Lumabas na ako ng kuwarto ko pagkatapos at nadatnan ko si Clara na para bang may pinapanood sa kanyang phone.

She looked at me.

" Yung gagong iyun, nagsend pa talaga ng video" Wika ni Clara.

Lumapit kami ni Serene upang tignan yung video na pinapanood ni Clara.

What the heck!

The video says it all.

Lasing nga ang lolo niyo. At hindi pa nakuntento sa kalasingan niya.

It was a video of him shouting and being aggresive. It's not the usual Raven I know.

Alam kong masakit ang nangyari sa amin.

It's not easy to just let it go.

But Raven will always be Raven. He can do anything that he thinks is justifiable for him.

At totoo lahat ng sinabi ni Clara. Kapag sumpungin iyun ng topak sobra pa sa normal niyang ginagawa, iba din kase magalit yung lalaking iyun.

He is a known billionaire and a magnate for pete's sake. He runs the business world and yet he still does this kind of things.

You wouldn't imagine how things went too much complicated.

Everything was still on my tract before but now, it seems that I don't even know how to handle things anymore.

Hindi ko na alam kung paano ko aayusin ang lahat.

Kung paano ko aayusin ang relasyon namin ni Raven dahil alam kong naalala na niya ang lahatat may sarili na din siyang desisyon.

Para kase sa kanya, madali lang ang lahat pag dating sa pagdedesisyon.

Kung sinabi niyang ayaw niya, then that's final.

His No will always be No

His Yes will always be Yes

But no matter what happens, I will still stay as someone who would consider the best for him.

" Jord, alam kong ayaw mong pumunta dahil nga sa nangyari pero kailangang kailangan ka din ng kaibigan namin. Look at him Jord. Hindi pa natin nakikita ang actual na nangyayari ngunit alam nating kailangan ka niya." Kahit gusto kong sabihing tama ang kanyang sinabi, a part of me battles inside.

Ano pa't umalis ako ng bansa upang ayusin ang puso ko kung ganito rin lang ang mangyayari.

I've moved on

And yet it seems that it wouldn't matter right now anymore.

" He badly needs you Jord" Mapatingin sina Clara at Serene sa akin as if they we're pleading me to go see him.

Napapikit ako.

Ano bang meron sa 'yo Aldamante at palagi na lang pabor sa iyo ang oras at panahon ha?

Ano bang meron sa iyo at kaya kitang tiisin ng ganito.

Getting my keys, we went straight to my car. Buti na lang at meron 'tong dalawang kaibigan ko. I don't seem to know what I would do without them.

It's a high class bar.

Kaya naman madalang lang ang away na nangyayari sa ganoong mga bar

And yet there's Raven, parang kaaway lahat ng mga tao.

Bumaba na kami ng kotse at dumiretso sa loob ng bar.

Agad kaming pinapasok ng guard dahil nakaabang na sa labas si Bentoy.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now