Chapter 20 - Girlfriend?

234 11 1
                                    


NAKA pangalumbaba siya habang nakatitig sa mukha ni Zack. Naaaliw iyang pagmasdan ito gayon labis ang kanyang galak nang makausap niya ang mama at papa ng binata at ipinakilala ang sarili niya sa mga ito na siya ang bagong nobya ng lalaki.

Labis naman ang gulat ng mga magulang ng binata subalit kalaunan non ay natuwa at labis na masaya ng makilala siya. Nag dahilan siya upang makapunta sa bahay nito sinabi niya nanamimis niyang ang binata agad naman diniyang pina unlakan ng mga ito at pinapasok siya. Upang masmakilala narin ng mga ito.

Napa ngiti siya lalo  nang dumako ang tingin niya sa matangos nitong ilong gayon bumama pa sa
mapupula nitong mga labi na medyo nakaawang pa.

Lumapat ang mga kamay niya sa tuktok ng ilong nito napakagat labi na ngumiti siya. Agad naman din niyang na bawi ang kamay ng gumalaw ito. At naalala ang mga pinagsaluhan nilang halik.

Shit!

"Hays.. Hindi ko alam kung bakit ubod ng gwapo mo tch. At ubod din ng sublado mo
pagdating sakin. " 

Kausap niya dito kahit hindi pa gising ang diwa nito. Pero alam niya anomang oras ay magigising na ito.

At hindi nga siya nagkamali ng tuluyan nang magising ito. Kagat labi siyang pinagmasdan ito Bago pumaling sa dereksyon niya at ganon na lamang ang gulat nito. Nang makita siya roon.

"Holyshit! "

"Hi.. Mahal.. " Nag taas baba ang mga kilay niya habang baliw na nakangiti dito. Ito naman ay hindi makapaniwala at na mimilog pa rin ang mga mata.

"A-anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok sa silid ko? " Nag kibit balik siya bago siya tumayo lumapit sa binata at tumanaw roon.

"Nag paalam ako sa mama at papa mo. Sabi ko na miss kita kaya ako pumunta dito. " Walang gatol na sabi niya saka siya pumaling rito na nakaawang ang bibig, bago kumunot noo.

"Si mom? "

"Yes. You're Mom and Dad. " Napasabunot pa ito sa sariling buhok at hindi makapaniwala bago nag tatagis ang mga baggang.

"A-anong sinabi mo sa kanila at na papayag mo sila? You know what you desperate to---"

"Sinabi ko na ako ang  bago  mong girlfriend. " Muling nanglaki ang mga mata nito sa kanyang sinabi at mas naaliw naman din siya dahil sa itsura nito.

"Y-you what!? "

"Sinabi ko na girlfriend mo ako. Tch. " Ani niyang muli bago niya sinuri ang mga larawan nanaka display sa pader. At narinig ang malutong na pag mumura nito.

"Damn'it! "

"Bakit? Wala naman masama na sabihin ko yon hindi ba Mahal? "

Saka siya lumingo dito pero galit na ang mukha nito at malaki ang hakbang na nakalapit sa kanya at akma siyang hahawakan ng bumukas ang pinto ng silid nito.

"Anak.."

"M-mom.. " Nag palipat-lipat nang tingin ang ginang sa kanilang dalawa bago...

"Ay. Siya'y gising kana pala. Halina kayo'y bumama na nang makapag almusal na tayo. Devon.. Iha sumunod na lang kayo. "  Ngumit siya sa ina nito.

"Opo tita. "

"M-mom she's not my girl---"

"Nako! Po tit𝐚 sigi po susunod na po kami
heheh may pag uusapan lang kami ni Zack. "

Kunot noo itong napatango dahil sa bigla niyang pagtakip sa bibig ng binata at nang makaalis na ito marahas na pinalis ni Zack ang mga kamay niya at matalim siyang tiningnan.

"Hindi kita girlfriend bawiin mo ang sinabi mo kina mom! I swear pag sisisihan mo ang mga pinag gagawa---"

"Tch. Jusko! doon rin naman ang punta natin magiging mag on tayo at mamahalin mo rin naman ako tapos---"

"You crazy!! Hindi ko alam kung anong klasing drugs ang ininom mo at nakuha mo pang pumunta sa bahay ng lalaki at sabihin na girlfriend kita. At alam mong hindi kita gusto---"

"Really..? " Pag hahamon niya bago ngumisi ng hindi maganda. Kita niya ang pasimple nitong paglunok.

"Y-yeah.. I'm really sure I'm---"

"Aminin mo na nagustuhan mo ang
mga halik ko? " Taas ang kilay niya titig na titig siya sa mga mata nito.

"I-isang malaking pagkakamali yon na hindi dapat naganap. "

"Tch. Isang pag kakamali? Pero tumugon ka sa mga halik ko. At isa lang ang ibig sabihin non."

"W-what do you mean? " Dahandahan siyang umabanti at dahandahan naman din itong napaatras bago niya makorner ito.

"Kapag hinalikan kita at tumugon ka sa mga halik ko means. Pag aari na na kita. "

"Are you crazy?"

"Oo baliw na kung baliw. Tumugon ka. Eh, "

"Hindi mo ako mapapasunod sa mga gusto mo Devon. At sino ka para ariin ako---"

"Tch. Masyado ka talagang high blood pagdating sakin  but. I do everything my beloved Zack. Nasabi ko na ito sayo hindi ba? na lahat gagawin ko. At hindi ako mapipigilan ng kahit na sino man
kahit ikaw pa so get ready mahal.. "

Sabi niya sa malambing na boses. Habang naka ngiti siya kasabay ng paghaplos niya sa makinis nito mukha tumingkayad siya upang abutin ang mga labi nitong nakaawang  huli na ng mapagtanto nito ang ginawa niya nakalayo na siya mula rito habang kuyom ang mga kamao nito mabilis na halik lamang iyon.

"Hintayin kita sa baba Mahal. " Pang iinis niya pa sa binata bago ito kindatan. At tuluyan na siyang nakalabas ng silid nito ni wala man lang kagalaw galawa sa kinatatayuan nito ng lisanin niya ang silid nito.

Labis naman ang tuwa ng puso niya bakit akala ba nito ay ganon ganon na lang siya susuko? No fucking way! Isa siyang Demonic ang isamg tulad niya ay hindi na lang ganon kadaling sumuko. Wala sa bokabolarya niya ng bastabasta na lang sumuko.

Humalakhak siya sa loob loob niya ng marinig niya ang sunod-sunod na ginawang pag mumura nito na iling na lamang siyang tuluyang bumama. Sinalubong siya ng nakababatang kapatid ni Zack na si Danica. Malawak ang ngiti nito ng igayak siya sa hapag tagumpay ang plano niya.

©Rayven_26

DEVON ( Demonic Series 1 ) wattys2018/ Where stories live. Discover now