"Nakakadiri." di ko alam kung bakit. Nagulat ako. San siya galing? Diba dapat nsa classroom siya?
"KOBE?!" sabi ko.
"Sinandya niyo sigurong hindi mag-assignment para dito. KADIRI" sabi ni Kobe. Wow ha?!
"Wala akong ginagawang masama ah!" sabi ko
"Ang landi." sumusobra na si Kobe. Ang sakit ng mga sinabi niya. Nakakairita siya.
"Susmusobra ka na tol!" sabi ni James. Susuntukin niya sana si Kobe kaso hinawakan niya yung fist ni James tapos tinulak niya si James.
"Puro ka landi. Di mo naman pala ako kaya?!" nanlilisik yung mga ni Kobe kay James.
"Hoy Kobe! Ano ba kasi problema mo ha?! Tsaka ako pa sinabihan mong malandi ah?! Bakit? Anong ginawa ko bang masama ha? May nakita ka ba? WALA NAMAN AH! WALA! MADALI LANG SAYO MAGJUDJE NG IBA! PERO SARILI MO HINDI MO MAGAWANG TIGNAN! KUNG PERPEKTO KA TSAKA MO KO HARAPIN!" sabi ko. "HINDI KO ALAM KUNG SAAN NANGGAGALING YANG GALIT MO! PINIPILIT KO NAMAN MAGING MAAYOS TAYO KASI NASA IISA TAYONG BAHAY PERO IKAW LANG TONG LUMALAYO EH!" pumapatak na yung luha sa mata ko. Di ko kasi matanggap na sinabihan ako ni Kobe nun.Sa kanya pa! Siya nga ang mentor ko sa pagbabagong buhay tapos sinasabihan niya ako ng masasakit na salita. Ang sakit talaga.
"Hannah.." hinawakan ni James yung balikat ko.
"Okay lang ako." sabi ko. Pinunasan ko yung luha ko.
Nakakainis si Kobe. Lagi nalang niya ako pinaiiyak. Sumosobra na siya! Ano ba kasi yung ginawa kong mali at ginaganito niya ako? Mabait naman ako sakanya ngayon ah? Bakit siya ganon? Nakita niya lang kaming magkasama ni James. Narinig niya siguro yung mga sinabi ni James sakin. Pero bat pati ako sinabihan niyang malandi?! Bakit narinig ba niyang nag iloveyoutoo James ako?! Hindi naman! Ang sakit niya magsalita.
Bigla niya kaming tinalikran. At naglakad papalayo.
"Ang sama mo!" sinigaw ko sa kanya. Di niya ako nilingon. Naglakad lang siya palayo samin.
"Anong problema nun?" sabi ni James
"Adik lang yun!" sabi ko
"Ako din adik eh." sabi niya
"Ha?"
"Adik sayo! BOOM! CHA!"
"Abnormal! Anong cha?"
"Chanes! Hahahaha"
"Baliw!"
------------------
Nasa bahay na kami ngayon.
Di kami nagpapansinan ni Kobe. Nag-iiwasan kami.
"Anong nagyari sa inyo?" sabi ni Jenny.
"Tara sa kwarto. Kukwento ko sayo." sabi ko "Tabi ka nga diyan! Harang ka eh!" sabi ko kay Kobe
"Bahay ko to. Kaya kahit saan ako pumwesto okay lang." sabi ni Kobe
"ARGH! Bwisit!" ayan. Nainis na ako.
Pumunta na kami sa kwarto ni Jenny. Tapos kinwento ko sa kanya yung nangyari.
"Diba? Nakakabwisit siya?! Asar!" sabi ko
"Wag kang magagalit kay Kobe ha?" sabi ni Jenny sakin
"Alam kong amo mo siya pero Jenny naman! Kitang kita naman kung sino ang mali diba?! Kaasar."
"Pero hindi mo kasi naiintindahan." sabi ni Jenny
"Ano ba dapat kong intindihin?! Sabihin mo nga sakin para naman maintindihan ko."
"Patay ako neto kay Kobe.. Pero para matahimik ka na, sasabihin ko na." sabi sakin ni Jenny
"Ano?"
"Nagagalit siya sayo kasi di ka manlang magthankyou sa kanya. Tapos si James pa lagi mong kasama eh wala naman siyang ginawa para sayo. Tapos siya pa dahilan kung bat ka nabugbog. Siya pa sinasamahan mo. Tapos yung time na nabugbog ka si James agad ang hinanap mo."
"Mag-thank you?! Anong ginawa?!"
"Mali yung iniisip mo na si James ang nagdala sayo dito sa bahay nung nabugbog kayo ni James. Sinusundan ka ni Kobe nun kasi nga bady guard mo siya diba? Binogbog ni Kobe yung mga yun. Pawis na pawis nga siya nun eh. Tapos nung buhat buhat ka niya, alalang alala talaga siya sayo. Si James naman, nahimatay din ata kaya di alam yung nangyari. Pero halos mamatay na sa kaba si Kobe nun nung hindi ka pa nagigising."
"A-ano?" wala akong masabi. Para akong naging tuod sa sinabi niya. Di ako makakilos. Ginawa niya talaga yun? Si Kobe?
"Oo. Di niya man nasasabi sayo na concern siya. Pero concern yun sayo. Hindi lang lang siya bodyguard mo Hannah. Tunay na kaibigan din siya. Sa lahat ng naging kaibigan mo siguro siya yung mas concern sayo. Sana di ka na magalit sa kanya ngayong alam mo na ang totoo. Alam mo? Masungit lang talaga siya. Di siya palangiti. Pero mabuti siyang tao." sabi ni Jenny
"Pano mo nalaman ang lahat ng yan?"
"Basta." sinabi niya ng nakangiti tapos lumabas na siya ng kwarto. Naiwan ako dun ng nakatulala. Wala akong masabi talaga. Di ko alam ang iisipin at sasabihin.
Lumabas ako ng kwarto nakita ko si Kobe. Naglalakad lakad.
"Kobe." tinawag ko siya
"Ano?!" ang sungit talaga niya. Nakakunot ang noo niya.
"Ano ulam? Hehe" nakangiti ako. Me being nice here.
"Mukha ba akong cook? Bat ako yung tinatanong mo niyan? Tanong mo si Manang Wena." sinungitan nanaman niya ako. Hahaha. Abnormal talaga siya. "Bat ka nakangiti diyan? Mukha kang nakadrugs. Tigilan mo yan." sabi niya sakin
"Sige :)" tapos ng wave ako nga kamay.
"Abnormal." tapos umalis na siya. Sungit talaga!
-------------
Nasa school kami ngayon. Classroom
"Di daw matutuloy ang school festival." sabi ni Ma'am
"Ha? Bat naman nacancel?" tanong ni James
"May mas mahalaga kasing gagawin ang school next week. May quiz bee. At dito gaganapin ang quiz bee sa school. Maglalaban labang ang ibang schools dito."
"Ano-anong school?" james nanaman yan. Interested much?
"heartwithove university, dreams montessori, reaching the star academy, ---"
"Ano?! Reaching the star Academy?" paginterupt ko
"Yes Ms. Cruz. Any problem?"
"Wala po." ano? Makakalaban namin yung school ko? I mean namin pala. Di ko tuloy alam kung saan ako kakampi. Dito ba or dun? Hay. Kung gumawa kaya ako ng evil plan para manalo yung school namin? Mwahahaha jk jk. Syempre di ko gagawin yun. Pero kung magkataon. Baka makita ko yung mga bruhang chismosang dahilan kung bakit ako nandito! Hmm. interesting
YOU ARE READING
Nerd University
Teen FictionNaranasan mo na bang maging estudyante? Kung oo, sigurado akong nagawa mo nang mangopya, magpakopya, bumagsak sa exams, makipagsisikan sa jeep, mang-hingi nang papel, mawalan nang ballpen, mangbully, binully, palabasin nang teacher, ma-office at hin...
Chapter 11
Start from the beginning
