So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight

You look so beautiful in white tonight.

Nakatayo na siya sa harapan ko at may napakagandang ngiti.

" Hi Lovey, ready kana na bang maging Mrs. Mondejo?" tumango naman siya at lalong lumapad ang ngiti.

" Take care of our daughter, Mondejo." seryosong bilin ni Tito Xander sabay abot ng kamay ni Chloe sa'kin.

" Makakaasa po kayo, Tito."

" It's Dad, from now on Z." maging ang pader sa pagitan namin ng Daddy niya ay unti unti ng natitibag. Iginiya ko na paharap sa altar si Chloe.

Nagsimula na ang seremonya. "Dearly beloved, we are gathered here today to witness the union..."

Wala akong masyadong naintindihan sa sinasabi ni Father, tanging ang malakas na tibok ng puso ko ang naririnig ko. I was holding Chloe's hand the whole time at panaka naka ko din siyang sinusulyapan.

Pagkatapos naming mag " I do " sa traditional wedding vows ng simbahan, ay ibinigay na nila sa'kin ang singsing.

" Lovey, isa lang ang pangakong gusto kong panghawakan mo simula sa araw na ito at yon ay ang mamahalin kita sa bawat araw ng buhay ko, Ikaw, si Maui at ang mga magiging anak natin. You're my life Chloe at hindi na ako papayag na magkalayo pa tayong muli. I will stay by your side for as long as God allows me and I'll try my very best to make you happy everyday of our marriage life. I love you so much. " teary eyed siya pero nakangiti habang sinusuot ko sa kanya ang singsing.

Now it's her turn..,

" Alam kong nasaktan kita sa paglayo ko noon pero tinanggap mo parin ako, for that, thank you so much. I want you to know na simula noong araw na nagkaayos tayo, I vow to always choose you kahit na ano paman ang mangyari. I will stay by your side, I'm going to do my best, to be your wife, to be the mother of Maui and our children to be." kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinahiran ang luha niya sa likod ng veil. Ayokong nakikita siyang umiiyak.

" I will love you during the good and the bad days. I will love you enough to have faith, to believe and never give up in you and in this marriage. Remember that no matter how far I go, I will always find my way back into your loving arm's. I love you too, so much." she's looking at me with so much love.

Sabay kaming humarap kay Father..

" Chloe and Zaide, bear witness to the love of God in this world, so that those to whom love is a stranger will find in you good and generous friends.

By the power vested in me by God and man, I pronounce you wife and husband.

What God has joined together, let no man put asunder.

You may now kiss the bride. "

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga bisita namin. Itinaas ko ang belong tumatakip sa mukha niya saka siya hinalikan.

Pinagdikit ko ang mga noo namin pagkatapos, I love you, love you, loveyou Mrs. Mondejo."

" I love you, love you, loveyou too Mr. Mondejo." sagot niya.

Malakas na palakpakan ang sinukli nila ng itinaas namin ni Chloe ang kamay naming may suot na singsing. Kasal na kami after five years of being apart.

Patakbong lumapit samin si Maui. Binuhat ko siya at agad naman siyang hinalikan ng asawa ko. And I'm glad to see her happy. She will have the complete family she always wished for.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon