Chapter 3: In the Gangster's Hands

Start from the beginning
                                    

"Lumabas na kayo diyan kung ayaw ninyong paulanin namin kayo ng bala!", sabi ng naka mask na gangster.

Wala na kaming nagawa at lumabas ng kotse. Yumuko kami sa takot. Lahat sila ay may mga dalang baril. 

"Ilabas ninyo ang mga wallet ninyo!", sabi ng masked gangster. Mukhang siya ang leader ng grupong ito.

Ibinigay namin sa kanila ang aming mga wallet. Wala na kaming magagawa pa. Kahit na ito nalang ang natitira para sa akin. Aanhin ko naman ito kung mamamatay ako ngayon.

"Binigay na namin ang gusto niyo, pakawalan niyo na kami", sabi ni Cheska.

"At sa tingin ninyo pera talaga ang habol namin sa inyo? Pwede rin naman kayong maging pampalipas ng gabi namin hehehe", sabi ng naka mask na gangster habang tinututok ang kanyang baril sa amin. "Pumasok kayo sa kotse!"

Hindi kami gumalaw ni Cheska. Nanginginig na kaming dalawa sa takot. Mas mabuti pang patayin nalang nila kami kesa babuyin ng mga demonyo.

"Ayaw niyo talaga ha...."

SCREEEECH

May dumating na Red Lambhorghini. Napakaganda ng sasakyan. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagarang kotse sa buong buhay ko. Lumabas ang lalaking naka jersey.....Teka, mukhang pamilyar ata ang mukha niya sa akin.

"Oh, Mister Ravena, long time no see", sabi ng lalaking naka mask.

"Long time no see, Devon Gang"

Tinutok ng lahat ng mga gangster ang lalaking naka jersey.......number 23....Kung di ako nagkakamali, siya yung favorite player ni Cheska.

"How dare you show yourself to us alone", sabi ng masked gangster.

"Who said that I'm alone?"

Biglang dumating ang pitong mga kotse. Lumabas ang iba pang mga lalaking naka jersey. Sila yung mga teammate ni Jersey Number 23. Sabay sabay nilang nilabas ang kanilang mga baril.

"Sir, outnumbered po tayo, hindi natin sila kaya", sabi ng isang gangster sa gangster na naka mask. 

"Hindi pa tayo tapos Ravena, magkikita rin tayo", sabi ng masked gangster at pumasok sa kanyang kotse. Sabay sabay ng umalis ang mga gangster.

"Are you alright?", sabi ni Mr. Jersey number 23.

"Yeeeeeesss, omygas! my knight in the shining armor!", sabi ni Cheska at niyakap si Mr. 23.

"You? Are you alright?", sabi niya sa akin.

"Yeah, thanks", sagot ko.

"BTW I'm Kevin Ravena, pleased to meet you", sabi niya sa akin habang binibigay ang kamay niya sa akin.

"I'm Allysa Mendez, pleased to meet you as well", sagot ko sa kanya at nakipag shake hands sa kanya.

"Kevin I'm Ches-"

"Since I saved you from the verge of death, Allysa, can I owe you a favor?", tanong niya sa akin. Nakita kong napapout si Cheska. Kung sa facebook pa, parang sineen lang ang message niya.

"Ano yun?"

"Can you be mine for one month?"

O_O

"A-anong ibig mong sabihin?"

"You'll be mine...you will do anything that I will say..."

"WHAT?!!!!!!!!!"

Dahil sa gulat, hindi ko na napigilang sumigaw. Napahawak si Cheska sa kanyang dibdib. Mukhang nagulat din siya sa ginawa ko.

Napatingin ako sa mga kamay ng basketball players. Lahat sila ay may mga baril. Napatingin ako sa revolver na nasa kamay ni Kevin. Mga gangster din ba sila?

Napalunok ako at nag nod. Kahit sila ang tumulong sa amin, wala na akong magagawa pa dahil natatakot ako sa baril na hawak nila.

"A-anong ipapagawa mo sa akin?", tanong ko kay Kevin.

Nag smile siya. "Nothing"

"Huh? Sabi mo sa iyo ako for one month at gagawin ko lahat ng gusto mo?"

Hindi ko na maintindihan ang lalaking ito. Ano ba naman kasi ang iniisip at pinaplano ng isang to? Subukan niya lang na gumawa sa akin o kay Cheska ng masama at uupakan ko siya.

"You're right, and my command is for you to do nothing.........Just be mine"

+++++++++++++++++

(A/N: Salamat sa mga nagtiis sa slow update :))

Next Chapter:

Chapter 4: Blood and Guns












Vampire UniversityWhere stories live. Discover now