Chapter 2: The Host

Start from the beginning
                                    

Siwipe ko ang card sa pinto at pumasok sa room. Nakatagilid ang aking host sa kaniyang kama. Mahaba ang kanyang buhok. Babae pala ito.

Hindi alam ng mga tao na nag enrol dito sa Vampire University na sadyang ginawa ang mga napakakomportableng mga room na ito para mahimbing ang tulog nito at pwede na naming sipsipin ang kanilang mga dugo. At dahil 12:00 na, sigurado ako na tulog na ito.

Lumapit ako sa kanya. Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang braso. Binuksan ko ang aking bibig at nilabas ang aking mga pangil. Eto na....matitikman ko na talaga siya....

"Oh my gad malalaman na nila kung sino si Moriarty"

O_O

Di ko alam na gising siya dahil nakatagilid siya. Sinilip ko kung ano ang ginagawa niya. Nagcecellphone pala siya. Parang may binabasa siya. Wattpad?

Nagtago muna ako sa ilalim ng kanyang kama. Hihintayin ko nalang na matulog siya...

"Oh my gad nadakip si Lorelei ng killer"

"Teka kalaban ba si jamie?"

"Waaaaahhhh bakit si Luthor ang Moriarty"

"May ama pala sila"

"Naku paano kaya nila masosolve ang case"

Sawang sawa na ako sa mga naririnig ko. Halos lahat ng sentence na nababasa niya nagrereact siya. Hindi ba siya pwedeng magbasa ng tahimik. Kung natulog nalang siya para makainom ako ng dugo may kwenta pa siya.

KRIIIIIIIIIIIINNNNNNGGG

Pinatay na niya ang lamp. Grabe pinahintay niya pa talaga ako ng limang oras. Ang sikip sikip pa naman dito sa ilalim ng kama. Matitikman ko na talaga siya hehehe.

Nagulat ako ng makita ko ang mga paa niya at pumunta sa CR. Narinig ko ang tubig mula sa shower. Teka bakit maliligo na siya.

Lumabas na ako sa ilalim ng kama. Tumingin ako sa kanyang alarm clock. Alas sinko na pala! Sa sobrang paghihintay ko hindi ko namalayan na umaga na.

Waaaahhhh bakit ba kasi sakin pa binigay ang babaeng ito. Hindi ko ito matitiis ng 4 years hanggang sa grumaduate siya. Wala na akong nagawa at lumabas na ng kanyang room. Pumunta ako sa administrative building at pumasok ako sa guidance room.

"Good morning ma'am", sabi ko sa guidance counselor

"Good morning, anong maipalilingkod ko?", sabi ng aming guidance counselor.

"Pwede pa po bang baguhin ang host ko?", tanong ko sa kaniya.

"Naku pasensiya kana. Alam mo namang iisa lang ang pwedeng maging host mo at siya lang ang magiging host mo hanggang sa grumaduate siya", paliwanag niya. "Kahit ano pa kapangit ang lasa ng kanyang dugo, dapat mong tiisin yun"

"Matiis ko pa po ang taong may masagwang dugo, pero hinding hindi ko matiis ang taong may insomia"

"Insomnia? Bakit hindi ba siya natulog kagabi?"

"Hindi po, at ayun sa rules natin, bawal tayong makita ng mga tao bilang isang bampira", sabi ko sa guidance counsilor. "Paano ko po siya makakagat kung ganun?"

Ngumiti aang guidance counsilor. "Pasensiya na pero ang batas ay batas, wala ako sa posisyon para baguhin iyon. Pero ito lang ang maadvice ko, gumawa ka nalang ng paraan para makatulog siya"

------------------

Aaaaaaaaarrrrrggghhhhhh. Napahawak na ako sa ulo. Ang dami nang naiimagine ko kung paano mapatulog ang wattpader na iyon. Ano ba kasi bakit sa kadami dami ng tao bakit siya pa.

Tok Tok Tok

"Sino yan?"

"Pare si Brian ito"

Binuksan ko ang pinto. "Nabili mo na ba ang pinabibili ko"

"Oo", sabi ni Brian habang may kinukuha sa kaniyang bulsa.

Pinakita niya sa akin ang mga puting capsules. Eto na nga ang sagot sa mga problema ko hehehe. Sleeping pills.

"Magkano ba 'to?"

"150 lahat"

"Sige salamat", binigyan ko siya ng 150 saka nagpaalam.

Nasa kamay ko na ang solusyon. Para ito sa babaeng hindi matulog tulog. Kung ayaw niyang matulog, then I have to do it by force.

Naligo ako at nagpalit ng damit. Ayon sa narinig ko may basketball game mamayang 9:00 sa court. Paborito ko talaga ang manood ng basketball game. Marunong din naman ako maglaro pero mas gusto ko ang manood.

Pumunta ako sa may basketball court. Buti at hindi pa nag start ang game. Napakarami ng mga estudiyante dito sa arena. Napakaraming estudiyante dito ngayon. Kahit mga bampira ay naamoy ko dito.                                                                                

Humanap ako ng free seat na malapit sa court. Naku po. Eto ang pinakaayaw ko sa lahat. Bakit puro babae ang katabi ko? Napaka overacting kasi nila mag cheer lalo na kung maka shoot ang favorite player nila.

Natapos na ang dalawang quarters. Dahil halftime na, mag papahinga muna ang mga basketball players. Hindi ko na matiis itong katabi ko. Kung makashoot yung naka jersey number 23 akala mo parang girlfriend kung umasta.

"Ally, Ally, nakita mo ba kung paano maglaro si Kevin? Waaaahhhh ang galing niya at ang gwapo pa!", sabi ng nakakainis na babaeng katabi ko. Kanina pa 'to ah. Kung pwede lang sana na ubusin ang dugo niya malamang ay ginawa ko na.

"Sorry Cheska, di ako nanuod busy kasi ako sa cp ko eh"

Tiningnan ko ang kasama niya, maputi ito, may long hair, at............maganda. Para sa akin nagmumukha na siyang barbie doll. Buti pa siya at tahimik lang at hindi nag ooverreact sa basketball. Bakit ba kasi tung Cheska pa na ito ang nakatabi ko.

"Bakit ba ally, ano ba yang binabasa mo"

"Wattpad"



Napangiti ako. Ngayon ay kilala ko na kung sino ka....

Makikita ko sa kanyang mga mata ang pagiging sleep deprived...

So it was you.

Ally....

++++++++++++++++++

(A/N: Thanks for reading! Next chapter is the introduction of the new character!

Next Chapter:

Chapter 3: In the Gangster's Hands

















Vampire UniversityWhere stories live. Discover now