Chapter 3: Sudden Headache

Start from the beginning
                                    

Agad naman akong nilapitan ng mga ugok at kinutusan nila ako.

"Nice!! Si LA, binata na!" Sabi ni Ivan.

"Naks! Galing pumili! Kapatid pa talaga ni Jam! Nice one! XD" sabi ni Chan-Chan.

"Ano, LA? Gusto mo ilakad kita kay Ate? Nako! Manhid pa naman yun." nakangiting sabi ni Jam. Ahhh. Ate niya pala yun. Teka, manhid? Panong manhid?

"Tsk, ewan ko sa inyo!" Hahaha, loko tong mga 'to masyadong supportive. XD

JC's POV

Nagpatuloy lang ang klase namin, konting activities palang naman ang ginagawa namin, medyo boring nga eh kaya yun practice na lang ako sa archery range.

Papunta na sana ako ng field nang bigla kong marinig yung pager ng school.

"Miss Jana Cytherea Kim, please proceed to the principal's office. I repeat miss Jana Cytherea Kim, please proceed to the principal's office."

Ay kailangan talagang full name? Di ba pwedeng JC Kim nalang? Hay nevermind. Ayun imbis na sa field ako pumunta dumiretso na akong principal's office.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

*Knock knock*

"Pasok." sabi ni Principal Reyes. Ang alam ko kapatid siya ni Mr. Reyes eh, kaso walang asawa, maganda pa naman, sayang.

"Good morning po Principal, bakit niyo po ako pinatawag?"

"Ah, ganito kasi yun JC. Yung teacher ng kinder umalis dahil may emergency. Okay lang bang ikaw muna magbantay sa kanila for this day? Don't worry excused ka sa mga klase mo."

"Okay po, asan po ba yung room ng kinder?"

"Eto oh, sundan mo lang yang instructions para makapunta ka sa room nila. Salamat!"

"Welcome po."

Lumabas na ako ng principal's office at bumalik sa room para kunin yung mga gamit ko.

Sununod ko lang yung map tapos andito na ako ngayon sa tapat ng isang tahimik na kwarto. Sure akong ito yung kasi may naka-sulat na kinder sa pinto. Mukhang madadalian ako ah!

Pag bukas ko ng pinto. Ooopps. Mali! Mukhang mahihirapan pala ako! Pero kaya ko 'to! HWAITING!!

Kaya pala tahimik kasi naka-sound proof. Naloko ako nang katahimikan sa labas ng pinto. Kung anong ikinatahimik ng hallway eh siya naman ikina-ingay ng loob ng room.

"Hi kids! Ako po si Ate JC! Ako muna ang mag babantay sa inyo."

Bigla naman silang nagtakbuhan at dinumog ako. Lahat sila nakayakap sa akin, di ako maka-galaw.

"Okay kids, settle down. Go back to your proper places." sabi ko sa kanila. Mabait naman pala sila eh, makulit lang pag walang nagbabantay.

"Ate JC, how old are you na po?" tanong ni little girl, Star yung name nakalagay sa ID niya.

"16 na ako, ikaw? Ilang taon ka na?"

"4, mag fi-five na ako next next week! ^_^" sabi ni Star.

"Ate JC! Ate JC! Laro po tayo!" sabi nung boy na Saturn yung name.

"Ah sige ano ba gusto niyong laro?"

"Ate JC! Pick-up lines!" Ngiting sabi ni Jupiter. Kakaiba names nila ha, mga celestial things.

"Sige, sino una?" tanong ko.

"Ako po! Ako po! Ate JC cactus ka po ba?" tanong ni Loki, aba! Ngayon mythical creature naman. :D

"Bakit?" ang cute ni Loki, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit!!

"Kasi po, handa akong masaktan mayakap ka lang." yiieeee! Kinilig ako kay Loki!! Ang cute niya!!

"Ako naman po! Ate JC marunong ka po bang magbilang?" tanong ni Zeus.

"Bakit?"

"Sige nga, ano pong kasunod ng 'I Love You One'?"

"I love you two. Ay, hahaha. Naloko mo ko dun ah! Hihihi." ^_^

"Ako naman po Ate, kadiliman ka ba?" tanong ni Saturn.

"Bakit?"

"Kasi po, wala akong makitang iba pag nandyan ka." ajujuju!

"Okay last, Jupiter ikaw na." konti lang naman kasi sila.

"Ate, may bluetooth ba yang puso mo?"

"Ha? Bakit?"

"Pwede po bang pa-activate, papasahan ko lang ng pagmamahal."

"Nako, kayo talagang mga bata kayo, kinikilig tuloy ako. Ako naman ang pipick-up ha. Sana ako nalang ang ATE at TATAY niyo."

"Bakit po?" sabay sabay nilang sagot.

"Para nasa akin lang ang ATEnsyon niyo at kayo ang TATAYong inspirasyon ko."

"Ayiieee!" hala, kiligin daw ba. hahaha.

Ayun lumipas ang buong araw na nakipag-kulitan lang ako sa kanila.

Uwian na ngayon kaso may narinig akong tumutugtog ng violin kaya sinundan ko yung tunog para makita kung sino yung tumutugtog.

Nakita ko malapit sa garden may lalaking nakatalikod na tumutugtog na violin. The Prayer yung tinutugtog niya, ewan ko ba. Basta pag naririnig ko yung kantang the prayer parang iba sa pakiramdam.

Napansin ata ako nung lalaki kaya humarap siya sa akin, nagulat siya ng makita ako. Nakakapagtaka... Pero bakit parang namumukhaan ko siya.

"Ugh!" sumakit bigla yung ulo ko tapos.

Blackout.

~~~

Sino kaya ang lalaking yon?

Ano siya sa buhay ni JC?

Bakit iba ang nararamdaman ni JC sa kantang 'The Prayer'

Abangan sa mga susunod na kabanata ng Ang Syota kong Manhid.

Maraming salamat sa pagbabasa!

Vote.

Fan.

Comment.

Ang Syota kong Manhid! *HIATUS*Where stories live. Discover now