Chapter 91 -- Safe With Me (Trigan)

27.5K 486 76
                                    

-----Tristan Garcia's POV-----

<<Flashback

Nakabuntot ako sa kotse ni Megan at mukhang iba ang tinatahak nitong daan.

Grabe ang tigas talaga ng ulo niya. >_<

 

Sa halip na umuwi sa Imperial Palace ay nagpunta ito sa ibang lugar, at sa tingin ko ay ngayong gabi niya balak nakawin yung titulo ng lupa. Desperada talaga! -_-'

Huminto ang kotse nito sa isang bakanteng lote. Hmmm... isa na siguro sa mga bahay na nandito ang pag-aari nung ex niya.

Nagbaba ako ng windshield upang tingnang mabuti yung pinaka-malaki sa lahat ng mansiyon na naroroon sa lugar kung saan siya di kalayuang huminto. Madilim yung bahay kaya mukhang delikadong pasukin, kailangan ng dobleng ingat kaya hinanda ko na yung 45-mm caliber gun ko sa aking likuran at nagsuot ako ng gloves at cap.

Pinagmamasdan ko si Megan mula sa kotse ko at mukhang abala pa ito sa pagbibihis sa loob ng kanyang sasakyan. Doon pa talaga naisipang magpalit ng damit? Tsk!

Napamaang ako matapos niyang lumabas sa kotse na naka-cat woman attire!? O_O

Itim ang gayak nito. May suot na maskara, fitting na damit na may butas pa sa dibdib para ma-display ang cleavage, nakasuot ng boots at ang malupit sa lahat ay may buntot pa!.

Ng makabawi sa pagkagulat ay napatawa ako ng walang tunog. HAHAHAHA! Seryoso siya diyan? XD

Kapag may mga nakahuli sa kaniya na ganyan ang ayos aakalaing taga-perya siya. HAHAHAHA! May alam pang pa-disguise disguise pero siguradong hanggang porma lang naman. :3

Sinuri ko ng mabuti ang kaniyang kabuuan habang naglalakad papunta sa may bakod sa likod nung mansiyon. Witwew! Kulang na lang sa outfit niya ay latigo RAWRRR!!!

Gaya ng hinala ko, yun ngang natatanaw ko ngayon na mansiyon ang gusto niyang pasukin. 

"Pano kaya ako aakyat sa pader?" Narinig kong saad nito.

Di ko napigilang tumawa ng malakas dahil dun sa sinabi niya. "HAHAHAHA!!!"

"Buti pa tong mokong na to tatawa-tawa lang. Enjoy na enjoy pa rin siguro siya dun sa party o sa kung saan man siya nagpunta haist!"

Sapo ko pa rin ang aking tiyan sa kakatawa mula pa kanina. Buti na lang di niya nahalatang naririnig ko siya at siya ang pinagtatawanan ko. XD

Lumabas na rin ako ng sasakyan at inunahan si Megan na makapasok sa mansiyon. Habang abala siya dun sa likod ng bahay kung pano makakaakyat sa mataas na pader ay doon naman ako dumaan sa harap at isa-isang pinatulog yung mga bantay at ginapos ang mga ito sa loob ng guard house.

Umakyat ako sa pader at trinabaho ang mga cctv camera. Kahit kasi may takip ang mukha ni Megan ay kailangan pa rin niyang iwasan na mahagip ng mga camera dahil pwede pa rin siyang makilala base sa kaniyang tindig.

Nung di niya talaga kayang akyatin ang mataas na pader ay nagtungo na siya sa main gate at tuwang-tuwa ng maabutan niyang walang mga bantay.

"Yes! Walang mga guards!" Pagdiriwang niya.

Tsk! Kasi pinatulog ko sira! Nagnanakaw ng wala man lang plano! Kung wala ako baka hanggang gate pa lang nahuli ka na. >_<

Tsk! Di ba siya nagtaka man lang na baka may mali? Na baka trap ang lahat dahil walang nagbabantay sa isang mansiyon na ganito kalaki? Di ko akalaing ganun siya ka-tanga. Talagang totoo ang kasabihan na what is beauty if the brain is empty. No wonder 3rd runner up lang haist!

Imperial Ladies (The Continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon