He shrugged. “Tara na?” hinawakan niya ako sa siko at inalalayan maglakad.

Ang daming nakatingin sa aming dalawa… kay Lance, actually. No doubt na marami ding pinapaiyak na babae ang lalaking ‘to.

“Wala pa akong pinaiyak, MM…” he looked down at me.

Pinamulahan naman ako ng pisngi. Hindi ko alam na nai-voice out ko ang iniisip ko!

“Ang babae, hindi dapat pinapaiyak. Hindi dapat sinasaktan… malinaw naman sa mga ‘yun ang relasyon namin. It’s up to them kung aasa sila o hindi.”

“Tigilan mo kaya ang pagsama sa Kuya ko ng tumino ang isip mo?” I said sarcastically.

“Eh di sasama nalang ako ng sasama sa’yo. Kapag kasama kita, matino ang isip ko e.” he said grinning.

“Puro ka kaloko—damn!”

Napahinto ako sa paglalakad. May naramdaman akong something sa dibdib ko.

“What the hell?!” napatingin ako sa harap ko. May isang babaeng naka-white na may stain ng pink sa damit.

“Oh my gosh, I’m sorry.” Lumapit ako sakanya pero sinigawan lang niya ako.

“Sorry?! Sa tingin mo ba matatanggal ng sorry mo ang stain na ‘to sa damit ko?!” napatingin ako sa paligid namin, pinagtitinginan kami ng mga tao. My gosh!

“Hindi niya sinasadya, Miss…” lumapit sakanya si Lance. Trying to use his charm pero dinedma siya nung babae.

“Hindi sinasadya?” tumaas ang kilay nung babae at lumapit sa akin. “Eh ang tanga-tanga mo naman pala e! Tingin mo ba kaya mong palitan ang damit ko?!”

Napatingin ako sakanya. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay. Nagsorry na nga ako, sinabihan pa ako ng tanga-tanga?!

“We can talk about this somewhere else, miss. Hindi mo kailangan mag-iskandalo dito.” Halatang naiinis na si Lance.

“I don’t care about you.” Tinignan siya ng masama nung babae. Tapos tumingin ulit siya sa akin. “At ikaw namang tanga ka…”

“Call me stupid again, and you’re dead.” Hindi ko napigilang sabihin. I’m through being polite. Kanina pa niya ako iniinis e. Kung maka-insulto akala mo kilala niya ako at akala mo sinadya ko ang nangyari! Ibuhos ko pa sakanya 'tong hawak ko e!

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon