Treasures

13 1 1
                                        

"Kahit 'san man mapunta
Ngiti mo'y pangarap,
Boses mo tila'y kanta,
Aking hanap-hanap"

"Whoooo! You're the man Mikay!"

"Anong man? Babae yang kaibigan natin mukha lang lalaki"

"HAHAHAHAHAHAHA"

Rinig na rinig ko na naman ang mga panlalait, este pangchi- cheer sa akin ng mga kaibigan ko. Ganyan nila palakasin ang loob ko tuwing haharap ako sa maraming tao dadaanin sa lait.

I am so lucky to have them. Bulong ko sa sarili ko.

Matapos I-announce ang mga winners ay parang mga wild animals na nakawala ang mga kaibigan ko. Kulang nalang ihagis nila pati  mga judge dahil sa tuwa nila.

"Wala namang bago ateng! Palagi ka namang winner" Pagmamalaki ng kaibigan kong si Renzo na babakla-bakla pero brainy. Siya ang hugutan namin ng sagot tuwing exam. Wala sa mukha niya ang nag-aaral, pero ewan ko ba tuwing exam may nai-susupply sya sa amin. 

"Teh akala ko iiyak ka na sa stage, nag ready pa naman ako ng tissue. Look oh!" Sabay wagayway ng tissue box na dala nya. Loka-loka talaga tong si Roch. Isa rin to sa malakas manlait. Kung di ko lang to kaibigan nako matagal na tong nakatikim ng sapak sa akin.

Roch ang tawag namin sa kaniya dahil masyadong mahaba ang Rochelle. "Teh hindi kaya sa chocolate kinuha ang name mo?" Inosenteng tanong ni Renzo.

"Huh? Paano mo naman nasabi"  tanong ni Roch.

"Hay nako slow mo talaga teh! Rochelle from the root word Ferrero Rochelle" Sabay-sabay ang hagalpakan namin sa joke ni Renzo. Never talaga kaming binigo nito pagdating sa mga banat niya.

Nang medyo naka-move on na kami sa kakatawa ay niyaya ko na silang umuwi dahil malapit na rin mag-alas onse.

What ifOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz