Chapter 1

8 0 0
                                        

Chapter 1
Danielle's POV

Busy ako sa pagsi-serve ng pagkain dito sa restaurant na pinagta-trabahuan ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. "Enjoy your food sir, " sabi ko sa lalaking customer, pagkatapos umalis ako kaagad para sagutin 'yung tawag.

"Ate! Si nanay inatake sa puso," sigaw ni Ydrill sa telepono. "Ano!? Bakit!?" Kinakabahang tanong ko.
"Si tatay kasi nakipag-away sa kanto. Sinabihan kasi siya na ampon lang daw nila tayo. Ayun, inawat ni nanay kaya inatake sa puso, " puno ng pag-aalalang sabi niya. "Asan kayo ngayon?" Tanong ko. "Nandito na
kami sa ospital, ate."

Tumakbo agad ako palabas ng restaurant. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa amo ko. Alam kong pagagalitan ako 'nun kasi masungit 'yung ugali 'nun, pero ang nasa isip ko lang ngayon ay ang nanay ko. Sumakay agad ako ng taxi papuntang ospital kung saan isinugod si nanay.

Nang makarating ako ng ospital agad akong pumunta sa nurse station at tinanong kung nasaan ang nanay ko. "Nurse, nasaan po ngayon si Leandra Martinez? Dito raw po siya isinugod." Tanong ko sa nurse. "Nasa emergency room po miss." Sagot ng nurse. "Salamat." Sabi ko sa nurse sabay takbo patungong ER. Habang papalapit ako sa ER lumalakas ang pintig ng puso ko. Namamasa na rin ang mga mata ko.

Nakita ko kaagad ang kapatid ko na naka-upo sa gilid habang umiiyak. Ang tatay ko naman ay nakatayo at nakatulala lang sa hangin habang may lumalabas na luha sa kaniyang mga mata.
"Tay..." walang lakas na tawag ko sa kaniya. Kahit mahina lang ang pagkatawag ko sa kaniya, narinig niya pa rin ako. Inihakbang ko ang aking mga paa para lapitan siya. Kaagad ko siyang niyakap.

Sa oras na iyon, habang nakayakap ako sa tatay ko, ibinuhos ko lahat ng luhang pinigilan ko mula pa 'nung nasa restaurant pa lang ako. "Huwag kang mag-alala anak, magiging maayos din ang lahat." Sabi ni tatay sa'kin. Alam kong pinapagaan niya ang loob ko. Humiwalay na ako sa pagkaka-yakap sa tatay ko at nilapitan ang kapatid ko at naupo sa tabi niya.

"Ydrill, tahan ka na. Alam mo namang malakas 'yun si nanay 'di ba? Kaya tumahan ka na." pagpapatahan ko sa aking kapatid at tumahan naman siya kaagad.
Bigla kaming napatayo nang may lumabas na doktor sa ER. "Doc, kumusta na po iyong asawa ko?" Agad na tinanong ni tatay ang kalalabas lang na doktor.

Bigla akong kinabahan ng bumuntong-hininga ang doktor bago magsalita, "Pasensiya na Mr. Martinez , ginawa po namin lahat ng aming makakaya para mailigtas ang asawa niyo pero hindi na niya kinaya," sabi ng doktor. "D-dok, hindi po 'yan totoo. Malakas po ang asawa ko," sabi ni tatay.

Maski ako ay hindi naniniwala sa sinabi ng doktor. "Pasensiya na po talaga kayo, pero wala na si Mrs. Leandra Martinez," pinal na sabi ng doktor sabay alis.
Napa-upo ako sa sahig ng ospital. Naririnig ko ang pag-iyak ni Ydrill sa tabi ko habang si tatay naman ay dumeritso sa morge.

Umiiyak ako habang naka-upo sa sahig, "Hi-hind-di... hindi maaaring wala na si nanay." Parang may punyal na nakatarak sa puso at lalamunan ko. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makahinga sa sobrang dami ng luhang iniyak ko.

Tinulungan ako ni Ydrill na tumayo para sundan si tatay sa morge.
Nasa harapan ko ngayon ang nanay ko na wala ng buhay. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang kagabi lang, masaya kaming kumakain ng hapunan. Pero ngayon, wala na siya. Wala ng magluluto ng masasarap na pagkain para sa'min. Hindi naman marunong magluto si tatay.

"Nay, bakit niyo kami iniwan kaagad? Ang daya niyo naman e," naiiyak na sabi ko.

"Nay, salamat po sa pagmamahal at pag-aalaga sa'min ni ate," sabi ni Ydrill.

"Mahal, kahit iniwan mo kami ng mga anak mo ng maaga, alam kong nasa payapang lugar ka na. Aalagaan ko ang mga anak natin habang nabubuhay ako," sabi ni tatay.

~~~~~~

Hanggang sa araw ng libing ni nanay, iyak pa rin ako nang iyak.
"Nay, tutulungan ko po si tatay sa abot ng aking makakaya. Para na rin po hindi siya mahirapan sa gastusin sa bahay. Salamat sa pagmamahal 'nay. Mahal na mahal kita," sabi ko sabay hagis ng bulaklak sa pababa niyang kabaong.

*****
Yow guys! Kumusta ang chapter 1? Alam ko ang boring ^^, pasensiya na po. Pag-iigihan ko pa po sa mga susunod na chapters.
-Tumatanggap po ako ng mga opinions po 😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected Love Where stories live. Discover now