"Hmm, May dalaw nanaman." Bulong niya pero naririnig ko naman.

-School-

"Wag mo na akong antayin mamaya kuya ha. Sasabay na lang ako sa mga kaibigan ko." Sabay abot sa akin nung helmet na ginamit niya. 

"Sino bang may sabing aantayin kita? asa." Napa 'Tssk' naman siya. 

"Ang sama mo talaga kuya! Isusumbong talaga kita kay mama mamaya!" Sigaw niya sabay takbo papuntang loob ng school. 

Tumakbo na rin ako kasi panigurado late na ako. Ayaw na ayaw ko pa namang malate. May test pa naman kami sa Math ngayon. 

Kahit ganito ako, nag-aaral naman ako no. Actually  gustong gusto ko talagang mag-aral, pati yung dalawa kong kaibigan, Di lang talaga halata. 

Hindi kami yung ibang lalaki dyan na napaka-tamad mag-aral. Oo, mahilig kaming  makipag race at gumawa ng kalokohan, ibig bang sabihin nun tamad na kami? Di kami ganon ha. 

Pampalipas oras lang talaga naming tatlo yun. Kung laro, laro. 
Kung aral, aral.

Pag-pasok ko nang room nag-tetest na yung mga kaklase ko. Putek! late na talaga ako. 

"Goodmorning ma'am. Sorry I'm late." Sabay upo ko sa upuan ko. 

"Goodmorning Mr. Aquino. For the first time, late ka."

"Sorry po." 

"Okay. Once in a blue moon ka lang naman malate eh. Here's your test paper." 

Saka ko naman kinuha yung testpaper at nag-umpisa na.

Natapos naman ako agad. Madali lang naman yung test, sumunod narin sina Kevin at Rey papuntang Canteen. 

Bumili agad kami ng makakain namin at naghanap ng ma-uupuan.Pero malas lang kasi wala ng bakante. 

Bigla namang may tumawag sa akin. 

"Zayn!Here oh!" Sabay turo niya dun sa tatlong bakanteng upuan sa tabi nila. 

Tss. Yung malanding babaeng yun nanaman, kainis."Hayy! yung malanding linta nanaman." bulong ni Rey.

Umiling ako. "Sa rooftop nalang kami kakain Bianca."

Bigla naman siyang tumayo at naglakad papunta sa amin. 

Kumapit naman siya sa braso ko. Errr! "Please Zayn? Don't be shy. Besides it's just me and Carolyn lang naman eh."

Aangal pa sana ako kaso hinila na niya ako papunta dun sa lamesa nila. Umiling nalang sila Kevin at Rey, sumunod narin sila samin. 

"Here oh sit kana beside me." Wala na akong nagawa. Kainis!

Habang kumakain kami sinusubuan  ako ni Bianca ng kung anu-ano. Punong-puno na yung bunganga ko.

Tawa na lang ng tawa yung dalawang ugok. 

"Mag-ccr lang kami Bianca." Palusot ko sakanya.Para makatakas narin kami sa babaeng to. Kasi hindi to hihiwalay sakin.

"Oh, K. Do you want me to accompany you to the cr pa?" Anlapad lapad pa ng ngiti niya. Eww. 

"Ah-eh hahaha! wag na, I can handle it. Sige bye!" Sabay karipas namin ng takbo. 

Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon. "Tara rooftop."
sigaw ko sakanila.

-ROOFTOP-

"Pwew! Kainis talaga yung Bianca haliparot na yun." 

Sino ba si Bianca? siya lang naman yung patay na patay sa akin. Lagi niya akong hinahabol,nilalandi,minamanyak. Napaka-desperadang babae, ayaw na ayaw ko talaga sa babaeng yun, Actually kaming tatlo. 

"Tssk, hayaan niyo na nga yun. Maiba ako, ready na ba yang mga alaga niyo mamayang gabi?" 

Tanong ko sakanila. Bigla namang lumaki yung mata nilang dalawa. 

"Bakit p-pare? Anong meron sa mga alaga na-namin? A-anong ga-gawin m-mo?"  Ba't nauutal tong dalawang to? 

"Kasi magrarakrakan tayo mamaya! kaya ready niyo na ha? Linisan niyong mabuti tas---"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi tumakbo na sila. Anyare sa mga yun? 

Sinabi ko lang naman na i-ready na yung mga alaga naming kotse kasi may race mamaya. Yun lang naman ibig sabihin nun. Tsk tsk. Mga yun talaga.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon