Sabay silang napainom. Nabulunan si Kathryn matapos nyang uminom kaya natawa silang pareho.

"Ang pait kasi.." Inirapan sya ni Kathryn.

Tumawa lamang si Daniel.

"Tumigil ka nga. Para kang tanga." Binato sya ni Kathryn ng tissue.

"Tanga naman talaga."

"Tanga talaga. Pinakawalan mo ko eh." Kathryn said and rolled her eyes. "Pero seryoso, bakit ba ayaw mo na sakin?"

"Hindi ko sinabing ayaw ko na sa'yo. Hindi ganun 'yon." Paliwanag ni Daniel.

"So ano 'to? Gaguhan?"

"Actually, tungkol nga dun yung gusto kong sabihin."

"Oh?"

"Naisip ko lang kasi na.. siguro kailangan ko lang ipaliwanag sayo kung bakit ganito.. kung bakit napunta tayo sa ganito.. Kasi alam ko ang unfair ko dahil iniwan na lang kita basta basta."

Natahimik sila nang tila naging seryoso ang paligid.

"Nagsasawa ka na ba sakin kaya mo ko iniwan? Nakakapagod ba kong mahalin?"

Matagal pa bago makapagsalita si Daniel. He's a little bit confused of what to say. Iniisip nya kung tama ba ang mga salitang gagamitin nya.

"Bakit hindi ka makasagot?" She asked softly and faced him.

"Honestly, yes." Daniel said. Finally.

Tears started to fall from her eyes and she hates it. Masakit ang maiwan pero mas masakit ang maramdaman mo na ikaw siguro ang dahilan.

"Why?" She was brave enough to ask.

It took him a few minutes to find the right words to say but hell no, there are no right words because every word will still hurt her and wtf is right with that?

"You're the kind of woman who got everything figured out. I'm the man who loved you, made plans with you and promised to stay for as long as you want me to. I was man enough to fight for us pero hindi ko maamin sa sarili ko na I am also just a boy. Ang dami ko pang hindi nagawa o gustong gawin."

"Wow, ang poetic." She laughed sarcastically.

"Please listen."

"Straight to the point, please."

"Halos kalahati ng buhay ko noon ikaw ang nakasama ko. Ikaw ang kasama ko sa lahat hanggang sa dumating tayo sa mga panahong hindi na tayo nagkakasundo. Hindi ko din alam kung paano.. kung bakit. Naramdaman ko na lang na nakakasawa na lagi mo kong pinipigilan sa lahat. Parang wala kang tiwala sa akin."

"May history ka ng cheating, may I just remind you." Mataray na singit ni Kathryn.

"Iyon na nga eh. Nasaktan kita noon pero ginawa ko naman lahat para mapatunayan sayo na ikaw yung mahal ko, diba? Pinatawad mo na ko diba? Alam mo.. yung buong akala ko magsisimula tayo ulit pero hindi rin naman nangyari. Paulit ulit mo lang binibring-up ang nakaraan. Kapag mag-aaway tayo lagi mong isusumbat sakin yung ginawa ko. I mean, naiintindihan ko naman na natatakot ka na baka gawin ko ulit 'yon pero bakit mo pa ba 'ko pinatawad kung lagi mo namang binabalik yung kasalanan ko sayo?"

She bowed her head as she listens.

"Tuwing aalis ako kailangan alam mo, kailangan ipaalam ko sayo bago mo ko payagan. Kung ayaw mo sa mga kasama ko magagalit ka. Dumating sa point na, pinili ko na lang magsinungaling kasi ayoko na ng gulo. You see? Nahihirapan ako. Sa trabaho, sa atin, sayo.."

Nakikinig habang umiinom si Kathryn. Kasing talas ng lasa ng beer ang mga masasakit na salitang binibitawan ni Daniel. Tila mas mapait ang mga salita nito kesa sa inuming dumadalay sa kanyang lalamunan.

Life After YouWhere stories live. Discover now