NIGHT MARKET--

Mulai dari awal
                                    

"Ano banbg problema mo??? hindi ka ba napapagod na gawing miserable ang buhay ko? at ngayon naman ikaw na mismo ang nang iinis sakin, dahil hindi naging successful ang mga alepores mo???"

I just look at her, bakit ko nga ba ginagawa 'to. And ganun na ba talaga kamiserable ang buhay nya ng dahil sakin?

"Tss, tara na gagabihin ka na."

I grab her hand, pero she pulled her back. Bahala sya, basta naglakad nalang ako. I just found her walking with me. Nagpunta kami sa bus station. Pinara naman nya yung bus na dumating , pero malas lang kasi puno na kaya nakatayo lang kami.

'Argh! ano ba tong napasok ko?!'

"Sh*t!"

Napalingon naman ako kay Melissa. Napansin kong tiningnan nya yung lalakeng nasalikod nya. Napansin ko yung kamay ng lalake kaya...

"Aaa---aah....aray!!"

"Yang kamay po pre' kung saan saan humahawak" 

Pinilipit ko lang naman yung kamay ng lalake at tiningnan sya ng matalim. Pagbitiw ko sa kanya, lumapit ako kay Melissa.

"Ayos ka lang?"

"Aa-ayos lang naman, s-salamat"

Mas nilapit ko pa yung sarili ko sa kanya para mas masecure syang hindi mababastos.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito? ang bilis ng tibok ng puso ko ang pucha. Parang sobrang lakas na pwede na nilang marinig? Fu*ck sh*t!! Ano ba 'to? Abnormal ba to? Aaah magpapacheck na lang ako sa family doctor mamaya sa mansion. Baka kung ano na 'to.

Ganun lang kami buong byahe. Sya nakalapit sakin.

Huminto kami sa last bus station. Pagbabaga nya nakita ko naman syang napahawak sa tyan nya, malamang gutom na 'to.  Hinila ko naman sya at kahit magbunganga pa sya hindi ko sya binitiwan. Pero pagdating namin sa restaurant, nagtaray na naman sya at nagwalk out?... ayaw nya ba sa restaurant na 'to? kung yung ibang girls pa kikiligin at tuwang tuwa pa sila , pero sya? baliktad ata utak nito. Aaah sakit sa ulo ng babaeng to!

Sinundan ko na lang sya kung saan nya gustong kumain. Mahirap na makipag talo sa babaeng to. Ewan ko ba kung saan na ako dinala nito.

"Anong lugar 'to??!"

"NIGHT MARKET! yes buti nakaabot pa ako!!" ang lapad pa ng pagkakangiti nya.

"Dito ka kakain??"

"Uh? uh-uh....umm ang bango ng mga pagakain ! nakakagutom tuloy lalo!!"

Hu?dito?eh parang hindi safe ang mga pagkain dito. Kanya kanya ng pwesto ng mga tinitindang pagkain, puro usok dahil sa mga nag-iihaw.. ang daming tao?!

"Safe ba kumain dito?? baka sumakit tyan mo?"

"Ang arte mo, kung ayaw mong kumain edi wag mo! at kung hindi safe kumain dito edi sana hindi ganito kadami ang mga taong kumakain dito."

Nagtuloy tuloy sya ng lakad parang iniisa-isa nya yung mga tindang pagkain. kung ano magustuhan bibili sya at kakainin nya. Grabe ibang klaseng babae to! sobrang lakas kumain!

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang