Kabanata 9

129 0 0
                                        

Kabanata 9- Mga Bagay-bagay sa Paligid

Si Padre Damaso nga ang nakasalubong ni Ibarra sa karwahe; patungo si Padre Damaso sa bahay nila Kapitan Tiago. Natagpuan ni Padre Damaso sina Maria Clara at Tiya Isabel na handang umalis, kanyang tinanong ang pakay at nalaman na sila’y pupunta sa beateryo upang kunin ang mga gamit ni Maria Clara. Naiwang nagtataka  ang dalawang babae sa pabulong na pahayag ni Padre Damaso nang siya’y pumanik upang kausapin si Kapitan Tiago. Hindi nakapag-mano ng maayos si Kapitan Tiago dahil agad siyang pinapasok sa kanyang tanggapan upang makipag-usap ng sarilinan kay Padre Damaso na siyang kinabahala nito.

Sa kabilang dako, maagang tinapos ng Dominikanong Padre Sibyla ang misa at agad tumungo siya sa kumbento ng kaniyang orden na nasa bungad ng Puerta de Isabel II, o de Magallanes. Agad siyang pumanhik at pumasok sa isang silid kung saan nakahimlay ang matandang saserdote na buto’t balat na; maiintindihan na nasa dulo siya ng kanyang buhay. Biglang nanaghoy ang may sakit tungkol sa kawalan-ng-pag-asa ng kanyang sakit at ng bayang tinitirhan nila. Wala na siyang mapagpilian kung hindi mamatay na lang ng tuluyan; binilin niya rin kay Padre Sibyla na matuto sa kanyang halimbawa. Pagkatapos, bigla lamang nag-iba ang batang prayle at tila na wala ang kanyang galang habang kinukuwento niya sa matanda si Ibarra bilang mabuti at hindi mukhang hangal na binata. Mabilisang binahagi ni Padre Sibyla ang nangyaring sagutan ni Padre Damaso at Crisostomo Ibarra nung hapunan, pati ang mangyayaring kasalan ni Ibarra at Maria Clara. Kinabahala ng dalawang padre kung magiging kakampi ba nila si Ibarra o magiging kaaway nila ito. Anya ng matanda na mas pangangalagaan sila ng gobyerno kapag may mga nakitang nagrerebelde sa simbahan. Makakabuti rin daw ito dahil ginigising ng mga filibustero ang mga prayle mula sa mga pekeng puri na tinatanggap nila sa mga huwad. Ang totoong problema na katulad sa nangyari sa Europa, ayon sa may sakit, ay ang pagpapanukala nila ng matataas na buwis taon-taon. Kung iiwasan lamang nila iyon ay mananatili silang may hawak sa bansa. Pagkatapos ng ilang sandali, pinag-usapan ng dalawa ang naging alitan at pakikipag-alyansa ni Padre Damaso at ng tenyente. Pagkatapos pa ng ibang hindi makabuluhang pag-uusap, nagpaalam si Padre Sibyla. Sa kabilang banda, kahit hindi dumako ng Malacañang si Tenyente Guevarra, nakarating ang balita sa Kapitan Heneral sa pamamagitan ng isang ayudante na nakarinig sa kuwento ni Laruja,  tungkol sa naging sagutan ng tenyente at ni Padre Damaso sa pagtitipon. Bilang parusa, ililipat ulit ang padre sa isang mas mainam na bayan. Samantala, natapos ang usapan ni Padre Damaso at Kapitan Tiago tungkol sa isang babala para sa huli; kung nagkonsulta muna ang Kapitan sa ninong ni Maria Clara ay hindi mangyayari ang problemang ito. Nagtapos ang kabanata sa pag-aalala ni Kapitan Tiago at ang biglaang pagpasok nito sa oratoryo upang patayin ang mga kandila na kanilang sinindi para sa kaligtasan ng paglalakbay ni Crisostomo Ibarra, at umalis na ito.

Noli NotesWhere stories live. Discover now