"Surpresa"

51 2 0
                                    

Heto na naman ako, kaharap ang mukha ng mga taong bago sa paningin ko. Panay ang ngiti nila sakin pero di ko sila magawang ngitian pabalik dahil ewan ko ba... parang ayaw kong makipagkaibigan sa kanila. Bukod kasi sa iba ang trip nila, hindi naman sila ang gusto kong makasama. 

Mahigit dalawang taon na pala akong malayo sa kanya at papalya palya pa yung communication naming dalawa. Pano ba naman kasi, kung may oras ako, busy sya o kaya vice versa pero kahit ganoon ang sitwasyon naming dalawa, hindi ko naisipang tumingin sa iba dahil wala namang lalamang pa sa kanya. Ang corny ko ba? Pwes, masanay ka na. 

Ahead nga pala ako sa kanya ng isang taon kaya ako yung unang nagcollege. Umaapaw yung excitement ko ngayon dahil this year ay gagraduate na sya at magkakasama na ulit kami sa iisang school. We have a lot of plans and that is the reason why I'm working hard so that someday, hindi ako maging pabigat sa kanya at hindi ako papayag na ilagay sa kanya ang lahat ng responsibilities sa relasyon naming dalawa dahil sya yung lalaki. "Responsibilities knows no gender" kaya magtutulungan kami kahit lagi nyang sinasabi na wag kong e-stress ang sarili ko. 

He's the man I'm willing to take risks, and I want to give him everything I have. 

"Oy ate, dami mo ng ipon ah.. Para sa kinabukasan ko ba yan?" Nakangising sabi ng kapatid kong lalaki.

"Of course not!"

Akmang kukunin nya sana ang jar na pinaglagyan ko ng pera ko kaya agad kong tinabig ang mga kamay nya.

"Don't you dare McAverell!" (As in Mac Av-Rell)

"Ate Avery naman eh.. bente lang naman pambili ng milk bar." Nakangusong sabi nito habang nagmamakaawa pa yung mga matang nakatingin sakin.

Napabuntong hininga ako dahil di ko sya kayang pagdamutan sa bagay na ikakatuwa nya. He's my only brother and I love him more than my money kaya binigyan ko sya ng bente. 

May ipon din ako para sa kanya pero di yun pwedeng galawin.

Nagningning ang mga mata nya at kumaripas na ng takbo palabas ng kwarto pero bumalik ulit na syang ipinagtaka ko.

"Thank you ate.. Ibibili din kita ng milk bar." At tuluyan ng umalis.

Napangiti ako ng palihim at napaisip kung gaano ako kaswerte sa kapatid ko. He made me smile at parehong pareho sila ng lalaking mahal ko. 

Bumalik ang kapatid ko matapos ang mahigit quince minutos dala-dala ang dalawang milk bar. 

Agad nyang binigay sakin ang isa at tinanggap ko naman iyon. Matapos nun ay nagpaalam sya sakin dahil may gagawin daw silang group project sa Biology nila kaya naiwan akong mag-isa sa bahay.

Napatingin ako sa calendar na nakabitin sa likod ng pintuan ng kwarto ko. May one month pa ako para madagdagan ang ipon ko at mabili ang bagay na gustong gusto nya.

Nakangiti kong isinulat ang mga plano ko sa darating na graduation nya at nung natapos ako ay tinignan ko ang side table ng kama ko kung saan nakalagay ang mga regalo nya na hindi ko nabigay noong mga nagdaang birthday nya. Naging busy kasi ako sa school at sa pag-iipon ng pera.

I felt guilty dahil ang dami kong namissed na important events sa buhay nya kaya ito ako ngayon pinaplano ang magiging pambawi ko sa lahat ng mga iyon. 

Nakakatawa dahil hindi ko naman gawain ang mga bagay na ito dati. Ni minsan nga hindi ko pa sya nadala sa bahay at masabihan ng mga matatamis na salita.

Maniwala man kayo o hindi, we never kissed or hold each other's hand dahil alam naming pareho na limitado pa kami sa mga bagay na iyan at pareho kaming nag-agree na hanggat hindi pa pwede, we will never make things that will ruin us. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now