Pinayuhan ako ni Trish na lumayo sa kanya. As if, I didn’t know that already. Buong maghapon, titigan contest kami ni Stephen sa klase. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa kin. Muntik ko na nga siyang batuhin nang notebook, kaya lang pinigilan ako ni Trish.
“That won’t help. Wag mo na lang siyang pansinin” Bulong ni Trish. Oo nga pala, may klase pa.
Pagkatapos, lumabas na kami ni Trish para umupo sa field. Medyo makulimlim ngayon. May padating daw na bagyo. Bagyong Tasya daw.
“Trish, hanggang kelan to?” Tanong ko sa kanya. Tinitigan ako ng best friend ko.
“Hanggang sa hindi ka niya nasasaktan” Tapos binaba niya yung tingin niya sa pagkain niya.
I sighed. Hanggang kelan ko kayang tanggihan si Stephen? Is there a limit to my no-heartedness?
Simula nung pumusok ako, the world was with me. Lahat nang babaeng nasaktan, on my side. Except yung mga, alam niyo na. Yung mga malalanding pilit na sumusukbit kay Stephen. Pero, tinatanggihan niya na ngayon. Lahat sila, parang nagchecheer sa kin.
Pero bakit ganun? Parang yung puso ko, against sakin. Against all of the world?
Ganun ba talaga katanga ang puso nang tao?
Kahit obvious na niloloko, nagmamahal pa rin?
Ganito na lang ba ako palagi? Pinaglalaruan?
Ang tanong ko no? Naguguluhan na kasi ako. Ang lakas pala nang kalaban ko. Ang sarili ko. Yung nirerepress ko nung nakaraang isang taon. Lumabas siya ngayon nang all-out.
“It’s okay Athena” Sabi ni Trisha. “Ganyan ang naramdaman ko nung una. Pero bumigay ako. Please just take me as an example. As a reference to what he can do. ”
“Can I do it Trish? Pwede bang tumakas muna? Ang hirap magdesisyon eh”
“Athena, I know you’re strong”
“Strong enough?”
“Strong enough. Kilala kita Athena. Kahit hindi mo kilala ang sarili mo.” Sabi niya. Bakit parang may ipinahihiwatig siya dun sa sinabi niya?
Kumulog nang konti.
“Tara na” Sabi ko. I felt stronger than ever.
“Smile, Athena, you can do this. Avenge all of the broken hearts” And that’s what I’ll do. Stephen de la Cruz has broken the last heart he can.
Ngumiti ako. Kaya ko to.
Nung nasa hallway na kami, tumunog yung cellphone ko.
Banana, babanana...
“Kuya bakit po?” Sabi ko sa kabilang linya.
“ Tintin, pumunta ka sa Aguinaldo Gen. Hospital. Bilisan mo. Inatake nanaman si Janjan, kailangan kong bumalik sa opisina, may meeting kami. ” Nanaman? Last month lang siya inatake ah. Kawawa naman yung kapatid ko.
“Oh sige po kuya” Binaba ko na. Tatakbo na sana ako, kaya lang kailangan ko munang magpaexcuse, ano ba naman yan. Yung kapatid ko...
YOU ARE READING
Shuffle [ON HOLD]
HumorIt all happens when Mr. Casanova meets Ms. Manhid ****Every song has a story, and every story has a song*****
![Shuffle [ON HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/1428912-64-k346606.jpg)