Chapter 1 - Start

4 1 0
                                        

Chapter 1

Start

Shane

"This is going to be super duper exciting!!!" Margarette said as she giggled through.

Nandito kami ngayon sa Library because we're preparing for the Math Game na sasalihan namin. Bale 8 kami lahat na nandito ngayon.

Ako, Margarette, and Gideon for the Math Game; Mayi, Vincent and Mikka for the Math Device; and the two Math teachers na sasama samin, sina Ma'am Emmie and Ma'am Arlene.

By the way, Grade 10 students kaming lahat na sumali and probably with the same section din. And si Ma'am Emmie is our homeroom adviser while Ma'am Arlene is a Grade 9 math teacher -- dati naming teacher sa math, obviously -- and a grade 8 homeroom adviser.

Kung nagtatanong kayo kung saan na-e-excite si Marga eh puro "Math" 'yung sasaliha namin, hindi. Na-e-excite yun kasi Camp talaga ito. "Math Camp." Na-e-excite siya kasi we'll be staying at a beach resort for 4 days and 3 nights. Sino ba naman ang tatanggi sa beach diba? And kesyo maraming cute boys daw ang sasali doon, kaya makaka-boyhunt daw siya.

And kung nagtataka kayo kung bakit ako kasali dito... huwag kayong mag-alala dahil hindi naman talaga ako Math Wizard. Margarette, my best friend convinced me na sumali dito because asset daw nila ako pagdating sa research -- na siyang ginagawa ko ngayon.

Ang tunay talaga ditong wizards eh sina Gideon -- ung isa kong ka-team -- and si Marga... kahit na medyo flirt yun, eh genius kung genius naman, pagdating sa Math! Ewan ko nga minsan, baliktad ang daloy ng utak.

Lahat ata kami busy ngayon. Bawat isa may laptop, pwera lang sa dalawang teachers -- nag-ku-kwentuhan kasi, alam niyo naman 'pag teachers lahat ng lugar nag-chi-chismisan. (Shhh!! Quiet lang ah!)

Patapos na rin ako sa ginagawa kong Methodology rito (if you know what I'm talking about), nang lumabas si Ma'am Emmie, bibili daw siya ng snacks namin, mabuti naman.

Bigla naman akong sinundot ni Marga.

"What?" I didn't bother to look at my best friend's face 'coz my eyes was busy looking at my laptop.

"Excited na ako! Eeeeeh!!" She whispered.

"Ilang beses mo ng nabanggit yan Marg." I answered continuing what I'm doing.

Hindi na siya nang-abala pa, mabuti naman para matapos na ako.

Ilang sandali pa bumalik na si Ma'am Emmie dala na niya yung snacks namin, sakto tapos na rin ako.

"Yehey! Snacks!" Sigaw ni Mayi. Lagi talaga tong alerto kapag may pagkain.

Itinigil na ng iba yung ginagawa nila, gutom na rin ata siguro. Mabuti na lang talaga tapos na ako.

'Di rin kami nagtagal kumain. Diniscuss ni Ma'am Arlene yung mga gagawin namin sa loob ng 4 days kasi may binigay na rin na list of activities yung office.

Ginawa ko na lang yung board na kailangang i-display sa competition habang nag-pi-present kami sa harapan ng panel.

Mag-si-six na ng matapos kami sa ginagawa namin. Sabay-sabay na rin kaming lumabas ng gate at nagpaalala ulit si Ma'am Emmie ng time and place bukas.

Sumabay na kami nina Marga, Gideon and Mikka pauwi kasi halos parehas lang kami ng dadaanan, pero mas malayo si Mikka. While the rest, Mayi, Vincent ibang way nila, kaya sila ang magkasabay.

Habang naglalakad kami, Marga started the convo. "Guys, parang hindi ako makakatulog nito mamaya. Ahhh!!! I'm super duper excited na talaga."

"Hay nako Garet, kanina ka pa excited," Gideon said.

"Bakit masama ba?" Marga defends herself.

"Yung pagiging excited, hindi. Pero yung paulit-ulit mong sasabihin, oo. Nakaka-irita ka na kasi. Para kang sirang plaka. Haha," pabirong sambit ni Gideon.

"Ok po Mr. Know-it-All!!!" Marga shouted sarcastically. Honestly speaking, nakakainis 'pag itong dalawa talaga ang nag-uusap, lalo na't I'M UNFORTUNATELY IN BETWEEN OF THIS TWO!!!

"Ops! Awat na baka magbugbugan pa kayong dalawa eh," sabay hawi ko ng dalawang kamay sa kanila.

"Baka sabunutan ang gusto ni Gideon! Hahahaha," pambibiro pa ni Marga. "Bakla kasi 'yan!" Panggagatong pa ni Marga habang dinuduro-duro si Gideon.

"Anong bakla ka diyan! Gusto mo lang kasi halikan kita diyan!" Pang-aasar naman ni Gideon.

"Yuck! Never in your wildest dreams! And over my dead body!!!" Naku, mabibingi na ako nito.

Bigla akong napahinto kaya napahinto rin sila. Nakatingin na sila ngayon sa akin na para bang nagtatanong kung bakit ako huminto.

Tumingin ako sa kanila at nagsalita. "For the nth time, pwede bang tumigil na kayong dalawa? Mabibingi na talaga ako."

"Sorry shenie!" Marga said while her hands were clinging into my arms.

Naglakad na kami pagkatapos nun. Hindi na rin sila nag-usap pa kasi malapit na kami sa kanto. At hindi umiimik si Mikka, the usual silent one.

Mikka was the kind of person na hindi mo maririnig mag-talata, pwera na lang kapag nag-babasa sa harapan.

"Bye guys!!!" Marga finally waved her hand to say goodbye to us while moving to the other direction, pauwi na.

At ilang sandali pa, narating na ni Gideon yung bahay nila. Sunod yung sa akin and sure last yung kay Mikka.

Pagkabukas ko ng gate, nakita ko si Tatay Erwin na nagdidilig ng halaman. I used to call him Tatay since I was 10, kasi dati I thought he was my grandpa but he was our gardener pala. Garbed in maong pants and a gray shirt, while he's wrinkles were shown up, halata mo ng tumatanda na rin. Matagal na siya dito sa amin.

Lumapit ako sa kaniya at nagmano.

"Kamusta ang araw mo hija?" He said while flashing his genuine smile.

"It's ok naman po tatay Erwin. Marami lang pong ginawa sa school."

"Mabuti naman at ayos lang. Sige na magpahinga ka na roon sa loob baka napagod ka," still caring as he was.

"Ok po. Pasok po muna ako," pagpapaalam ko sa kaniya.

Pagpasok ko sa bahay, as usual wala pa si Papa. He always go home late. While si Mama, wala dito sa baba, baka nasa kwarto nila. Kaya umakyat na ako.

Pagkapasok ko nakita ko si mama na natutulog kaya hindi ko na ginising. Pumunta na lang ako sa kwarto ko para magbihis at magpahinga. Hindi naman ito malayo masyado.

Nag-shower ako agad kasi parang amoy pawis na ako. Pagkatapos nagbihis ng pambahay at humiga sa kama. Sa sobrang pagod, na-feel kong bumigat na yung talukap ng mga mata ko kaya agad na rin akong natulog.

***🌻❤

Math CampWhere stories live. Discover now