Caitlyn: Hello , Brittany :)! Okay naman dito. Tita miss you too , malapit ng umuwi si Tita.

Brittany: Tita! Don't forget our pasalubongs , okay?

Napangiti na lang ako sa kaniyang sinabi. Itong batang to , pasalubong ang inuna kaysa saakin.

Caitlyn: Sure , Brittany. I won't forget :).

Pagkatapos kong i-type iyon ay nag-log out na ako. Hindi ko na hinintay ang message saakin ni Brittany.

Pumunta agad ako sa kwarto at nagpalit ng pang-itaas. Nang matapos ako ay lumabas ako ng hotel at naghanap ng souvenir shop. Baka makalimutan ko kasing bumili ng mga souvenirs kung sa ibang araw pa ako aalis.

Hindi naman siguro ako maaabutan ni Joshua na wala sa hotel. Baka mas gabihin pa nga iyon kaysa saakin.

Tumawid ako sa tawiran at pumasok sa Souvenir shop. Naghanap ako ng pwede kong ibigay sa mga kasama ko.

Ilang minuto rin ang ginugol ko , pagkatapos kong bumili ay pumunta ako sa Infinitea para bumili ng milktea.

Mabilis rin akong nakabalik sa hotel , pagpasok ko nakita ko siya na nakaupo sa sofa habang nanonood. Napatingin siya sa gawi ko at kumunot ang noo.

" Saan ka pumunta? " . Tanong niya

Ngumiti ako at itinaas ang binili ko. " Bumili ng pasalubong " . Sagot ko

Tumango na lang ito at binalik ang kaniyang atensyon sa panonood. Pumunta ako sa kwarto namin at itinabi yung mga binili ko. Nagpalit rin ako ng damit dahil nasa loob naman ako ng hotel.

Lumabas ako ng kwarto at binalikan yung Milktea ko na hindi pa nauubos. Dumeretso ako sa sala at umupo sa tabi niya.

" Baby... "

" Oh? "

" Yung about sa bata na nakita mo kahapon? "

" Bakit? Anong meron doon? "

" Kukunin na siya ng DSWD sa susunod na linggo "

" Ha? Bakit next week pa? "

" Hindi ko rin alam... "

" Kailan pala tayo uuwi? "

" Hmm , bakit? Gusto mo ng umuwi no? "

" Baliw hindi. Kasi kung sa isang araw na tayo uuwi , paano na yung bata? Hindi natin siya maaabutan " . Malungkot kong sabi

Umusog ng kaunti si Joshua at ikinulong ako sa kaniyang bisig bago ko naramdaman ang kaniyang labi na dumampi saaking buhok.

" That will never be happen. Nagawan ko siya ng paraan " . Sabi niya

" Really? " . Tanong ko

Naramdaman kong tumango siya. Napapikit ako ng sinimulan niyang haplusin ang aking buhok. Isinubsob ko na lang ang mukha sa kaniyang matitipunong dibdib.

Nagsimula na rin siyang mag-hum. Ito ang minsan niyang ginagawa , ito ang nagpapatulog saakin. Ang boses niyang nakakapagpatulog saaking diwa , nagbibigay kalma rin saaking katawan.

Bago ako makatulog , narinig kong may binulong pa siya. Lihim akong napangiti ng marinig ko ito.

" Goodnight , baby. Sweetdreams... "

Joshua's POV

Nang tuluyan siyang makatulog sa aking dibdib ay maingat ko siyang binuhat patungo saaming kwarto. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama.

Hinalikan ko ang kaniyang noo bago ako tumayo. Sumulyap pa ulit ako sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Umupo muli ako sa sofa at kinuha yung phone ko sa glass table. Bumungad saakin ang pangalan ni Max sa phone , kaagad ko itong binasa.

Max:

Bro , someone's coming. Don't let your past be your present because the past will ruin your present to get you again.

Napakunot ang noo ko. What does he mean? Don't let my past be my present? Ah , I don't know. Kaagad akong nag-type ng message para sa kaniya

Me:

What do you mean?

Echoes of LoveWhere stories live. Discover now