Chapter One: Worst Day
Feeva's Point of View
Weissert University
Sa dami ng paaralang pinagenrollan ko, dito lang ako natanggap. Kasalanan ko ba kung ganon ako katalino? Yung ibang school kasi na pinasukan ko, di ako tinanggap. Above normal daw kasi yung IQ ko at di nila kayang maghandle ng ganong case.
Nilibot na namin ang halos buong bansa until bumisita si Tita Octavia sa bahay namin. She suggested na subukan ko daw magenroll sa Wiesert University kung saan sya nagtuturo kaya ginawa namin and luckily nakapasok nga ako.
Nandito ako sa tapat ng Wiessert University. Tinignan ko ang buong paligid at napansin ko ang magandang tanawin. Mayroong lawa sa dakong silangan ng labas ng paaralan at ang buong kalupaan ay napapalibutan ng bermudang damo. Kapansin-pansin rin ang mga naglalakihang mga puno't halaman na animo'y pumipila sa palibot ng Weissert University.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at di ko maiwasang mamangha sa tanawin. The gate seems so elegant with the 'Weissert University' written on it. Nong nasa gate na ako ay may tatlong naglalakihang lalaki ang naroon na tila'y hinihintay ako.
"Ma-magandang umaga po" malumanay kong sambit saka yumuko ng kunti upang magbigay respeto.
Walang kahit na sino sa kanila ang bumati sakin pabalik. Nanatili silang nakatayo ng matuwid habang nakatingin lang ng seryoso sakin.
"A-ako po si Feeva Vernieu. Bagong estudyante po ako dito. Maari po bang pumasok?" pormal parin ang pagsasalita ko. Di ko maiwasang mautal, kinakabahan ako sa kanila.
"Where's your I.D? You can't pass without it" sagot ng lalaking nasa gitna. Mas lalo akong natakot nong marinig ko ang boses nya. Masyadong malalim at malamig. Di ko maiwasang di mapakali.
"P-p-po? I-I.D po?" damn it. Imaginning how I look right now, I feel so stupid. Ba't ba kasi ako nauutal? Nakakahiya.
Tumango lamang ito bilang pagsagot. Umupo ako upang ilevel ang sarili ko sa malitang dala ko. Andito kasi yung I.D ko. Habang hinahanap ko yung bagay na hinihingi nila, naririnig ko yung kalabog ng puso ko. Sobrang lakas, nabibingi ako. Taena, anong problema ko?!
"I-ito po yung tinutukoy nyo?" tanong ko habang hawak ang I.D ko.
Bigla kong naitapon ng malakas patalikod ang I.D ko nang biglang may berdeng ilaw na galing sa itaas ng gate ang tumama sa I.D ko. Bigla rin akong napasigaw dahil sa gulat at yung dalawa naman sa tatlong guard ay halatang nagpipigil ng tawa, yung kumausap naman sakin kanina ay nanatiling walang emosyon sa kanyang mukha.
"What the hell is that?!" kahit di'ko tignan sa salamin ay alam kong namimilog ang mata ko sa kaba. Maririnig rin sa boses ko ang pagkapraning ko.
Sasagot na sana yung lalaking nasa right side kaso may biglang sumigaw sa likuran ko kaya napalingon ako.
"What the-?!" sigaw ng lalaking nasa di kalayuan dahilan para mabaling ang atensyon namin sa kanya.
Magsasalita sana ako kaso napansin kong ang sama ng tingin nito sakin kaya kusang umatras ang dila ko. Dahan-dahan itong naglakad parito sa pwesto ko na hindi inaalis ang mata nya sakin.
Damn! What's the matter with him? Ba't parang ang sama-sama ng tingin nya sakin?
Nang ilang hakbang nalang ang layo nya sakin, napako ako sa kunatatayuan ko. Takte, ba't ako natatakot? Wala naman akong ginawang masama ah!
"You!" turo nito sakin at mas lalo pang naging galit ang tingin nya sakin. "Wan't me to take your life?" may pagbabanta sa tinig nito at umismid ito. He seem so serious about his words pero wala akong maintindhan, puta!
YOU ARE READING
Weissert University
ActionKahit sino ay mayroong kanya-kanyang sikretong tinatago, bawat pook ay mayroong misteryo, lahat ng bagay ay may estorya-Welcome to Weissert University. Entering in this school is another way of suicide. Watch your back, coz you might be fooled. Don...
