"Oo, Ma. Maganda yung napili naming bulaklak." sagot naman ni Kib na ngumunguya pa nung cookies na kinuha niya sa coffee table.

"Edi maganda, wala na kayong poproblemahin pa. Naipamigay niyo naman na ang mga invitations, e. Magpahinga naman kayo dahil baka maging haggard yang mga mukha niyo sa araw ng kasal niyo."

"Kaya nga, mare. Tignan mo tong anak ko ang laki-laki na ng eyebags. Kala mo hindi na natutulog sa gabi e." biglang singit ni Mama na mukhang natatawa pa habang nakatingin sa akin ng malisyuso.

"E, baka naman kasi pinupuyat mo lagi, anak. Wag ganun. Wag gabi-gabi." hirit ni Tita para tuluyang silang matawa ni Mama. Si Kib naman ay nabilaukan habang ako parang naiihi na sa hiya! Grabe naman tong mga magulang naming! Magulang pa ba namin sila?

"Ma! Wag ka nga, wala pa kayang nagyayari samin niyang ni y/n. Nireserve ko na para sa honeymoon, hehehe." giit ni Kib para mas lalong matawa yung dalawa. Hinampas ko naman sa balikat tong baliw na to.

"Hoy! wag ka nga! kahit maghoney moon tayo di parin ako papayag! Ang bata-bata ko pa kaya. Malisyuso ka noh?" medjo naiinis at medjo natatawa kong sambit sa kanya. Biglang nagbago yung expression ng mukha niya. Kung kanina para siyang nanalo sa loto ngayon naman nakapout na at mukhang nanakawan ng milyon. BWAHAHAHA!

"Tama nga naman tong si y/n. Ang babata niyo pa. Next year niyo nalang kami bigyan ng apo." muling hirit ni Tita at humagikhik pa. Nako! nakakaloka naman tong mga to!

"Ewan ko po sa inyong tatlo!" kunwaring inis kong sambit sabay walk out dun sa salas. Nagtungo na lamang ako sa kusina para kumain. Naloloka ako sa mga pinagsasaboi nilang tatlo. To namang si Kib sinasabayan pa ang mga kalokohan ng mga nanay namin!

Agad kong binuksan ang ref at kinuha ang natirang ice cream kagabi. Wala naman na atang kakain nito kaya uubusin ko nalang. Naupo ako sa may lamesa at dahan-dahang kinain ng mag-isa yung ice cream.

"Hoy! mamigay ka naman! Sinulo na e!" nakapout na sigaw ni Kib at tsaka tumabi sa akin. Ngumanga siya at umasang susubuan ko pero tumingin lang ako sa kanya na parang ayaw talagang mamigay.

"Oh? ano na naman?" tanong niya at nawala ang kakulitan sa mukha niya.

"Wala, kumuha ka ron ng sarili mong kutsara. Ito kahit kalian talaga." ganyan talaga siya saakin, gustong-gusto niyang bini-baby siya, hindi naman baby!

"Penge na! Para namang di mo pa natikman tong laway ko, psh!" inis niyang sambit sabay hablot ng kutsara sa kamay ko. Naiwan naman akong nakanganga at narinig ko na naman ang mga hagikhik nila Mama.

"Oh? Bakit parang natulala ka jan?" tanong niya habang sarap na sarap sa pagkain ng ice cream ko!

"Ang manyak mo!!" sigaw ko sa kanya at hinampas-hampas siya sa balikat. Para naman siyang tangang tawa ng tawa kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili kong hindi sumabay sa kanya. Ang saya-saya lang, sana magpatuloy tong saya na nararamdaman namin.

2 weeks after.....

"Anak, ang ganda-ganda mo!" naiiyak na sambit ni mama habang hinahaplos ang buhok ko. Araw na ng kasal namin ni Kib. Parang walang nangyari ng mga nakalipas na araw dahil lahat kami excited sa araw na 'to.

Kahit ako hindi rin makapaniwalang ikakasal ako sa taong pinapangarap ko lang noon. It's too good to be true! Pero it's coming true!

Pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon sa malaking salamin na hugia itlog sa harapan ko. Tapos na akong lagyan ng make up at ng kung ano-ano. Yung buhok ko ay naka-ayos sa bun at may mga maliliit na paru-paru silang inilagay palibot dito. Hinawakan ko ang belong nakasuklob sa akin at para akong maduduwal sa excitement. Suot ko na ang gown na pinasasya namin nila mama. Napakasimple nitong tignan.

"Ma?" tawag ko kay Mama. Agad naman siyang lumingon saakin.

"Sorry po ah? Kasi ang bata-bata ko pa pero mag-aasawa na ako." parang tanga kong giit sa kanya. Natawa naman siya ng bahagya sa kabaliwang sinabi ko.

"It's okay, anak. Alam mo namang ibibigay ko lahat ng gusto mo. Hindi dahil jan sa kalagayan mo, kundi dahil mahal kita at naiintindihan ko ang mga gusto mong gawin sa buhay. Ang sa akin lang, sana wag mong pababayaan ang sarili ko habang inaalagaan mo ang magiging pamilya mo." Nakangiti niyang sambit sa akin. Napatayo naman ako at agad na yumakap kay Mama. Hindi ko nga alam kung masasanay ba akong hindi sila kasama ni Papa sa bahay. Balak kasi namin ni Kib na manirahan sa Manila. Kasi nandoon na ang trabaho niya. Habang sila mama ay babalik sa ibang bansa. Mabuti nalang at nandito si Kuya at si Kiera.

"Maam, pag-u-umpisa na po tayo." biglang pumasok yung organizer sa kwarto ko dito sa hotel na pinagcheck-in-nan namin kasi malapit lang sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal.

"Tara na anak?" yaya sa akin ni Mama at inayos pa ang belo ko. Ngumiti na lanang ako at dahan-dahang naglakad papalabas ng kwarto at papunta sa kotse. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Sana walang mangyaring hindi maganda sa akin ngayong araw ng kasal ko.

Napapikit na lamang ako at napahinga ng malalim habang naghihintay na umandar ang kotseng maghahatid sa amin ni Mama sa simbahan kung saan silang lahat naghihintay. This is it, this is really it!




End of Chapter  21!

A/N: hahahaha sa wakas nagbalik-loob na ako para tapusin ito. Lately kasi hindi ko matapos-tapos kasi hindi pa ako satisfied sa ending pero heto naaaaa! Hayst! Hope you'll like it! Tara na sa last chapter? Hehehe!

Thank You for Reading!

Don't forget to vote & comment!

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon