CHAPTER FOUR

6.3K 174 12
                                    

OH, YEAH? HAHAHA FOURTH CHAPTER FOR THE STORY :P ENJOY GUYS! REMINDER: DON'T FORGET TO VOTE AND DROP YOUR COMMENTS BELOW! CHEERS! GOD BLESS ALL! ^_^

 

“DAMN YOU!” galit na pinagsusuntok ni Nicole ang lalaki. Ngunit mabilis talaga itong kumilos at madali lang nitong naiilagan at nasasangga ang bawat pag-atake niya.

Napagibik siya nang sa muling pagsugot niya ay nahawakan nito ang kanan niyang  braso sabay pigil nito sa dalawang binti niyang akmang tutuhuran ito. Pagkatapos inikot siya nito sa isang maingat ngunit siguradong paraan na parang nagsasayaw lang sila. Sabay inihiga siya padapa sa isang rubber mat na naroon. Hindi niya nahulaan ang gagawin nitong iyon kaya tuluyan siyang napadapa habang nakadagan ang buong katawan nito sa kanya. She struggled under his huge body. Hindi naman ito nagpapabigat sa likod niya kaya lang sa kaalamang magkadikit ng husto ang mga katawan nila ang siyang nagbibigay ng kakaibang kilabot sa kanya.

No one! Not even once na nagkaroon siya ng ganoong kalapit na contact sa isang lalaki. Maliban lamang sa kanyang kapatid at ama. But she didn’t know this guy and they are having a close contact in each other. It was hilarious on her part yet there’s this unexplainable feeling that she was going through inside her. A sudden heat runs through her veins. Ganito ba ang dapat niyang maramdaman sa lalaking ito?

No! Biglang nag-panic nang husto ang sistema niya. Nanlalaki rin ang mga mata niya habang iniisip kung ano ang gagawin para makawala sa pagkakadagan nito.

Relax, Nicole. Hindi ka dapat mag-panic. Just think!

Huminga siya ng malalim. She studied their position. Hawak nito ang dalawang kamay niya na inilagay nito ulunan niya habang nakasipit sa matitipunong binti nito ang binti niya. Kahit ano ang gawin niyang pagpupumiglas hindi nito hinahayaang makawala siya.

Damn it! She cursed inside. She already realized that this stranger knew some of Martial Arts. Hindi nga lang niya alam kung hanggang saan ang kakayanan nito. At kung pagbabasehan niya ang posisyon nilang iyon, sigurado na siyang talo siya rito. Malaking tao ito. Alam niyang kaya niyang talunin ang may pigurang katulad ng sa lalaki. Ang nakakapanghina lang sa kanya ay ang pagkakalapit nilang iyon. Kahit ano ang isipin kasi niya para sana makawala siya rito ay bumabalik lang ang kanyang isip, lalo na ang kanyang mga pandama sa sensasyong idinudulot ng pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Itinataboy niyon ang matinong isip niya. Hindi tuloy siya makapag-isip ng maigi para makawala rito.

Ibinaling niya ang mukha para lingunin ang estranghero. Only to realized that his handsome face was an inch away from her face. Her heart skipped a beat. Lalo pa’t titig na titig pala ito sa kanya. Napalunok siya habang patuloy sa malakas na pagtibok ang puso niya. How this man can make her heart go crazy that no one did before?

May tumikhim sa kung saan.

Napakurap siya at agad na iniiwas ang tingin sa estranghero.

“Ma’am, Sir. Pwedeng sa ibang lugar  n’yo nalang po ituloy ang kung anuman ang ginagawa n’yo?” anang isang tinig.

Agad niyang hinanap kung saan galing iyon. Umangat ang tingin niya sa isang matangkad na lalaking nakatanghod sa kanila.

My Little Stranger (ROUGE HEART SERIES: BOOK 2) "Completed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon