Habang tumatayo naman siya ay napansin ko na nakita niya ang bag na ibinagsak ko sa mukha niya. Para hindi siya makaganti, dahan dahan akong tumalikod sa kaniya at mabilis na naglakad palabas ng kwarto.

Habang mabibilis naglalakad paalis ng kwsrto ay narinig ko ang malakas niyang pagsigaw. "'Yung bag mo 'yung nalaglag sa mukha ko kanina, 'no!? Gago ka talaga!" Sigaw niya kaya natawa nalang ako nang tuluyang makalabas sa kwarto.

***

Pagkatapos gisingin si Troye ay dumiretso naman ako sa kwarto ni Jade.

"Jade? Jade!" Pagtawag ko sa kaniya habang kumakatok sa kwarto niya dahil mukhang mahimbing pa ang pagtulog niya. "Jade, gumising ka na diyan dali! May pupuntahan tayo!" Sigaw ko ulit habang patuloy ang pagkatok sa pintuan niya ng kwarto niya.

"Kapag si Jade, kakatok ka sa pinto. Tapos kapag ako dire-diretso ka tapos babagsakan mo pa ako ng bag sa mukha!?"

Napatigil ako sa pagkatok sa pinto ni Jade nang maramdaman ko ang pagbatok sa akin. Mabilis 'kong nilingon si Troye na nasa likod ko na siyang bumatok sa akin at matalim siyang tinignan.

"Gago ka ba? Ako talaga ang gumagamit ng kwartong tinutulugan mo. Buti nga hinahayaan kitang matulog d'on, eh." Banat ko sa kaniya habang masama pa 'rin ang tingin.

"Oo nga 'no?" Wika niya at natawa dahil sa sinabi ko.

"Tanga." Wika ko at binatukan 'din siya.

Kakatok na sana ulit ako sa pinto ni Jade nang magsalita ulit siya. "Sigurado ka bang isasama mo si Jade? Baka naman umarte-arte pa yan don." Wika niya pa kaya matalim ko siyang tinignan.

"And dapat na tinatanong mo sa'kin ay kung sigurado ako kung gusto kitang isama dahil ikaw ang kilala ko na sobrang arte." Pambabara ko sa kaniya kaya hindi niya mapigilan na matawa.

"Hindi ka talaga pumapalya na ipagtanggol siya, 'no?" Aniya pa habang nang-aasar na nakangiti.

Hindi ko nalang siya pinansin at muling kumatok sa pinto ng kwarto ni Jade.

"Bakit kasi kumakatok ka pa, bugok. Ayan nga't naka-awang na 'yung pinto, pumasok ka na tsaka mo siya gisingin." Wika ulit ni Troye sa likod ko na tumatawa dahil sa walang tigil kong pagkatok.

"Alam ko kasi ang salitang privacy." Bwelta ko naman at hindi nag-abala pang lingunin siya.

Muli kong tinuloy ang pagkatok sa kwarto ni Jade. Ilang sandali akong kumatok ng kumatok pero mukhang mahirap 'din gisingin ang isa 'to.

Dahil naiinis na ako sa pagkatok sa pinto, hindi na ako nag-abala pa at tuluyang pumasok sa kwarto na tinutulugan niya.

"Daming alam, privacy pa daw. Bulol!" Narinig ko ang paghalakhak ni Troye nang tuluyan akong makapasok sa kwarto.

Hindi ko mapigilang mapatitig kay Jade nang makapasok ako sa kwarto. Hindi ako naniniwala sa mga nababasa at naririnig ko na mayroong isa na mukhang anghel habang natutulog. Pero habang nakatingin sa natutulog na si Jade, hindi ako magda-dalawang isip na gamitin ang mga salitang 'yon. Para siyang anghel na natutulog.

Hindi ito ang unang beses na makita ko siya habang natutulog. Pero sa tuwing nangyayari 'yon, palagi akong napapatitig at natutula dahil sa amo ng mukha niya.

"Hindi 'yan magigising kung tititigan mo lang."

Kaagad akong napaiwas ng tingin kay Jade nang marinig si Troye na nagsalita sa likod ko.

Masama ang tingin ko sa kaniya dahil sa nang-aasar niyang ngiti. "Bakit ba sumunod ka pa dito at ayaw mo pang mag-ayos ng sarili!" Sigaw ko sa kaniya dahilan para matawa siya.

Dahil naman sa pagsigaw ko, naramdaman ko ang pagbalikwas ni Jade sa pagkakahiga niya.

"Ayan, gising na." Muli kong tinignan ng matalim si Troye dahil sa sinabi niya pero tumawa lang siya bago tuluyang umalis.

Dahil naman gising na si Jade ay binati ko ng isang ngiti nang lumapit ako sa kaniya. "Mabuti naman at na-gising kanina. Aalis kami nila Lola at naisip ko na isama ka? Tara. Gusto mo bang sumama sa amin?"

Hindi siya sumagot. Dahil kagigising niya lang ay binigyan ko muna siya ng ilang sandali bago ko siya tuluyang ayain na lumabas. "Tara na, Jade. Mag-ayos ka na at aalis tayo para gumala." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Naglakad na kami ni Jade sa kusina para ayusin siya. Para akong may anak na 2 years old na inaalagaan habang hinihilamusan at binabantayan siya na magmumog.

Matapos namin sa lababo, pupunta sana ako sa kwarto nila Lola para pabihisan si Jade nang makasalubong namin siya na papasok sa kusina.

"Oh, iho. Nasabi sa akin ng Lolo mo na papasok daw kayo sa gubat? Isasama niyo ba si Jade?" Tanong niya kaya kaagad naman akong tumango.

"Opo, Lola. Pupunta nga po sana sa kwarto niyo para po manghingi ng pabor." Sagot ko naman kaya tumaas ang parehong kilay niya. "Puwede po ba pabihisan si Jade, 'La? 'Yung magiging kumportable po sana mamaya sa gubat."

"Aba't nakakuha pa ng utusan ako?" Biro niya at mapang-asar na tumawa. "Sabagay at kami lang namang dalawa ang babae dito." Aniya pa. "Sige, tara iha. Baka meron akong maliit na mabahang damit dito." Sagot niya at hinila na siya sa'kin. Pumasok na sila sa kwarto para magbihis si Jade. Nanatili naman ako sa labas ng kwarto para hintayin siya.

Howling MoonWhere stories live. Discover now