Mas lalong tumalim ang tingin ko sakanya. Gusto ko man siyang sampalin sa sinabi pero hindi ko magawa. Tumingin ako sa side mirror nito para iwasan ang usapan namin. Namumula ako kaya mas lalo akong nahihiya sakanya.

Sa mga babaeng pangarap magkaroon ng malaking dibdib! Tss! Wag niyo ng pangarapin! Hindi madali magkaroon ng malaking dibdib.

"Palibhasa Jutay kasi yung sayo." NapaSmirk ako sa sinabi ko. Jutay nga ba? Feeling ko nga ang laki e.

"Jutay?" Kumunot ang noo nito sakin.

Nahiya ako bigla sa sinabi ko "Hindi mo alam?" Tanong ko pa sakanya.

"Nope?" NakaKunot pa din ang noo nito sakin.

"Jutay—Gwapo!—Hindi pala. Hmmm....Maliit—Yung ano. Basta... Pasalamat ka nga Jutay tawag ko sayo e." Hindi niya alam ibig sabihin ng Jutay Hahahaha (Jutay-maliit yung ari ng lalaki di ba?)

Nagtaas lang siya saakin ng kilay. Habang ako todo pigil ako sa tawa ko.

Dumaan din kami sa isa sa mga pagAari nila. Mga puno din ang nakita ko. Puno ng langka ito kung hindi ako nagkakamali.

Hindi kami nagtagal dito at agad na umalis. Papunta na kami sa bahay niya. Pinagbuksan kami ng gate ng isa sa mga nagtatrabaho niya. Huminto yung Wrangler niya sa malaking double door ng bahay nito.

Kahit old model House ito ay napaka ganda pa rin sa loob.

Pumasok ako sa bahay nito pero hinubad ko muna yung boots ko. NakakaHiya naman kung dudumihan ko yung flooring ng bahay niya. Linibot ko ang tingin sa loob ng bahay ni Lac.

"Hoy Jutay! Anong gagawin natin dito sa bahay mo?" Dinala niyako dito shempre dapat may Gawin kami.

"Sex?" Sabay Ngumiti ito sakin.

"Tss! Pervert!" Tinaasan ko siya ng kilay. Sanay nako sa mga lalaking malibog at manyak dahil galing ako sa bar. Alam ko na nagbibiro lang ito.

Pumunta ako sa kusina niya para tignan kung ano ang pwede kong kainin. Binuksan ko yung Ref.
At una kong nakita yung fruit salad atsaka yung katabi nitong graham.

Mukhang masarap naman kaya kinuha ko iyon parehas. Naglagay ako ng fruit salad sa malaking bowl atsaka hinalo ko din yung grahams.

Lumabas ako para sa sala kumain. Nakita ako ni Lac na kumakain. Tinaasan ako nito ng isang kilay atsaka kinagat ang pang itaas na Labi.

Dumeretyo ako sa mahabang upuan atsaka sinwitch-on yung Tv. Nanonood ako habang kumakain.

Tumabi saakin si Lac pero hindi ko siya liningon. Liningon ko lang siya ng nagdikit ang balat namin. Bigla kasi akong nakaramdam ng kuryente dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"W-What?" Tanong ko kay Lac na nakaTingin sa kinakain ko. Isusubo ko sana yung salad sa bibig ko pero kinuha niya yung kamay ko. Siya yung kumain nung salad na nasa kutsara. Gusto niya atang magpasubo saakin. Isip bata.

"Ginagamit mo ba yung lotion na binili ko sayo?" Tanong nito habang pinaglalaruan ang kutis ng kamay ko.

Dahilan naman para makiliti ako. Pero yung kiliti ko may halong kilabot. "O-Oo" Sagot ko na lang sakanya.

"Kaya pala lalo kang gumaganda." Nginitian ako nito. Akmang hahalikan ako nito sa pisngi pero sinubo ko yung isang kutsarang salad sa bibig nito para matigil yung balak niya.

"Tss!" Huminga ito ng malalim atsaka tumayo.

Woah! Akala ko matutuloy e. Wala pang humalik na lalaki saakin kaya bawal. Tinignan ko naman siya. Huminto siya sa harap ng pintuan nito. Sumandal siya doon at nakita ko rin na may dala siyang baso. May laman itong wine? Di ako sure. Umiinom pala siya akala ko hindi siya umiinom ts!

Sumilip din ako sa bintana. Nagdidilim na kaya mabuti pa umuwi nako.

