Isang simangot ang sinagot ni Julie Anne dito. "Pwede ba sir, kanina pa ako nakapila dito."

"Anong kanina pa eh ayan yung nasa harap mo ang kanina pa nandyan."

Sakto naman ay napatingin na si Maris dahil sa komosyon na nangyayari sa likod.

"Ah kuya, sorry. Oo kanina pa nakapila ito si Julie. Nag CR lang."

Bahagyang natigilan ang lalaki sa sinabi ni Maris pero hindi nawala ang simangot sa muhka. "Hindi ka na dapat pinapasingit eh."

Lalong kumulo ang dugo ni Julie sa sinabi nito. "Ang arte mo. O sige ikaw na mauna! Pare-pareho naman tayo makaka-enroll!"

"Baks tama na." Tila kinakabahan na sabi ni Maris. Kilala nito ang kaibigan at lahat ng kaibigan ni Julie ay alam na hindi ito basta basta magpapatalo.

Imbis na sumagot ay sumimangot na lamang ang lalaki sa kanya. "Hindi na. Kakahiya naman sayo."

Aba, talaga namang sinusubukan ako nito.

Hihirit pa sana si Julie pero hinila na siya pabalik ni Maris at baka upakan pa niya ang lalaki. "Baks hayaan mo na. Nagsusungit lang yan kasi napahiya."

Julie turned back to the guy and saw that he was too busy tapping on his cellphone. Medyo mainit pa din ang ulo niya sa inasal ng lalaki pero hinayaan na lamang niya ito.

Nararamdaman niyang tinitingnan siya ng lalaki habang nakapila ito sa likod niya pero hinayaan na lamang niya habang pinagpatuloy ang pagenroll.

Matiwasay naman ang naging enrollment niya. Hindi rin sila masyadong nagkasabay ni Maris dahil iba ibang stage ang proseso.

Kung mamalasin nga ay ang lalaki sa likod niya ang mas kasabay niya ultimo hanggang sa pagkuha ng ID picture.

"Kuya talaga ba nandyan siya?" Hindi napigilan na sabi ni Julie sa lalaking kumukuha ng litrato niya dahil ang kasunod niya sa pila kanina ay nakatayo sa tabi nito at pinapanuod ang pagkuha niya.

"Ay. Akala ko nobyo mo siya ma'am." Tila nalilito na sabi ng taga kuha ng litrato.

"Ha? Hindi no kuya magkasunod lang kami nageenroll."

The guy standing next to the photographer only smirked in answer. "E ang dami mo kasi kuha ang tagal."

Kalma Julie, kalma.

"E siyempre ID ito! Ito gagamitin natin buong taon dapat lang maayos itsura ko."

And the guy only clicked his tongue in answer.

Napabuntong hininga si Julie. Naiinis siya sa isipin na makikita niya ang lalaking ito sa university pagdating ng pasukan.

Mabuti na lamang talaga at last step na ito bago siya umuwi.

She was finally able to take a good photo for her ID card before sprouting out if that room.

Sawang sawa na siya makita ang lalaking kasunod. Bwisit siya.

"Baks!"

Hayun at napatingin nanaman siya sa tawag at nakita si Maris na papalapit sa kanya habang inaayos ang strap ng suot na body bag.

"Tapos ka na?"

"Oo baks." Julie said tiredly habang nakasimangot. "Nakakainis talaga! Yung lalaking masungit yung kasama ko the whole day!"

Sa pagkakataon na ito ay natawa na si Maris. "Hayaan mo na! Ngayon lang yun. Malay mo yun pala forever mo!"

"Ha? Fuck hindi na no!"

Just Like ThatWhere stories live. Discover now