Sa tuwing napapadaan ang mga mata ko sa mga mata mo,nakikita ko na tinitingnan mo rin ako.
Kahit ilang segundo lang yun,feeling ko parang sasabog na tong puso ko.
Pero nagigising nalang ako bigla sa realidad na , ako titingnan ng Mr.Pogi/Talented sa school?
Ako talaga na Ms.Nobody/Walang confidence sa sarili/Illusyunada/natatakot magtry/nakangiti pag nasa mood at madaling matawa kahit sa kunting bagay lang at parang nagmukha akung tanga?
Nakakatawa diba, nasobrahan na ata ako sa pagde-daydream na sana pansinin mo naman ako Jake,at ano yang mga tingin tingin na yan,pinagtitripan mo ba ako ,kasi kung oo tigilan mo na yan dahil ang ilusyunada ko pa naman.
Haha sana ganon nga lang yun kadali sabihin no pero hindi eh,iba talaga ang realidad--
"Bwisit!" Ang sakit ng ulo ko, yan ang sakit talaga ng realidad,nagising talaga ako,naku!maraming salamat sa bumato ng bola sa ulo ko,dahil sayo nasagip mo ang pagkailusyunada ko! ( sarcastic)
"Naku sorry" pagtingin ko ,laking gulat ko dahil ikaw ang pumukaw sakin sa realidad.
"Okay lang" yan na ata ang matagal nating pagtitigan at alam mo ba na hanggang sa bahay ay hindi pa tumigil ka pokpuk ang mga carpintero sa puso ko? Haha corny diba.
Nong umaga nagkasalubong tayo sa corridor ,natakot ako bigla sa aura mo dahil parang badtrip ka lalo na't tayo lang dalawa ang naglakad dun dahil maaga pa,pero nong makita mo na naman ako at nagka eye contact tayo parang sumaya yung mata mo,ewan ko kung nag ha-hallucinate lang ba ako pero bakit ka ba malungkot?
Dahil may kunting pagkachismosa ako nakikinig lang ako sa mga kaklase natin kung bakit ka badtrip,at dahil daw depress ka,gusto kung sabihin sayo na ikain mo lang yan ng mga sweet foods o di kaya'y ice cream dahil malapit lang naman ice cream parlor dito,kaya lang nahihiya ako sayo eh,haha next time na lang siguro pag nagkaipon na ako ng lakas ng loob.
Nong lunch time ,pagkatapos namin maglunch ng kaibigan ko pumunta ako sa likod ng room kasi ang daming puno dun at masarap ang hangin kaya pumunta ako dun.
Umupo ako dun sa malaking ugat ng puno at kinuha ko yung phone ko at headset para makinig ng music ,pinili ko yung Perfect ,cover siya babae at lalaki ang kumanta.
Isasaksak ko na sana yung isa sa kabila kung tenga ng may makita akung sapatos sa tapat ko kaya tumingala ako kung kanino yun.
"Paborito mo ding singer yang si Ed Sheeran?"
• . •
"Oy,ano!" aish! demanding si kuya.
Sa halip na sagutin ko siya hindi ko siya sinagot dahil nabigla ako sa sinabi niya,seryoso ba siya,as in pers tym lang namin magusap tapos ganito siya makipagusap sakin,parang ako yung ng BV sa kanya.
Haha ang OA ko diba, di kasi seryoso,ammmh....kinikilig ako kaya ayaw kung magsalita ,na pipi ako bigla kaya ang ginawa ko sinaksak ko na yung isa kung headset dahil yung isa nakasaksak na sa tenga ko at pinley ko na yung music at tumingin ako sa mga mata niya.
Ano ba yan ,(nakakakilig nemen kashe tumingin siya shakin eh)kaya tumayo na ako at babalik na sa room.
"Badtrip!" Nabigla ako sa sinabi niya kaya napatigil ako at naalala ko yung sabi ng isip ko kanina,baka ito na yun, okay.
YOU ARE READING
( Short Story) Eye Contact
Short StoryKung malabo mata ko, sana dinala ko salamin ko para makita ko ng sigurado na tumingin ka sakin. Pero dahil malinaw ang mata ko nahuhuli kita. . . . . . Ang ilusyunada ko na ba masyado? Hayssssttt!!
