Chapter 1: Welcome to Vampire University

Beginne am Anfang
                                    

Napakaganda ng school na ito! Para itong isang magarang unibersidad. Napakaganda ng mga white and blue paintings sa paligid. Ang gaganda rin ng mga halaman sa palibot ng school at may mga gardeners pa na naghihilamon at nagpuputol ng mga sanga. Totoo ba tong nakikita ko? Parang wala sa pangalan ng University ang ganda ng campus.

Maraming mga security guards na may mga k9 units ang umiikot sa palibot ng campus. Marami ring mga CCTV sa paligid. Mas namangha pa ako sa mga buildings ng school, parang wala pa sa buong Pilipinas ang ganitong kaganda at kagarbong mga building.

"Ang gandaaaaaaaaa", sabi ni Cheska habang lumulundag lundag.

"Oo nga, napakaswerte natin Cheska", sabi ko sa kanya.

Nagsisisi na ako sa maling iniisip ko sa school kanina. Akalain mo, libre na ang lahat tapos napakaganda pa ng school. Iniisip ko nga na parang nasa Harvard University kami.

Pumunta kami sa administrative building. Ngayun lang kami nakakaita ng ganitong kagarang building sa buong buhay ko. Pumasok kami at nakitang pumipila ang mga bagong estudiyante.

"Diyan na siguro tayo mag eenroll", sabi ko kay Cheska.

"Tara, excited na ako sa magiging room natin"

Pumila na kami ni Cheska. Nakikita naming tumitingin sa paligid ang mga nag-enrol. Halatang halata na namangha rin sila sa ganda ng University.

After 34378234 years kami na ang nag-enrol. Binigay sa amin ang aming mga room number sa dorm. Number 453 ang room ko samantalang number 454 naman ang kay Cheska. Agad kaming pumunta sa guidance office para magtanong.

"Hello maam", nakangiti kong sinabi.

"Ano ang maitutulong ko sa iyo iha", sabi ng babaeng nasa 30's siguro ang edad.

"Saan po ba makikita ang room 453 at 454?", tanong ko sa kanya.

"Lumiko ka lang pakaliwa mula dito sa administrative building at diretsohin mo lang. Makikita mo ang sports area. Malapit sa Open field ang dorm niyo"

"May electric fan po ba?", tanong ni Cheska.

"Bawat dorm ay may mga aircon"

O_O

Kami na siguro ang pinakaswerteng estudiyante sa buong mundo. Luxury pala ang school na ito. Ang kinatataka ko lang ay bakit libre ang lahat.

Dumaan kami sa sports area. Halos lahat ng sport na alam ko ay nandito na. May badminton court, basketball court, volleyball court, at marami pang iba. May napakalaking swimming pool rin. Parang pang olympics ang dating.

Nakita na namin ang aming dorm. Dorm ba talaga ito? Para sa akin isa na itong condo eh. At saka first time kaming sumakay ng elevator ni Cheska. Matapos ang ilang kilometrong paglalakad, sa wakas, nahanap na namin ang aming room.

"Kita-kita nalang tayo bukas", pagpapaalam ni Cheska sa akin.

"Teka, wala namang binigay na susi sa atin ah", sabi ko sa kaniya.

"Oo nga no? At saka wala ring doorknob ang mga door na ito", dagdag niya.

Ang weird. Ano ba talaga ang nasa school na ito. Hayys. Kahit ilang sipa namin sa door ayaw bumukas.

"Excuse me maam, may I help you?", tanong nang isang babaeng parang flight attendant ang suot.

"We can't open the door, and the weird thing is walang susi at wala ring doorknob", pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Please lend me the card that was given to you maam", sabi niya.

Teka, yung card na binigay sa amin kanina? Anong gagawin niya sa souvenir na 'yon?

Vampire UniversityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt