FC~ Four

183 15 1
                                    

Chapter 4






Miyuki's POV
Wala ako sa sariling pumasok sa bahay at sinalubong ako nila mama at ni tita Fleya



'Alam kaya niya na andito ang anak niya?'



"Anak, ayos ka lang ba?"nag aalalang tanong ni mama sakin at wala sa sarili akong tumango



"May tama ka ba?"tanong din sakin ni tita Fleya at umiling lang ako sabay akyat sa floor kung saan ang kwarto namin ni Haru ang matatagpuan

Wala sa sariling binuksan ko ang kwarto ni Haru sabay pasok kaya naamoy ko ang pabango niya, kumuha ako ng tshirt niya saka ako tumungo sa kwarto ko gamit ang connecting door namin para kumuha ng pambaba ko. Bumalik ako sa kwarto ni Haru gamit padin ang connecting door namin saka ako pumasok sa banyo para maligo



"Ano to?"tanong ko sa sarili habang hawak ang isang sinsing na may malaking diyamante na parang korona ang design niya

"Kanino to?"ulit ko sa sarili ko na parang may sasagot sa tanong ko, naiiyak ako at di ako alam kung bakit



Pagkatapos kong magbihis ay nilagay ko lang sa lalagyan yung singsing, baka di yun kay Haru..



'Baka lang naman'



Pagkalabas ko ng banyo ay tahimik lang ang buong kwarto, dito ako natutulog kapag gusto kong maramdaman ang presensiya ni Haru. Pinatay ko ang ilaw saka humiga sa kama niya na parang akin na din



'Yung singsing na yun, di ko alam kung para kanino yun at nakakaramdam ng kakaibang kaba'













His POV
Binilisan ko ang pag uwi dahil baka nakita na niya, baka makita niya ang singsing na ibibigay ni Kazuki para kay Loch, dahil korona ang design non pero di naman niya makikita yun diba? nasa banyo yun ng kwarto ko eh..

Natapos ang laban sa pagkat nagsialisan na sila agad nung pagkarating ko, pagkarating ko sa bahay ay patay na lahat ng ilaw kaya alam kong tulog na silang lahat pero napansin kong maliwanag ang kwarto ko


"Miyuki"napapailing kong sambit saka dumaan sa garden saka nakita ako ni mama pagkat andun siya at nakaupo



"Haru, anak?"tinanggal ko ang face mask ko at napaiyak na si mama



"Bumalik ka"masayang sambit ni mama sabay yakap sakin ng mahigpit kaya napayakap din ako sakanya




"Akala ko, akala ko di ka na babalik"sabi ni mama at lalong hinigpitan ang yakap sakin




"Pwede ba yun? di ko kayo kayang iwan"pagkasabi ko non ay napalayo si mama sakin at napatingin ako sa kwarto ko na may liwanag pa pagkat alam ko na andun siya..




'Andun ang aking mahal..'




"Lumayo ako saglit para sa sarili ko pero bumalik ako para sa isang tao"sambit ko pa habang nakatanaw sa kwarto ko mula dito




"At di ko na hahayaang may makapag pahiwalay pa samin"dagdag ko sabay halik sa noo ni mama









Third Person's POV
Umakyat si Haru papunta sa kwarto niya at saglit siyang natigilan nung pipihitin na niya ang door knob




"Hinga Haru, si Miyuki yan"pagpapakalma ni Haru sa sarili pagkat kinakabahan siya at excited na makita si Miyuki




"Yun na nga eh! si Miyuki yun, yung taong mahal mo!"pakikipagtalo pa nito sa sarili at napangiti pagkat naalala niya ang sinabi ng kanyang ina, sa kwarto niya palagi natutulog si Miyuki




"Hinga"sabi pa ni Haru sabay buga ng hangin para mabawasan ang kaba niya sabay pihit sa door knob kaya bumukas ito at nakita niya sa higaan niya si Miyuki na mahimbing ang tulog habang yakap ang isang unan niya

Nakangiti itong lumapit sa kama saka umupo sa gilid ni Miyuki saka nilagay sa likod ng tenga ang buhok na nakaharang sa mukha nito




"Dati pa kita pinupuntahan habang tulog ka pero first time kong makita kang tulog mismo sa kwarto ko"nakangiting sambit nito at tumayo at maglalakad na sana papunta sa sofa ngunit napatigil siya at gulat na napatingin kay Miyuki na nakahawak na sa kamay niya




"Aalis ka nanaman ba?"nawala ang gulat ni Haru saka lumapit muli kay Miyuki




"Pag sinabi kong oo?"seryosong sabi ni Haru ngunit may bakas sa tonong nang aasar lang ito kaya nanlaki ang mata ni Miyuki at uminit ang mga mata nito




"Itatali kita sakin"natawa si Haru sa sinagot ni Miyuki sabay yuko nito at hinalikan sa noo si Miyuki




"I'll sleep on the sofa"paalam ni Haru ngunit bago pa siya makaayos ng tayo ay hinila ni Miyuki ang kwelyo niya kaya lumanding labi niya sa labi ni Miyuki

Naestatwa si Haru sa ginawa ni Miyuki, nagkanda buhol-buhol ang utak niya sa nangyayari, hindi to first kiss pero parang first time lang para sakanya ang kiss na yun, naka recover sa gulat si Haru at nung lalayo na sana si Miyuki ay hinatak niya ang batok nito saka hinalikan kaya si Miyuki naman ang gulat ngayon.

Napapikit na si Miyuki saka ginantihan ang halik ni Haru at bago pa ito mapunta kung saan ay lumayo na si Haru at parehas sila ni Miyuki na naghahabol ng hininga




"Sweet"sabi ni Haru kay Miyuki kaya napatingin ito sa mata niya




"Wala ng bibitaw"sabi ni Miyuki sabay yakap ng mahigpit sa leeg ni Haru kaya napayakap ito sa bewang niya




"Hinding hindi na bibitaw, sweet"sabi ni Haru sabay yakap ng mahigpit sa bewang ni Miyuki
















His POV
Nakahiga kaming dalawa ni Miyuki habang nakaunan ang braso ko sakanya at nakayakap siya sa bewang ko na parang ayaw na niya kong bitawan, nakatulog  siya habang nag uusap kami kaya heto siya mas hinigpitan pa ang yakap sakin.




"Mahal kita, Miyuki"bulong ni ko sa tenga niya saka pinatay ang lampshade sa gilid at niyakap si Miyuki na para kong unan..

















___________________________
:)

Keep supporting and Enjoy reading~

Frozen Chances {2nd half}Where stories live. Discover now