How we met

4 0 0
                                        

Nakatayo ako sa beach habang dinadama ko ang init ng panahon pinapanood ang mga taong naliligo at nagsasaya.

Araw yon ng San Juan kung saan halos lahat ng tao sa aming bayan ay nagtitipon sa dagat  o di kaya ay nagbabasaan ng tubig.

Inakbayan ako ng aking matalik na kaibigan.
"Tara bes ligo tayo" pagyaya niya sa akin.

Ngumiti lamang ako at naglakad lakad muna kami sa tabing dagat.

Ako nga po pala si Janelle Santos isang 17 na taong gulang at nasa ika-4 na taon sa high school. Opo, 17 na po ako kasi late po ako nag aral (haha may pa explain si ate girl)

Maganda naman po ako sabi nila. Kahawig ko nga po daw si Kim Chiu kaso maitim nga lang daw na Kim Chui haha. Di naman ako ganon kaitim tama lang kasing kutis yata ako ni Lovi Poe kasi sobrang init sa amin at mukhang dagat po ako kaya nagkaganito ang kulay ko.

Well anyways simulan na nga natin tong kwento ko.

Oo dun na tayo sa habang naglalakad kami ni bes sa tabing dagat. Rosie nga pala ang pangalan niya at magkaibigan kami since grade 6 simula nung malipay kami ng pamilya ko rito dahil sa work ng papa ko.

Siya yung una kong naging malapit na kaibigan at nagturo sa akin magbisaya at lagi kong kasama sa kalokohan.

Hindi naman siya kagandahan. Morena din sya kagaya ko. Pero mabait naman to at medyo loka loka.

Habang naglalakad kami sa  tabing dagat ay nakita ko yung magaling kong boyfriend na nakatambay din kasama mga barkada niya.

Lalapit na sana kami ni bes kaso biglang may babaeng yumakap sakanya .

Natigilan ako at di ko alam anong gagawin ko.

"Ano bes sugurin na ba natin?" Naiinis na tanong ni Rosie.

"wag ma bes hayaan mo siya. Ayoko sayangin oras ko sa mga ganyang tao."malungkot kong sagot.

Malungkot lang ako but I am not hurt kasi di ko naman siya ganon ka gusto. Naging pampalipas oras ko lang ganon.

Naupo kami ni Rosie sa may ilalim ng puno ng niyog habang pinapanood ang mga taong naliligo sa dagat.

Maya maya pa ay lumapit sa amin ang isa naming kaibigan na si Janine (maganda sana pero tomboy)

"Uy girls busy ba kayo?" tanong niya

"Di naman" sagot ni Rosie

"samahan niyo naman ako oh, Si Mavi kasi inaaya ako mag inuman kakahiya naman na ako lang ang babae"

"Oh sige tara kailangan din yan ni Janelle" pabiro na sabi ni Rosie sabay tawa.

"Kailangan ko pa ba sumama?"tanong ko.

"Malamang!" sagot ng dalawa at sabay hinataka ako patayo sa aking kinauupuan.

Habang naglalakad inakbayan ako ni Janine. " alam ko may gwapo silang kaibigan eh dun ka nalang wag kana dun kay James bakla naman yun." pabirong sabi ni Janine

At biglang natawa si Rosie.

"Ewan ko sa inyong dalawa tigilan niyo nga ako" inis kong sagot sa dalawa.

At pinagtawanan naman ako ang galing talaga ng mga kaibigan ko magbigay ng support hahah.

At sa wakas na rating din namin ang aming destinasyon hays. Nasa tabing dagat lang rin naman yung iinuman namin kaya malapit lang pero pumasok kami sa isang boarding house dun kasi nakatira si Mavi.

Pagpasok na pagpasok namin sa loob ay kitang kita ko agad ang bungisngis ni Mavi( die hard kasi kay Janine at ayaw pa maniwala na tomboy tong bruha namin na friend)

"Uy!!! Janelle himala sumama ka yata sa kanila" pagbati nito sa akin.

"Oo nga ehh, wag ka nalang maingay kay kuya papagalitan ako nun" sagot ko

"Oh ano na tatayo nalang ba tayo dito? ilabas na ang alak at maglalasing si Janelle" pagyaya ni Rosie.

"Wow Rosie, uhaw sa alak bes ?" biro ni Janine

"Hindi naman, konti lang" patawa nitong sagot.

Maya maya pa ay may dalawang lalaki ang bumaba ng kanilang mga silid at agad na tinawag ni Mavi ang mga ito.

"Huy hali kayo rito. ito nga pala mga bago kong kaibigan guys bagong salta dito" pagpapakilala ni Mavi sa dalawa.

Unang ipinakilala ni Mavi si Nikko, gwapo naman at matangkad at maputi yung mga tipong madaling makahanap ng girlfriend. At yung isa naman ay si Caloy di kagaya ni Nikko hindi talaga siya gwapo malaki pa ang mata tapos moreno yung mga tipo na di ko talaga magugustuhan. (haha makalait no?)

Ngumiti lamang ako sa dalawang lalak syempre pabebe rin tayo kapag may time hahah.

At sinimulan na nga namin ang aming session ng pag inom.

"Ang daming alak naman at chichirya" tuwang tuwang sabi ni Rosie.

"Syempre nandito si Janine ehh dapat marami siyang choices di ko kasi alam gusto niya." sagot ni Mavi

"Edi ikaw na Janine ganda mo bes" at kunwari ay may kinuhangg korona si Rosie at pinatong sa ulo ni Janine.

At napatawa naman kaming apat sa ginawa ni Rosie.

Left BehindStories to obsess over. Discover now