(Hayaan mo lang sila. Pag balik ko na lang saka ko i-twe-tweet kung saan ako galing.) “Ge.” (JS I need to go to  ranch. Tinatatawag na ako ni Lola eh. I will just text you later K? Take care. Alagaan mo sarili mo. Bye!)

“Yeah. Ingat ka din dyan! Bye!”

Ang ganda ng araw ko ngayon. Nakaka Good Vibes si Kris.

Si Kristoff Berlin yung kausap ko, Half Filipino/Half American rin siya.

Magaling siyang magtagalog no? Kasi, sinanay siya ng Mommy niya kahit dito na siya lumaki sa Cali.

Mas magaling pa ngang magtagalog yun eh, kesa English.

Parang ako at si Sofia, sinanay din kaming magtagalog kahit nasa Cali kami. Kaya kung mag-usap kami, English or Tagalog. Pero more on Tagalog. 

Lumaki din kami  sa Pilipinas. Mag-kaibigan na kasi talaga ang parents namin ni Sofia.Naging mag-bestfriend lang talaga kami nung kinder kami, kasi noong una naming pagkikita nag-tatarayan pa kami eh. Hanggang sa naging magkasundo na talaga kami. Pero noong  7 years old na ako , nag-decide ang parents ko at parents ni Sofia na mag-migrate kami sa Cali. 

At dun na nag-umpisa ang career ko, naging artista ako at the age of 9.

At dun ko na nakilala si Kris noong 14 years old ako at 15 siya. Artista narin siya noon eh.

 At nakitaan kami ng chemistry then Boom! Ginwa kaming loveteam, hanggang ngayon na 16 years old na ako at 17 years old naman siya.

Nasa Texas siya ngayon kasi naka-leave siya. May emergency kasi eh. Nakakamiss nga siya eh, 5 days na siya doon.

Walang special sa amin ni Kris. Magkaibigan lang kami.

 Ganun lang talaga siya mag-care sa akin, kasi caring siyang tao. HAHA :D

Pero, Yiieee! Oo na. May pagnanasa este crush ako sakanya. At si Sofia lang ang nakakaalam, hindi ko pinapahalata sakanya no! Baka kasi pag malaman niya, maging awkward pag magkasama kami.

Sino ba namang hindi magkakagusto sakanya? Gwapo,maalaga,mabait, at napaka-humble pa niya. At siya pa ang lagi kong kasama for the past 5 years. Yes! 5 years na kaming loveteam on-screen!

Mabenta ang loveteam namin eh, kaya limang taon na kaming loveteam. At madami na rin kaming nagawang projects together. Kelan kaya kami magiging loveteam for real? Joke! Nangarap nanaman ako. -_-

Natigil ang pag diday-daydream ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

“Goodmorning dear. Nasa dressing room na yung make-up artist mo. You need to prepare na iha.”

“Yes ma. Sunod na po ako, maliligo lang ako.”

Hayy. interview  ko pala ngayon. 

///

 Michael Zayn Aquino

"Punyemas!iiwan na talaga kita!" Sigaw ko sa kapatid ko. 

Pano ba naman kasi sobrang tagal niya malalate na ako, makikisabay kasi sa akin na pumasok. 

Wala kasi yung sundo niya, kaya sasabay siya sa akin.

"Oo na andyan na!" Pagkalabas niya in-start ko agad yung motor ko. Pag pumapasok ako ng school

motor lang talaga gamit ko. 

Umangkas naman siya agad. Pinaharurot ko agad yung motor ko.

"Kuya dahan dahan naman!"Sigaw ng kapatid ko. "Manahimik ka dyan! Nakikisakay ka lang."

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon