Chapter 24: The Society of Mirandi

Magsimula sa umpisa
                                    

Huminto ito sa harap namin na para bang hihintay lamang ang pagdating namin bago nagpakita. Napakalaki nito at napakaluma. Ibang iba sa mga train na nakikita sa normal na mundo. Para itong ilang daang taon ng ginagamit katulad ng lumang platform kung saan ito nakahinto ngayon.

"You go first." anyaya ni Georgia na tumabi para paunahin ako sa loob ng sasakyan. Tiningan ko lamang siya gamit ang blanko kong mga titig. "Go on now." ulit niya.

Hindi ko maiwasang magduda. Baka naman kasi biglang pag sakay ko ay umandar ang sasakyan at dalhin ako sa lugar kung saan ako talagang ipapatapon.

Nakataas ang kilay ni Georgia na para bang nagtataka. Nang mapatingin ako sa iba pang mga kasama namin alam kong ano mang mangyari sa byaheng ito ay kailangan kong tangapin. After all what could happen worst than this?

Pumasok ako sa loob ng train at kahit paano nakahinga ako ng maluwag nang sumunod sila. Napakaluwang ng train sa loob at halos hindi ako makapaniwala nang makita ang magagarang gamit na nandoon. May chandelier sa loob ng train for christ sake!

Umupo sila sa isang mesa na gawa sa makintab na kahoy kung saan ilang pagkain at inumin ang nakahanda. Dumerecho naman ako kabilang dulo ng carriage kung saan may mababang sofa at mga unan. Umupo ako doon at tahimik na pinagmasdan ang madilim na paligid sa labas.

"Kumain ka, dear. Medyo mahaba ang byahe natin." narinig kong sabi ni Georgia.

"Hindi ako gutom." maikli kong sagot.

Narinig ko ang hindi pag sang ayon ni Headmaster Cray pero wala na siyang ibang sinabi. Pumikit ako at muling sinandal ang ulo ko sa bintana ng train nang maramdamana ng pag andar nito.

Masyado silang mabait sa akin. Lalo na si Georgia. Sa Academy kasi nagkakagulo kapag may anunsiyong bibisita sila. Maging ang mga teacher ay hindi magkamayaw kapag nandyan sila. Hindi sila madalas magpakita sa mga estudyante. Unang beses namin silang nakita noong naparusahan si Jett patungkol sa pagsunog niya sa kalahati ng Enchanted Forest ilang buwan na ang nakakaraan. Pagkatapos nun akala namin hindi na namin sila makikita pa. Pero ito ako ngayon. Kasama sila sa isang sasakyan.

Sa pag lipas ng oras unti unti kong naramdaman ang pag bigat ng talukap ng aking mga mata. Hindi ko gustong matulog pero habang tumatagal lahat ng pagod ko nitong nakaraang araw ay unti unting binabawian ang katawan ko. Habang patuloy ang mahinang pag uusap ng mga kasama ko sa loob ng train paulit ulit na nagp-play sa isip ko ang nangyari sa Great Hall. Ang pag dating ng mga Headmaster. Ang tingin ng mga tao nang nalaman nila ang totoo. Isang imahe ang pumasok sa isip ko bago ako tuluyang nakatulog. Isang imahe na maaring hindi ko na muling makita. Ang nakangiting mukha ni Jett.













Isang kakaibang pakiramdam ang gumising sa akin. Para bang may nakatingin sa akin at kanina pa ako pinagmamasdan. Kinuha ko ang kumot ko at tinakpan ang mukha ko saka muling pumikit. Ramdam ko ang init ng liwanag ng araw na tumatama sa braso ko pero ayoko pang magising. Masakit ang katawan ko at kailangan ko ng mahabang tulog.

"Tss. Ano kayang oras balak gumising ng babaeng ito?"

Isang hindi familiar na boses ang narinig ko. Natigilan ako at napamulat nang marealize na lalake ang nagsalita. Sandali anong ginagawa ng—! Muli akong natigilan dahil sa isa pang bagay. Tarantang hinawakan ko ang malambot na kumot at unan. Hindi ito ang kumot ko. Hindi ito ang unan ko. Hindi ito ang bed ko!

Napabalikwas ako ng bangon at napaupo sa kama. Isang lalakeng nakangiti ang una kong nakita. Nakatingin siya sa akin habang nakasandal sa frame ng isang malaking bintana.

Hindi ko napigil ang sigaw na lumabas sa bibig ko. "AAAAAHHHHHH!"

"Hoy, hoy! Teka bakit ka sumisigaw?!" Lumapit ang lalake sa akin at balak atang takpan ang bibig ko. Nag panic ako kaya kinuha ko ang mga unan at hinagis sa kanya.

"Hoy! Ano ba? Anong problema mo?!" Nailagan niya ang mga ito at ang iba ay hinarang.

"Nasaan ako?! Bakit nandito ka sa kwarto ko?! At anong ginagawa ko sa lugar na ito?!"

Natigilan siya at napatingin sa akin na nagtataka. Yun ang naging dahilan kaya tamaan siya ng unan derecho sa mukha.

"PAKSHIT!" sigaw niya nang maramdaman ang impact. Umupo siya sa gilid ng kama habang hawak ang ilong niya. Umusod ako sa kama na malayong malayo sa kanya.

"Hoy! Nabagok ba ang ulo mo sa kung saan at hindi mo maalala?! Nasa kastilyo ka ng Mirandi!"

That exact moment I was frozen in place. Maging ang pag hinga ko ay tumigil. So hindi panaginip ang lahat. Totoo siya. Mula sa Ball hangang sa loob ng train hindi siya panaginip. Nasa Mirandi nga ako.

Napansin ng lalake ang pagtahimik ko. "Natatandaan mo na? Madaling araw nang dumating kayo. Hindi ko nga alam kung wala ka bang malay nun o talagang tulog ka lang. Pinunta ka nila dito sa kwarto at dito ka natulog."

Unti unting nag sink in sa akin ang sinabi niya. Natatandaan ko ang ingay ng mga taong nagsasalita nang huminto ang train. Ang kamay na umalalay sa akin papasok sa kotse. Ang ulo kong bumagsak sa upuan para muling matulog. Ang boses ni Georgia na sinasabing nakarating na kami. Ang mga bantay. Ang malawak at maliwanag na palasyo. Napalunok ako.

"Nasa Mirandi ako?" wala sa sariling tanong ko. The guy nodded in response. Tumayo siya mula sa kama at pumunta sa malaking bintana kung saan kanina ay nakasandal siya. Nang tingnan ko itong mabuti hindi ito isang bintana kundi isang pintuan na gawa sa salamin at may kulay gintong palamuti.

Binuksan niya ang pintuan gamit ang dalawang kamay. Bumungad sa akin ang matinding liwanag na nangagaling sa labas, ang simoy ng hangin sa umaga, ang bughaw na langit, at mga kakaibang tunog na animo ay nangagaling sa ibaba.

Tumayo ako mula sa kama at dahan dahang naglakad sa malamig na sahig papunta sa pintuan. Napahinto ako nang marealize kung nasaan kami sa mga oras na ito. Mas lumapit ako sa balkonahe hangang sa tuluyan na akong nasa labas at nakahawak na sa railing nito.

Nasa pinakamataas na bahagi kami ng bayan. Nasa isang kwarto sa loob ng kastilyo kung saan kitang kita ang lahat mula sa kinatatayuan namin. Pinagmasdan ko ang mga tao sa ibaba at narinig ang maliliit nilang mga boses. Pinagmasdan ko ang bayan sa di kalayuan at ang mga taong parang langam na walang tigil sa pag paroon at parito. Maging ang malalayong bundok at gubat at ang ilog na naghahati sa bayan at sa palasyo. I inhaled loudly.

"Maligayang pagdating sa Mirandi, Ariela Davis."

***

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon