at kutis. Mahaba ang buhok pantay pantay ang ngipin ko, maputi pa sa ex mo ang kili-kili ko. Yun lang naman ang maganda sakin e bukod sa mukha ko na kasing haba ng kutsilyo sa kusina.
Pero pero perooooooooo! Yung baba ko talaga e. Juskooo bahala na nga ma swerte pa siguro ako na may baba ako kahit papaano, pero nasobrahan nga lang.
Ano bebe nakatitig ka nanaman diyan sa salamin? Sita sa akin ng mama ko na walang ka kupas kupas ang ganda!
Ewan ko ba feeling ko, minalas ako sa hitsura at hugis ng mukha ko. Pag iinarte ko sa mama ko. Totoo naman kasi --
Alam mo bebe hindi nakakatulong sayo ang mga ganyang pag iisip! Ano pa bang magagawa natin. Ganyan ka hinulma e. At wag mo sasabihin sa akin na sinisi mo ang papa mo ng dahil diyan sa pag iitsura mo huh! Bulyaw ng nanay ko sa'kin.
Ma, hindi naman sa ganun. Tsaka hindi ko sinisisi si papa! Alam niyo naman po kung gaano ko kamahal si papa noong nabuhuhay pa siya. Maski naman po kayo, mahal ko kayong pareho.
Pero sana hindi ganito ang pag-kaka-gawa niyo sa akin bulong ko ng mahina baka matampal ako ng mama ko e.
Anong sinabi mo BETTY ERILYN BAUTISTA ENCLOPADA! Jusko ano na buong buong tawag niya sa pangalan ko!
Wala ho! Si mama talaga, hindi niyo naman po ako kailangang tawagin sa pangalang yan. Sakto na po yung B.E.B.E Pag pro-protesta ko sakanyan!
Ang dami dami mo ng arte huh. Kurutin ko singit mo diyan. Oh siya tumayo ka na sa higaan mo at ng makakain na tayo ng almusal.
Sige po ma una na po kayo maliligo lang po ako at mag aayos. Tsaka ko binaba yung salamin sa mukha at inilapag sa sa side table ko.
Sige bilisan mo , at lalamig ang pagkain. atsaka niya sinara ang pintuan ng kwarto ko.
Juskooo siguro ako na ang pinaka malas na kabataan sa panahon ko ngayon nakakaloka.
Pumasok na ko ng banyo naligo at nag ayos ng sarili ko. Sabado ngayon kaya naman hindi ako naghahapit sa oras makakapag pahinga ako kahit papaano. Bumaba na ako at pumunta sa harapan ng lamesa nagsimula ng sumubo ng pagkain na nakahain na sa plato ko.
Ate! Baka masaksak ako wag kang dumikit sakin!
Gusto mo itong tinidor ko ang itusok ko sa ngala-ngala mo huh! Aga aga angelo huh!
Mama, si ate ohhh tutusukkiii-------
Wag ka ngang sumbongero diyan! Tinakpan ko kasi ang bunganga niya malamang pag nag sumbong to at narinig ni mama paglilinisin nanaman ako ng garahe at ng bakuran. Jusko noooo! My skin masusunog.
Fwaine het your hands off! Inis niyang utos sakin!
Oo tama kayo, may kapatid akong lalaki. Angelo sebastian bautista burch --- isang 2nd year highschool sa sikat na school dito sa aming lugar.
Scholar kaming pareho ni angelo simula kasi ng mamatay si papa masyado ng madaming bayarin si mama kaya kahit papaano e kumuha kami ng scholarship. Scholar siya ng basketball at S.A siya (Student assistant), ako naman ay first year college na.
May college at highschool ang pinapasukan naming eskwelahan dito sa bulacan. Isa naman akong librarian at choir member , eto na lang kasi ang tanging paraan na maitutulong namin sa mama ko.
17 years na ang nakakalipas ng mamatay si papa na-hit and run si papa isang manager si papa sa pinapasukan niya buntis noon si mama sa akin ng mawala si papa samin.
Nadulas si mama sa banyo kaya naman siguro nadispalinghado 'tong mukha ko kung saan kumanto ang tiyan ng mama ko sa toilet bowl namin. Nakita ni papa yun kaya mabilis pa sa alas kwatro e binuhat niya si mama at sinakay sa kotse. Dahil sa pagmamadali niyang madala sa hospital hindi niya napansin ang kotse pasalubong sakanila sa daan sa may high way! Nabangga sila ng punyetang sasakyang yun nagising na lang si mama nasa hospital na sila, at sinabi ng doctor na hindi naka ligtas sa aksidente si papa. Sobrang dinamdam ng mama ko yon. Hindi niya kinaya nalugi ang negosyong hawak ni mama. Matapos ilibing si papa nanganak naman si mama ang kwento niya pa sa amin hindi niya alam kung saan kukuha ng pambayad ng hospital kaya naman napilitan siyang isangla ang bahay at ang kotse naman namin e naibenta. Ang dating pwesto at negosyo ni mama nalugi naibenta niya ito sa maliit na halaga. Yun ang nagsilbing pambayad namin sa lahat ng utang namin noon.
Kaya heto kami ni angelo nagsisikap kahit na parang aso't pusa kami madalas. Magkaiba kami ng tatay ni angelo half filipino half british siya dahil britenyo ang papa niya. bago ako mag ka-isip nakilala niya itong si bryan Burch ayaw naman sabihin ni mama kung anong taon sila nagkita at kung bakit hindi siya pinakasalan nito. Kaya hindi ko na rin mabilang ang agwat naming dalawa nalilito din kasi ako. Kaya simula noon di ko na inisip yun ang importante kapatid ko siya.
