CHAPTER 7: ANG HULING PAGPAPARAMDAM

3K 71 25
                                    

AFTER A LONG WEEKDAYS. SATURDAY IS HERE.

 

 

Kim's Pov

Kamusta na kaya si Shenna sa bahay na pinag-iwanan ko sa kanya? Sana okay lang siya siguro okay naman siya dahil malaki na siya kaya naman na niya sarili niya. Wala naman sigurong mga taong maglalakas loob na pumunta sa bahay kasi naman nakakatakot ang itsura. 

 

 

Nga pala pupuntahan ko na si Shenna diba may usapan kami na tuwing weekend eh dadalaw ako sa bahay. Ngayon ang araw na iyon. Makabili nga muna ng pagkain para kay Shenna syempre pati na rin sakin para mamaya mag movie marathon kami at mag kwekwentuhan.

 

 

Sumakay na ko sa kotse ko tsaka nagpunta sa grocery para mamili ng mga pagkain at inumin. Ang mga pinamili kong inumin sympre softdrinks and alak para naman mainitan kami ay sorry yung katawan pala naman kasi medyo malamig na rin ang klima.

 

 

Papunta na sana ako sa may counter ng biglang tumunog cellphone ko. As always si Shenna ang tumatawag kaya naman sinagot ko agad baka naman kasi magtampo siya sakin.

 

 

ON THE PHONE

 

 

ME:

Hello bakit Shenna?

 

SHENNA:

Anong bakit? Di ba pupunta ka dito tuwing weekend? Bakit wala ka pa?

 

ME:

Eto na nga eh magbabayad na ko.

 

SHENNA:

San ka naman magbabayad? Dali mo madami pa kong kwento eh.

 

ME:

Wait mo lang ako Shenna okay? Wag na madaming tanong.

 

 

Pagkasabi ko nun biglang binabaan ako. Pupunta naman ako bakit kailangan niya pa ko tawagan? Wala ba siyang tiwala? Tsaka maaga pa naman eh. Naku si Shenna talaga. Pagkabayad ko ng mga pinamili ko agad akong nagpunta sa kotse para naman mailagay na ang mga pinamili ko bigat kasi eh. Madami akong pinamili para sulit yung isang araw na magkasama kami.

 

 

Nasa biyahe na ako ng biglang may nakita akong lalaking papatawid pero walang ulo? 0_________0. Tama ba nakikita ko? Tama ba? Kahit lalaki ako sympre natatakot din ako kaya naman huminto muna ko sa pagda-drive ko. Tsaka ako pumikit baka kasi namamalik-mata lang ako. Siguro mga 5 minutes akong pumikit pagkatapos ng minutong iyon sinubukan kong dumilat ulit. Pagkadilat ko wala na yung lalaking nakita kong tumatawid na walang ulo. Kaya naman naisip ko na guni-guni ko lang iyon. Tumingin ako sa paligid-ligid pero wala nung tumingin ako sa harap.

 

 

0_______________0 <-- ganyan itsura ko nung humarap ako. Kasi kasi kasi nasa harap ko na yung lalaking walang ulo. Yung nakita ko kanina siya rin yung nasa harapan ko. Ewan ko kung bakit siya nagpakita sa akin eh. Hindi ko alam gagawin ko habang nasa harapan ko siya hindi ko alam kung sisigaw ba ko o aalis ako sa kinatatayuan ko. Walang reaction katawan ko.

Mysterious Apartle (Complete)Where stories live. Discover now