Pabalikwas akong bumangon sa tunog ng classic alarm clock ko. Nagkusot-kusot ako ng mata at nag-unat bago ako bumangon at agad na naligo. Naging mabilis ang aking pagkilos. Mabuti nalang at wala akong napanaginipan. Madalas kasing binabawasan niyon ang lakas ko sa umaga sa kadahilanan na rin siguro na isa akong lucid dreamer. Masyadong ganap at makatotohanan ang mga kilos at galaw ko at ng mga pangyayari sa bawat panaginip ko, pakiramdam ko'y para parin akong gising hanggang sa pagtulog kapag nananaginip. Kaya ganun na lamang ang sigla ko tuwing gigising ng walang napanaginipan.
Pagkababa ko ay si mama agad ang natunghayan ko sa kusina. "Oh anak, ang aga mo naman yata? Naghahanda palang ako ng agahan eh." "Sa school nalang ho mommy, kailangan ko po kasing maabutan yung unang bagsak ng mga damit sa ukay ni Manang Fe today eh, mas maganda nang maaga. Alam niyo naman po, hindi nagtatagal ng ilang oras ang magagandang klase sa ukay-ukas store niya. Kumikitang kabuhayan tuloy si manang." "Ah ganun ba, osya sige. Magiingat ka, regards kay Nanay Fe, pakisabi dadalhan ko siya mamaya ng pananghalian at magsisinigang ako." "Aww, I can't believe I'm gonna miss your sinigang, mom!!!!! Bye, I love you! Sorry I just really need to be there early!" Sigaw ko habang papalabas ng bahay.
Nagtititingin ako ng materyales para sa bodice ng aking gagawing evening gown para sa sarili. Iyon na lamang kasi ang kulang para sa aking tatahiing dress, two piece type kasi ang gagawin ko, iyon bang hiwalay ang top sa bottom, at nasa plano kong nude charmeuse fabric ang pang itaas na iyon at ocean blue charmeuse fabric naman sa pang ibaba na aabot sa gitnang hita at papatungan ko ito ng mahabang tulle o yung net-like fabric na madalas inilalagay sa ibabaw ng ball types na gown. Pero sa aking gown, I'll just let it be straight and fit enough, lalagyan ko na lang iyon ng beads mula sa itaas pababa sa unang bahagi ng skirt upang magmukha itong tubig na tumutulo.
"Hello? Who's this?" Sagot ko duon sa tawag, tumingin pa muna ulit ako sa hindi kilalang numero sa smartphone ko saka ito inipit sa pagitan ng aking balikat at panga para magpatuloy sa paghahalungkat. "Uy madam si Jessy 'to, bago na number ko." Ang babaeng bakla. "Where na you? Dito na me. Hehe. 'Saang lupalop ka na ba't inaagnas na ako rito kahihintay sa iyo." Ako kasi ang presidente ng fashion club sa Arts and Designs University, isang kapitapitagang unibersidad sa Pilipinas kong mahal. At ang buong buwan ay nakalaan sa paghahanda para sa ikalimampung anibersaryo ng aming departamento, ang Department of Fashion and Design o FADE kung aming tawagin. Todo prepara kaming talaga, lalo na't kami ni Jessy na aking bise presidente ang pinaka punong abala sa nasabing event. "Ikaw ang may gustong pumasok ng maaga beks, huwag mo akong idamay sa sisi mong dapat ay sa sarili lang. Nandito ako sa ukay, hindi ko kasi makita sa Pig Tails iyong material na gusto ko", sagot ko patungkol sa sewing and fabric store na aming paborito. "Ah-ah, nagiinarte lang naman akis, makapatol naman 'to" bulong niya, "Osya bilisan mo na, at marami na akong nakahandang suhestiyon! Ikatutuwa ng tainga mo! Pati na rin ng dyoga ko! Hihi! Ibabalandra ko kasi siya sa fashion night teh! Sakin siguro tutok ang boys n'on beks!!!! Ano sa tingin mo!?" "As if namang may diyoga ka!? If I know, contour lang ang gagawin mo riyan! Hahaha!" tawa ko naman sa kanya bago kami magpaalam sa isa't isa.
Ibinaba ko na ang tawag at nagpatuloy sa paglilibot. Maaga siya kung pumasok kapag ganitong may pinaghahandaan kaming pagdiriwang sa FADE. Duon niya kasi nabubuo ang mga ideya niya sa utak niya kapag naglalayag ang mata niya palibot sa aayusang tao, bagay, o lugar. Nasisiguro kong nakatunghay na iyon sa entablado ngayon, inilalarawan sa isip ang planong binuo na. Malamang tapos na ang ritwal niya, nakakatawag na eh.
Isa sa matatalik kong kaibigan si Jessy at Shanaia. Magkakasama kaming lumaki sa village namin at sabay halos sa lahat ng bagay. Iyon nga lang, sa fine arts ang puso ni Shanaia kaya naman sa unang pagkakataon, may nahiwalay sa amin. Gayunpaman, medyo madalas parin namin siyang makasama dahil nasa iisang unibersidad parin nman kami.
BINABASA MO ANG
Scarlet Heart (Ongoing)
RomanceIsang lucid dreamer si Scarlet, kung saan ang awareness niya sa isang panaginip ay ganap. Mga panaginip na masyadong detalyado, to the point na ang mga ito ay humahantong sa katotohanan on a certain place, time, date, and on a certain people; just a...
