CIM.1

2.6K 45 4
                                    

"Xenon, bilis-bilisan mong kumilos. Rush hour na oh, marami ng tao niyan sa LRT."

"Ma, kalma lang. Sa tatlong taon kong pakikipagbalyahan sa LRT kalkulado ko na yung dami ng tao." nanay ko naman akala mo elementary pa rin ako na kailangang maaga sa first day of class. Fourth year college na ako for God sake.

1 new message

FROM: Nestea

Hoy Xenon Quijano bilisan mo naman kanina pa ko dito sa monumento.

Bakit ba lahat ng tao nagmamadali? Makapag-inaso naman to si Nestea, e pagdating naman namin ng school nganganga lang kami.

TO: Nestea

Ito na otw na ko.

Pero paalis pa lang ako ng bahay. Pagdating ko sa monumento station may crowd control na, pero hindi pa gaanong mahaba yung pila. Nung makaakyat ako sa platform, dumiretso ako sa pinakadulo, dun sa male area. Doon kami lagi sumasakay ni Nestea kasi hindi maaarte yung mga tao dun unlike sa female area na parang ayaw madikitan yung mga tao. Nakita ko naman agad si Nestea.

"Ang tagal mo a." pagrereklamo ni Nestea na tagaktak na yung pawis.

Sakto naman na may dumating na train kaya sumakay na kami at hindi na humaba yung pagrereklamo niya. Just like the usual, para na naman kaming spartans na sumugod papasok ng train. Dun lang kami nakatayo ni Nestea sa may pintuan, sobrang siksikan na, halos magkapalitan na ng mukha yung mga pasahero.

Tahimik lang sa loob ng train hanggang sa R.Papa station, nang biglang magsalita yung nasa likod ko. Nalaman ko na nasa likod ko lang kasi ramdam ko yung hininga niya sa may batok ko nung magsalita siya.

"Saan ba nag-aaral yung gf mo, Axon?"

"Sa Beda." sagot naman nung isa pa.

"Mukhang party animal e."

"Oo nga. Ang dami nga nung lalaki."

"Bakit hindi mo pa hiwalayan?"

"Ego. Sampal sa kanya yun kapag ako yung nakipag-break."

Ayos rin tong si Kuya Axon, kahit na niloloko na siya nung gf niya iniisip pa rin niya yung mararamdaman nito.

Sorry naman kung nakikinig ako, kasalanan nila dito sila nag-uusap sa LRT.

"Tol, I'm sick." nagsalita ulit yung Axon.

"Huh?" Tanong nung kausap niya. Sakto namang huminto sa Tayuman at bumaba na sila, kaya naputol yung pakikichismis ko.

Tahimik na ulit sa loob hanggang sa bumaba kami ni Nestea sa D.Jose.

"Narinig mo yung mga lalaki sa likod natin?" yun agad yung tanong ni Nestea nung makababa kami.

"Nakikinig ka rin?"

"Hindi ako nakikinig. Narinig ko lang. Magkaiba yun." ang defensive ng sagot niya.

Naglakad na kami papunta sa LRT 2.

"Ang gwapo kaya nila." sabi ulit ni Nestea.

"Sino?" malay ko ba kung sinong tinutukoy niya.

"Yung mga lalaki kanina. Tomasino siguro yung mga yun, sa Tayuman bumaba e."

Hindi ko kasi napansin yung mga itsura nila kanina.

"Uy sila yun o." pasimple akong siniko ni Nestea at pangusong tinuro yung dalawang lalaki at isang babae na nakatayo sa platform na kinatatayuan din namin.

Tiningnan ko yung tinuro niya. Parang nagtatalo sila. Hinila ko si Nestea para makalapit ng konti sa kanila, yung sapat para marinig namin yung pinag-uusapan nila, nacurious kasi ako.

"What did you say, Axon? You're sick?" tanong nung babae na nakakunot yung noo.

"Oo nga. Hindi mo ba narinig yung sinabi niya?" yung kasama nung Axon yung sumagot.

"Yes." sagot nung Axon. Gwapo nga sila. Typical rich kid.

"Bakit ka nakikisabat, Karl?" sabi nung babae dun sa kasama nung Axon na si Karl. Baka ito yung gf ng Axon na pinag-uusapan nila kanina. Hinarap ulit niya yung Axon. "Sana sinabi mo agad para hindi na kita pinapunta dito. Dapat hindi ka na rin pumasok. Dapat nagpahinga ka na lang." tapos pinulupot niya yung braso niya sa bewang nung Axon. Wow huh PDA. Lol. Ang chismosa ko naman.

"It's not like that, Giselle. Hindi na magagamot yung sakit ko."

Lalo tuloy akong nacurious.

"Then we should break up. Iiwan mo rin naman pala ako in the end." ang bitch naman nitong Giselle, hindi man lang nagalala sa kalagayan ng boyfriend niya.

E ano bang pakialam ko?

Call it magic~~

Tumunog ng malakas yung phone ko dahilan para makuha yung atensyon nila. Nagpanic ako pati si Nestea na busy rin sa pakikinig sa kanila. Lagot huli kami sa akto! Sa sobrang pagpapanic ko hinila ko pababa ng platform si Nestea, may narinig pa akong nahulog pero hindi ko na binalikan kasi gusto ko nang makaalis doon. Nakakahiya talaga yung nahuli kaming nakikiusyoso sa usapan nila.

call it magic :: exo [complete]Where stories live. Discover now