Introduction

29 3 3
                                    

Introduction

Uso pa ba ang Prince Charming sa panahon ngayon? Ibahin natin ang tanong. May naniniwala pa ba sa Prince Charming ngayon? Kung sa palagay niyo ay wala na, pwes nagkakamali kayo ng inaakala dahil meron pa ring isang bababe na naniniwala na makakatagpo pa talaga siya ng Prince Charming at magkakaroon pa sila ng Happy Ending.

At ako, AKO ang babaeng tinutukoy dito.

Pero ano ang gagawin ko kapag isang araw may lalaking blonde ang buhok ang biglaang nag-proposed sakin sa harapan ng madaming tao sa isang Train station? Syempre magugulat ako, ano bang normal na reaksyon ng mga tao kapag nabibigla? Abnormal ka kapag di ka man lang nagulat sa ginawa niya. At dahil sa kulay ng buhok niya at napakagwapo nitong mukha ay napagkamalan ko siyang isang Prinsipe, sabayan mo pa ng pagkagulat ko harujusko napa-OO na lang ako sa tanong niya. Pano ko malulusutan ang isang maling salita na lumabas sa bibig ko na hindi ko naman talaga sinasadyang sabihin. Pahamak din kasi ang bibig ko parang may sariling utak. Idagdag pa natin na hindi ako pwedeng umatras at hindi pwedeng bawiin ang sagot ko dahil sa banta niya. Anong gagawin ko? Pano ko ito mababago?

Mapanindigan ko kaya ang desisyon na ginawa ko lalo na't ang inakala kong Prince Charming na mapapangasawa ko ay isa nga pala talagang PRINSIPE. Pero hindi basta-bastang pangkaraniwang prinsipe dahil kilala siya bilang "The Devil Prince." Magbabago na ba ang pananaw ko sa mga fairytales? at sa mga Prince Charmings na napapanood ko sa TV? Iisipin ko na ba ngayong Prince Charming doesn't exist and only the Devil ones does.

© All Rights Reserved 2014.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Maiden and The DevilWhere stories live. Discover now