Chapter 48 : Giving Up ? :(

2.8K 110 36
                                    

ZACKREY'S POV

"Shit! Traffic pa ano ba iyan!"

Tumawag si El sa akin nasa ospital daw si Joshua nagkadengue daw siya ng di oras kaya eto ako ngayon nagmamadali na makarating agad sa ospital dahil alalangalala na ko sa anak ko lalo na't naging pabaya ako sa kanya nitong mga nakaraang araw.

Bigla naman tumunog yung cellphone ko..

'Jairus Calling..'

Umandar na yung mga sasakyan kaya di ko na nasagot yung tawag minabuti ko na magfocus na muna sa pagdadrive para makarating agad ako sa ospital.

After a few minutes nakarating na rin ako sa ospital agad kong hinanap kung nasaan ang anak ko hanggang sa maabutan ko si El na nakatayo sa hallway habang umiiyak.

"El" tawag ko napatingin naman siya sa akin tsaka lumapit

"Zackrey" sabi niya tsaka niyakap ako

"Anong nangyari kay Joshua?"tanong ko habang hinihimas yung likod niya

"2 araw na siyang nilalagnat tapos nagsusuka din siya tapos may mga rushes siya"

"Bakit di mo to agad sinabi sa akin?"

"Paano ko naman sasabihin sa iyo eh sa tuwing gigising kami wala ka na sa tuwing uuwi ka naman gabi na tulog na kami"

"I'm sorry El Sorry" sabi ko at niyakap siya

Mayamaya lumabas na yung doktor..

"Kayo ba ang mga magulang ng pasyente?" tanong nito

"Kami nga po" sabi ko

"Dok kamusta na po si Joshua?" tanong ni El

"Ayos na ang kalagayan ng bata mabuti na lang at naidala niyo siya agad sa ospital kailangan niyang manatili dito sa ospital para sa mabilis niyang paggaling" sabi ng doktor

"Salamat dok basta gawin niyo po lahat para sa anak ko"

Ngumiti lamang ang doktor sa amin tsaka umalis.

Minabuti na naming puntahan si Joshua naabutan naman namin siyang gising tinignan ko siya mukhang napabayaan ko talaga ang anak ko namumutla siya ngayon tapos may oxygen na nakalagay sa ilong niya tapos may kung anong nakatusok sa kaliwang kamay niya sa sobrang miss at awa ko sa kanya ay niyakap ko siya.

"Joshua anak"

"Dadyi I miss you" sabi ni Joshua at yumakap rin sa akin natuwa naman ako sa kanya

Pagkatapos yumakap ay hinawakan ko yung isa niyang kamay.

"Joshua kailangan mong maging malakas okay? Para mabilis mawala yung sakit sa katawan mo nandito lang kami ni Mommy mo" sabi ko at hinalikan yung kamay niya

Tumango naman si Joshua..

"Baby nandito na si Daddy mo magpagaling ka ah ngayong nandito na siya" sabi ni El

"Yes Momyi͵ Dadyi Momyi I love you po" sabi ni Joshua at niyakap kami ni El kahit papaano naman ay medyo gumaan yung pakiramdam ko matapang na bata nga tong si Joshua

Mayamaya ay bumalik yung doktor para iexamine si Joshua agad naman nakatulog ang anak ko dahil na rin siguro sa pagod nanatili naman kaming magkatabing nakaupo ni El.

"Zackrey alam ko may problema kayo ni Xandra pero Zackrey kailangan ka ng anak mo ngayon kaya sana lagi kang nasa tabi niya" sabi ni El

The Unexpected Marriage [NLex Version]Where stories live. Discover now