48. Nakakailang

Magsimula sa umpisa
                                    

Iyon nga lang, tila nagbabadyang rason para lumiban sa klase sa unang pagkakataon kung matutuloy nga ang paglabas nila ni Louie sa hapon na iyon. Ang inaalala lamang niya ay ang kapatid niya at kung ano ang iisipin nito.

Ilang hakbang lamang ang layo ni Louie nang makalabas si Mase mula sa locker room at nauna na ring umalis sina Dexter. At hindi niya mawari kung ano ang mararamdaman habang pinagmamasdan ang dalagang naglalakad at suot ang kanyang damit.

Bahagyan umiling na lamang siyang sumunod dito. Kahit ano yatang isuot ay babagay kay Louie.

Tila nagtatalo naman sina Charlie at Hiro nang makabalik siya sa huwisyo.

"...Makikisawsaw ka pa sa date ng may date."

"DATE?! Masaya 'yon! Double date tayo! Saan ba?"

Labis na natuliro si Mason sa sinabing iyon ng kanyang kapatid. Mas gugustuhin sana niyang hindi ito kasama kung lalabas nga sila ni Louie. Ngayon pa lamang ay nangangamba na siya sa kung ano ang isisiwalat ng bunso sa mga kuya nila. "Uhm..." bulong niya kay Louie. "Gusto mo... next time na lang? Para walang maingay."

"Ha? A-Ahh...ano...sige...?" tila nag-aalangang sagot naman ng dalaga na hindi makatitig sa kanya. Mas lalong naguluhan tuloy si Mase sa kung ano nga ba talaga ang pinag-uusapan nila.

Samantala, nagpumilit si Hiro na magdiwang raw silang apat sa pagkapanalo ng kupunan nina Mason at Louie. Kaya naman napagkasunduan nilang pumunta sa Chocolate Kiss gamit ang magarang sasakyan ng binata kung saan pinayagan nitong si Louie ang magmaneho.

"Hoy, bubuwit. Dito ka sa likod," utos ni Hiro kay Charlotte.

"Eeeeh... passenger seat," nakangusong angal ng huli. Nais din kasi nitong maupo sa harap.

"'Wag ka na! Si Kuya Mase dun," asik nito.

Tila nagmamakaawang tumingin naman kay Mase ang kapatid. "Eeeehh...Mase...ako na lang."

"Ang kulit mo ah! Alam mo ba kung paano pumunta do'n?"

Tuluyan nang bumusangot si Charlie at nagmamaktol na tinungo ang back seat. Bago nagbuntong-hininga si Mason at sumakay na lamang sa harapan na siyang ikinagulat naman ni Louie na nauna nang sumakay upang kilatisin ang loob ng Ferrari ng kapatid nito.

"Ako raw magtuturo ng daan," tipid na sagot ni Mason.

Subalit pagkarating nila sa Bahay ng Alumni kung saan nagpresenta siyang tignan ang kainan upang makapagpa-reserve habang naghahanap ng parking space ang mga kasama, napag-alaman niyang naka-book ang buong Chocolate Kiss.

"Hmmm... bili na lang kaya tayo ng makakain tapos, tambay somewhere?" mungkahi ulit ni Hiro na tila pursigidong makapagdiwang. Marahil ay labis din itong nangulila sa kapatid.

Kaya kahit nabigla si Mason sa napagkasunduang lugar kung saan sila magpapalipas ng oras, at datapwat may klase pa siya ng alas singko y media ng hapon, handa siyang lumiban upang makakwentuhan pa si Louie. Saka na rin niya iisipin kung paano patatahimikin si Charlotte upang wala itong sabihin sa mga kuya nilang usisero.

Habang binabaybay nila ang Academic Oval para makarating sa Sunken Garden, tumingin na lamang si Mason sa labas ng bintana upang itago ang ngiti kasabay ng panunumbalik ng alaala niya sa parehong lugar na si Louie rin ang nakasama niya.

Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?

"Saan pala dito ang parking?" tanong ni Hiro mula sa backseat nang bumagal ang pagpapatakbo ni Louie dahil nasa tapat na sila ng Sunken Garden.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon