"Eh kathi (kasi), uwaaaaaa! Ithuthumbong (isusumbong) kitakay mamaaaaa! waaaaa! Maaaa! Away ako ni Kuya Kei!" Naglakad na siya pabalik at kinukusot ang kanyang mga mata na basang-basa na sa luha.

"Oy Zed, ano ba naman yan..." Napakamot nalang ako ng ulo at hinarangan siya. "Sige na nga, sampa ka na sa likod ko." Labag man sa kalooban ko ay binuhat ko parin siya. Payat at magaan lang naman si Zed kaya di rin ako nahirapan at syempre mas matangkad ako sa kanya. Malapit na kami sa labasan ng bayan nang makasalubong namin si Ate Ysa.

Anak siya ng Mayor ng bayang ito. "Kei! Saan kayo pupunta?" Tanong niya sa'kin.

"Kina lola po." Magalang na sagot ko sa kanya at nginitian siya. "Ah, hatid ko na kayo, nakatulog na si Zed sa likod mo oh." Kinuha niya si Zed at kinarga sa kanyang mga bisig at isinandal ang ang ulo nito sa kanyang balikat. Dalawang taon lang ang tanda ni Ate sa amin pero para na siyang mama ko kung magsalita.

Tinawid namin ang tulay ng isang malinis na sapa. Kumikinang ito na parang diyamante dahil sa araw. "Nandito na tayo." Wika niya kaya nilingon ko direksyon ng bahay ng lolanamin.

Naglakad na kami papunta dun. Tamang-tama ang dating namin nangm akita naming nagluluto si lola. "Lola! Mano po." Nagmano ako kay lola at ganun na rin si Ate Ysa habang karga niya parin si Zed. "Napadalaw kayo, mga apo?" Wika ni lola at muling humarap sa niluluto niyang gulay.

The Death's Game [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon