Chapter 5: The unexpected part

50 2 0
                                        

Nana's P.O.V.:

Ang daming nangyari sa araw na ito.

Gaya ng napag-usapan namin ni Gaga.Kami ang kupido,diba?

Yung mga plano namin,success!

1.Agawan ng camera

2.Pag-babantay kay Piggy(si Kevin ang inutusan namin)

Ngunit sa lahat lahat ito ang pinaka-unexpected ko, ang pagkabutas ng salbabida,pagkawala ng iba kung gamit.

Kaya,pinuntahan ko agad bestfriend ko, baka may ideya siya.

"Kan,yung mga salbabida kanina biglang nabutas,pwede ba yun?"tanung ko sa kanya.

Ngumiti lang siya.

"Nangyari na yun,malay ko ba"weird!

"Yung mga gamit ko nawala,tulungan mo ako hanapin pls."nag-puppy eyes ako sa kanya.

"Baka nagkapalit-palit lang kayo"tumalikod siya.

"teka,paano mo nalaman?"duda ko..."Ikaw ba ang may pakana nito"

Hinarap ko siya.,"sumagot ka!"

Yumuko lang siya,.

"Sagutin mo ko,anu ba?"tumaas ang boses ko.

"Oo na,ako na!" naiirita niyang sagot

Dahil dun natahimik ako,tinitigan ko lang siya.Nagsalita siya.

"Sorry na!pangkatuwaan lang naman yun e,hindi ko naman intensyon ang saktan ang isa sa inyo e,nagtatampo lang ako sa inyo..."tumigil siya sa pagsasalita.

"Patuloy mo,"order ko.

"Hindi ninyo ako inisip,kung ano bang nararamdaman ko.Gumanti lang naman ako,"sinasabi nya sa akin ng nakatitig sa aking mga mata.

Seryoso siya at dahil dun natawa ako.

Tumawa din siya.

"Para kang bata,ang gwapo gwapo ng bata,"sabi ko.

"Malaki na ako,"sabi niya.

"Sayang kagwapohan mo,magtapat ka na sa babaeng gusto mo,para lumaki ka na,"ini-encourage ko siya,para magkalovelife na rin siya.

"Nahihiya kasi ako sa kanya,"

"torpe mo kasi"

"Paano kung sabihin ko sayo na mahal kita"

Ano to?praktice?hahay!torpe talaga niya.

"Edi sasabihin ko ding mahal  din kita,ang gwapo mo no!...."sinabayan ko rin siya para magkaroon ng confidence.

"....Kaya kung ako sayo sabihin mo na sa kanya"at yun ang payo ng inyong Nana.

"Hahay!"yun lang ang mga salitang narinig ko sa kanya.

"isipin mo muna mga kasalanan mo!"at umalis na ako.

Pumasok na ako sa kwarto naming tatlo:ako,si kambal at si Piggy.

Akalain mo isang malaking Pig ang nakatulog kahit basa ang kanyang kasuotan.Bilang kaibigan hinalukay ko yung bag niya at nakatagpo ako ng maikling shorts at malaking t-shirt.Ginising ko siya pero ayaw gumising.Nagpatulong ako kay Gaga.Ayaw pa rin gumising.Binihisan na lang namin ang babae dahil baka magkasakit siya.

Ting!plan #3pababantayan namin si Piggy.Kinausap ni Gaga si Kevin at iniwan na namin silang dalawa.

Piggy's P.O.V.:

"baboy!baboy ka talaga."sigaw nila sa akin at nagtawanan.

"E ano naman kung baboy ako,kayo-mga unggoy"inis kung sabi.

i dare you (on going)Where stories live. Discover now