Prologue

70 5 0
                                    

Augusta Lei Lorenzano

"Augusta! Gumising ka na dyan!" mabilis akong napabangon sa lakas ng boses ni Mama, kasabay ang pagbagsak ng alarm clock ko na nasa ulunan ko lang naman.

"Opo ma!" pinatay ko ang alarm clock ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil 6:45am na.

Ano na Augusta? 15 minutes na lang.

Hindi ko na alam kung anong klaseng ligo ang ginawa ko. Agad na din akong nagbihis at nagmedyas. Patakbo akong bumaba ng hagdan.

"Ma asan si Kuya?" tanong ko kay Mama habang nagsasapatos. 

"Nauna na ang Kuya mo" maiksing sagot ni Mama.

"Alis na ako ma. Bye" mabilis ko syang hinalikan sa pisngi. "Teka lang Augusta! Hindi ka pa nagsu---" hindi ko na narinig ang sinabi ni mama dahil agad akong tumakbo.

Walking distance lamang ang school ko kaya agad ko na itong tinakbo. Napatingin ako sa wrist watch ko. Five minutes pa.

Patakbo nasana ako papunta sa building ko ng mapansin ko ang umpukan ng mga tao sa kabilang side ng building. Imbes na umakyat sa building ko ay doon ako nagpunta sa umpukan ng mga estudyante.

Nakisiksik ako sa mga tao at halos kumulo ang dugo ko dahil sa nakikita ko. Sinong pangahas ang gumawa nito sa Kuya ko?

"Kuya!" mabilis kong binaba ang bag ko at lumapit kay Kuya na nakahandusay sa sahig.

"A.. Augusta? Anong ginagawa mo dito?" hindi ko sinagot ang tanong nya. Obviously? Tinutulungan sya. Bugbog ang loko.

"Sinong gumawa nito sayo Kuya?" malakas ang boses ko ng tinanong ko ito, sinadya ko iyon. 

"Pumasok ka na Augusta" mahinahong sabi nya saakin. Tuluyan ko na syang itinayo at ibinigay ang panyo sa kanya.

Tumingin ako sa lalaking isinasakbit ang bag nya habang nakatalikod. Patay ka saakin! Mabilis kong hinila ang bag nya para makaharap saakin.


 "What the fvck!" sigaw nya dahil kwinelyuhan ko lang naman sya. Nakarinig ako ng mga 'Woah' sa mga estudyante.


"Bakit mo sinaktan si Kuya?" sigaw ko sa kanya at bahagyang hinapit ang kwelyo nya. Makikita mo ang tunay mong kalaban.

"Augusta! Umalis ka na! Bitawan mo sya!" sigaw ni Kuya at hinihila ang blusa ko.

"Tumigil ka Anthony!" sigaw ko sa kanya pabalik.

"Nakikita mo ba ang ginawa mo sa pagmumukha ng Kuya ko ha?" matapang na tanong ko sa pangahas na lalaking ito.

"Yeah. I can clearly see it" tamad na sagot nya.

"Gusto mo gawin ko din yun sayo gago ka!" pinakita ko pa ang kamao ko sa kanya.

"Pasalamat ka hindi ako napatol sa mga weirdong babae" bulong nya at bahagyang tinanggal ang mga kamay ko sa kwelyo nya.

"Matutuwa na ba ako Maxwell Jung?" sarkastikong tanong ko sa kanya habang nakangiti ng matamis. Nakita ko ang pagkasamid nya. Of course kilala ko sya, paanong hindi sya lang naman yung pahara pahara sa daan ko nung nakaraang late na ako at dahil sa kanya kaya lalo akong na-late.

"Makinig ka mister. una, Hindi ako weirdo. pangalawa, subukan mo pang saktan itong kapatid ko, ikaw ang sasaktan ko. pangatlo, wag na wag ka ng magpapakita sa akin, baka kung ano magawa ko sayo" binigyan ko sya ng sipa sa 'alaga' nya. Nakita ko ang pag ngiwi at ang hindi nya malamang posisyon nya. Pati ang mga estudyante ay napangiwi.

"Augusta!" sigaw ni Kuya at hinawakan na ang braso ko.

"Nice too meet you again Maxwell, hope i'll not see you again" akmang susuntukin ko pa sya ng hilahin na ako ni Kuya palayo at isama sa clinic.

"Augusta, anong ginawa mo ha? Alam mo ba kung ano?" napairap ako sa tanong ni Kuya.

"Anong ano? Isn't it obvious Anthony? Pinagtanggol kita sa inutil na lalaking iyon" irita kong kinuha ang panyo ko kay Kuya at pinatong ang ice bag na nasa gilid ng kama nya.

"Did you know him Augusta? Bakit ba minsan ang wild mo. Dapat hindi ka lumapit sa kanya" mas idiniin ko ang ice bag sa pisngi nya. Kaya napa 'aray' sya.

"Bakit ako hindi lalapit e napaaway ka?!" irita kong hinampas sa kanya ang ice bag. 


"Ang nurse na ang bahala sayo Kuya, may klase pa ako" tamad akong tumayo at hinanap ang bag ko.


Nasaan ang bag ko?

___________

Yes. Im starting to write the online series 2. Malapit na matapos ang online series 1. Please continue to read my stories
and also vote. Thank you!

Happy reading!

-leemarceline

Shout OutWhere stories live. Discover now