Secret 8

3.6K 93 1
                                    

CHAPTER EIGHT


Maingat na isinarado ni Jessa ang pinto na gawa sa steel ng umalis na ang receptionist. Humingi ito ng tawad sa kanya na tinanguan niya lang.

Nginitian naman siya ng bagong sekretarya ni Jarren at hinayaan.Marahil ay naabisuhan na ng amo.

Pakiramdam niya ay nanlalamig siya sa labis na kaba. Sari-saring damdamin ang lumukob sa kanya.
Mga ala-ala noong doon pa siya nagtatrabaho. Ang mga ala-ala ng labis na paghanga niya sa lalaki .

Noong sinusungitan siya nito,noong ipinagtanggol niya ang isang empleyado ,hanggang sa naging sila ng binata.

It was all so surreal.So unreal. Hindi kapani-paniwala. Bakit nga ba kasi umasa siya na totoo ang lahat ? Na totoo ang pag-ibig na ipinangako nito sa kanya. Na totoo ang lahat ng salitang mga binitiwan nito lalo na ang pagmamahal nito sa kanya. Sa bilis ng pangyayari ay dapat na nagduda siya .

Di sanay hindi siya nasaktan ng sobra.Ngunit dahil sa labis na pagmamahal sa lalaki ay naging bulag siya. Hindi niya nakita ang mga senyales na maaaring patibong lamang ang lahat. Masyado siyang masaya para alalahanin at para magduda ngunit gayunpaman ay masaya siya sa mga nangyari. She conceived a very wonderful baby, her life. At bonus na lang na mas naging matapang at matatag siya.
Huminga siya ng malalim ng bumungad sa kanya ang nakatalikod na lalaki.


Kahit likod lang nito ang nakikita niya ay kilala niya ito. Mula ulo hanggang paa ay kabisado niya ang lalaki. Hindi maaaring magkamali ang puso niya.
Yes. She still love this guy. After all these years ay nanatili ang pagmamahal niya sa lalaki. Ngunit kung noon ay handa siyang magpakatanga, ngayon ay hindi na.

She can now hid her feelings. She can now face him without admiring his beauty.

" How are you ? " anito. Lalaking-lalaki ang boses. Bakas ang authority sa tono.Halos mapapitlag siya sa labis na kaba.

Tumayo ang lalaki.Nanatiling nakatalikod sa kanya , inilagay ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng suot na slacks.

Glass wall ang dingding kaya tanaw ang skycrapers ng makati. Animo ito hari na nakatingin sa kaharian.

Malamig ang opisina ngunit namamawis ang mga kamay niya at bumubutil rin ang pawis sa kaniyang noo.

" I-I'm fine. I-Ikaw . " sinikap niyang gawing kaswal ang tono.Kahit ang totoo ay para siyang hinahabol ng mga kabayo sa bilis ng tibok ng puso niya.

Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan .Ayaw gumalaw ng katawan.
" Good. That's good to know . " anito. Hindi sinagot ang kaniyang tanong.
patlang.
Walang nagsalita sa kanila .Tahimik na pinakikiramdaman ang isa't-isa .
Hanggang sa binasag nito ang katahimikan.
" It's good to know that you took good care of my son .Anyway ,where is he ? " kaswal na sabi nito. Binigyang diin ang mga katagang " My son ".
Animo siya pinasabugan ng bomba sa narinig. He knew ? Oh god ! He actually knew ?
Bumukas sara ang bibig niya. Ngunit walang salitang lumabas sa labis na gulat. She can't utter a word. Damn !

" A-Alam mo ?" Nang sa wakas ay matagpuan ang tinig. Paos ang tinig niya. Tila usal lamang.
Lumapit siya sa table nito at kumapit upang hindi mabuwal. Gustuhin man niyang umupo ay tila hindi niya kaya.
" Yes. " kumpirma nito in a grim expression.
" Oh yes,Jessa.I knew everything .I knew about my son. I knew that we have a son. I knew that you wanted to call off our engagement.I knew that you're a selfish woman.I knew that you don't really love me ,you n-never loved me ." humina ang boses nito sa huling pangungusap at pumiyok. Sa pagkakataong iyon ay humarap ito sa kanya. Gone the grim expression , it was replaced by pain and longing. Namumula ang mga mata nito at hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang ginawa nitong mabilis na pagpahid sa luhang kumawala sa mga mata .
" You don't know my pain Jarren , sariling sakit mo lang ang alam mo na alam naman nating peke -
Akmang magsasalita ito ngunit itinaas niya ang kanang kamay.
She bit her lower lip upang maiwasan ang paghikbi ngunit hindi siya nagtagumpay.
" Yung sakit na naranasan mo. Kung totoo man na nasaktan ka. Walang-wala yan sa mga sakit at hirap na pinagdaanan ko Jarren. Walang-wala.Kung sa tingin mo ,naging makasarili ako. Iyon ay dahil kailangan .Kailangan kong protektahan ang anak ko. Ayoko siyang lumaki na ang kaniyang ama ay walang pagmamahal para sa kaniyang i-ina. I just wanted to spare my son in pain.Is that bad ? " tinignan niya ito. Naabutan niya ang malungkot na tingin nito sa kanya.
Gusto niyang pumalakpak. Napakagaling talaga nitong artista .Mukhang totoo ang luha.Pwede itong magwagi ng best actor sa galing nitong umarte. Marami itong dadaiging artista.
Tumayo siya ng tuwid at pinunasan ang mukha. Waterproof naman ang make-up niya courtesy of Roe.
Buong tapang niya na sinalubong ang tingin nito.
" Kung gusto mong makita ang anak mo. Okay lang sakin. Pero hanapin mo siya ,paghirapan mo- Oh baka nga alam mo kung nasaan eh ." tumalikod na siya at dumiretsyo sa pinto.Nang may maalala.
Nilingon niya ito at mapait na nginitian.
" And for the record. I did loved you..." And I still do .Tumalikod na siya at walang lingon na umalis.

My Secret Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now