Lumapit ako sakanya atsaka kinalabit. "Jutay, uuwi nako." Atsaka ako nagPuppy face para payagan.

Tumingin siya sandali saakin "Maaga pa."

"Madilim na oh." Tumingin pako sa labas para matanaw ang madilim na daan. Wala pa naman atang ilaw sa daan.

"Okay, Fine." Naglakad ito paakyat sa second floor. Siguro nandon yung kwarto niya sa taas. Bumaba siya dala ang susi ng Wrangler.

Dere-deretyo siyang pumunta sa sasakyan atsaka inistart yung makina. Nagmadali akong sumakay sa Wrangler nito.

Habang bumabiyahe kami ay binabalot kami ng katahimikan. Kunwari akong umubo bago magsalita para makuha ko ang atensyon nito.

"Ano nga palang whole name mo?" Paguumpisa kong tanong sakanya.

"Lac Furr Byrd." Maagang sagot nito pero nakatutok pa din siya sa daan.

"Huh?! Akala ko Whittaker ang apelido mo?" Naguguluhang tanong ko. E sino yung Whittaker?

Nagiba bigla ang presensya niya nung sinabi ko yung Whittaker. May mali ba sa sinabi ko?

"Where did you hear that?" Masama ang tingin nito sa daan. Yung tingin ng galit.

"Uhmmm wala." Ayoko naman idamay si Race dahil lang sa sinabi ko. Hanggang ngayon naguguluhan ako sa lalakeng to. Wala akong alam sakanya kahit konti.

"How about you? What is your real name?" Seryosong tanong nito sakin.

"A-Alex,... Alexandria Merry Ayres." Nauutal na sagot ko.

"What about your Family? Nasaan sila?" Tanong ko kay Lac. Wala siyang kasama sa bahay kaya nasaan ang magulang nito?

"Nasa ibang bansa kasama ang pinsan ko. Yung Lolo ko naman na sinasabi ko sayo atsaka yung iba kong kamagAnak sa sulo pa ng Lacquer nakaTira." Wow! Sa lahat ng tanong ko ito lang yung sagot niya na lumagpas ng tatlong sentence.

NapaTango na lang ako sa sinabi niya. Atleast may alam nako kahit konti.

"And you? Where is your parents?" Seryosong tanong nito saakin. Kung ano ang tinatanong ko sakanya ay ganon din ang itatanong nito saakin.

"Naaalala mo pa yung batang nasa hospital? Nung tinulungan moko. Bunsong kapatid ko yon tapos yung Daddy ko patay na. Yung Mommy ko naman.... Hmm.. " Pano ko ba sasabihin sakanya? Hindi naman siguro tama na magOpen ako sakanya tulad ng ganito... Dapat ko bang sabihin o hinde? Wala naman bigdeal dito.

"Ano?" Nakatingin na siya saakin ngayon.

"Buhay pa kasama yung bago niyang asawa." Ngumiti na lang ako kahit hindi totoo yung ngiti ko.

Huminto na kami sa harap ng tinitirhan ko. Agad ako bumaba para makaPasok.

"Walang Kiss?" Nakataas ang kilay ni Lac saakin.

NapaTingin naman ako sakanya dahil sa ainabi nito. Kiss?

"Huh?" NakaKunot kong tanong.

"Tss! Iam your boyfriend so I need your goodbye Kiss!!" Medyo madiin ang pagkakaSabi niya dito.

"Sa lips? Or sa pisngi?" Naiilang kong Tanong.

"Sa pisngi na lang." Sabay hinarap niya saakin yung Pisngi niya.

Hmmm, Ano nang hinihintay mo Alex? Kiss ko na ba?

Mabilis ko siyang kiniss sa pisngi atsaka mabilis na bumaba sa Wrangler nito. Nasa gate nako nung marinig ko yung tawag niya.

"Wait!" Bumaba siya ng Wrangler nya atsaka Lumapit sakin.

May nakalimutan bako? Hanggang sa makalapit siya saakin. Nakatitig lang ako sakanya at wala din akong ideya sa gagawin niya.

*
*
*
*
(Silence)
*
*
*
*
(CHUP!!!)

Nagulat ako sa ginawa nito. Sa sobrang gulat ko ay naEstatwa ako dahil magkaLapit ang mga labi namin sa isa't isa. NakaPikit siya habang ako naman ay dilat na dilat at gulat na gulat sa ginawa niya. Kinagat niya yung Pangilalim kong labi kaya natauhan ako ng konte. Ten seconds din siguro ang tinagal bago siya umalis sa mga labi ko.

***

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now