BESTFRIEND
by: Brook N. Hart
This is my first time to write a story, dahil nahihirapan ako, sinulat ko sya na parang nagkukwento sa iisang tao lang ?
Sana po maenjoy nyo ang pagbabasa at nawa’y maibigan nyo.
ITO AY STORYANG HANGO SA TUNAY NA BUHAY, BAWAT DETALYENG MABABASA NINYO AY TOTOO MALIBAN SA MA PANGALAN NG MGA KARAKTER.
BESTFRIEND
by: Brooke N. Hart
Naaalala ko pa noong unang araw ko sa section A. Lahat kayo no’n magkakakilala na, dahil isa akong transferee wala pa akong kilala kahit isa.
Ikaw ang laging nangunguna sa mga kalokohan at kakulitan. Ikaw din ang unang lumapit sa akin at nagpakilala.
“hi! Miss anong pangalan mo? Ako si Joel.”
Ngumiti ako dahil sa unang pagkakataon may kumausap sa akin, isa kasi akong loner.
“Lia” pakilala ko sayo.
Simula noon din a kita nakalimutan, chit sa klase pasimple akong sumusulyap sayo.. pati nung 2nd yr college tayo. Yun din ang taon ng debut ko. Inimbitahan kita kasama ng ating mga kaklase pati na ang section B na dati kong section. Pero ang totoo ikaw lang talaga ang gusto kong imbitahin ngunit nahihiya ako.
Dumalo ka sa debut ko at ito nman ang kinatuwa ko.. may dala ka pang gitara no’n. kahit di pa tayo close inalayan mo ako ng kanta bilang regalo mo at lubos ko naming naappreciate.
Nagsimula kang magstrum ng gitara at sabay kumanta..
~welcome to the family
we’re glad that you have come
to share your life with us
as we grow in love
and may we always speak to you
what God would have us be
a family always there
to be strong and o lean on~
Habang kinakanta mo yan nakatingin lang ako sayo sobrang tuwa hanggang sumabay na ang iba pa nating kaklase.
~may we learn to love each other
more with each new day
may words of love be on our lips
in everything we say
may he spirit melt our hearts
and teach us how to pray
that we might be a true family~
After nyang performance nyo nagkantahan na ang lahat dahil may videoke at naginuman na.
Mejo may tama ka na nga nun eh dahil ikaw ang pinainom ng pinainom ng mga profs natin.
Naaalala ko din nung araw nayun nagtanong kasaakin kung nasaan ang cr. Sinagot kita ng isang direksyon.
“diretsuhin mo yan tapos pagdating mo sa dulo kumaliwa ka” wika ko ito sayo ngunit di ka sumunod at tila di ka nakikinig, nakatingin ka lang sa akin.
